Friendship

36 4 2
                                    

Hello. Unang una sa lahat ako nga pala si Hace Manganaan. Haha. Gusto ko lang ilabas kung anong nararamdaman ko. Malakas ang loob kong gumawa ng ganito dito sa wattpad dahil alam kong hindi naman na sila gumagamit ng wattpad app kaya okay lang :) At tsaka wala naman na ata silang pakialam sakin :( Haha. Minsan kasi ang wattpad ay nagiging sandalan natin. Diba? Hehe. Kaya eto. I want to write my hearts want to say.

Akala ko okay na ko. Akala ko tanggap ko na. Sorry Nic And Z. Kung hindi ko pa pala tanggap. Akala ko kasi okay na. Pero ang tanga ko kasi inistalk ko pa sila kanina. Ayan tuloy bumalik na naman yung sakit. Ewan ko. nasaktan ako kasi hindi na kami friends sa fb ni S. Nakita ko din yung letters ni H sa kanila ni J AND S. Ang saya nila. Tapos ako? Eto. Nagmumukmok parin. Masaya ako dahil masaya sila. But a part of me is not. Bakit? Masakit dahil masaya sila na wala ako. Sabi ko noon I deserved this pain. Pero. Do I really deserved it? Oo alam ko kasalanan ko. Kasalanan ko nga ba? Hay. Siguro nga kasi pinamumukha na nila sakin ee. Masakit. Sobrang sakit. Sabi nila masakit pag nawalan ka ng boyfriend. Pero para sakin Mas masakit mawalan ng mga kaibigan. Naalala ko pa nung December 24. Noche buena. H texted me. Na wag na daw akong magkunwaring nasasaktan. Gustong gusto ko siyang murahin nun. Gustong gusto kong magalit sa kaniya pero. Pero Mas galit ako sa sarili ko. Gustong gusto ko din siyang saktan noon. But I end up hurting myself instead. Uminom ako ng alak. Dahil sobrang sakit na sa lahat ng tao sila pa ang magsasabi sakin ng ganung salita. Bakit ang dali para sa kanilang husgahan yung nararamdaman ko? Bakit ang dali para sa kanila na i let go ako? Hindi nila alam. Wala silang alam. Walang nakakaalam. Pucha! Sinubukan ko namang bumalik. I even begged. Pero wala pa rin. Walang alam yung mga bago kong mga kaibigan ngayon na nagmakaawa ako sa mga dati kong kaibigan. Oo nic at Z. Nagmakaawa ako sorry. Sana wag kayong magalit sakin. Iyak lang ako ng iyak noon. Hindi ko alam kung saan o kanino ko ilalabas ang sakit. But I choose to be alone. Kung nagpapanggap lang akong nasasaktan ee di sana ang saya. Ang ganda. Haha. Pero tang ina! Hindi ee. Nasasaktan ako. NASASAKTAN AKO. Alam niyo ba yun? Hindi diba?? Hindi. I even prayed na sana magkaroon ako ng amnesia kahit impossible. Na sana maging manhid nalang yung puso ko. Sana. Pero paggising ko. Ganun parin. Walang nagbago. Masakit parin.

Tapos naalala ko pa. Nung christmas party. December 17 kasama ko na noon yung mga bago kong mga kaibigan. Pero may mga binili akong regalo para kila S, H AND J. Pero naduwag akong magbigay alam to nila Nic at Z. Sige sa January ko nalang ibibigay sabi ko. Pero that day binigyan ako ng mga letters ni H. At first letter palang umiiyak na ako. Gusto kong humagulgol. Pero magmumukha lang akong mahina kaya I tried to fight my tears pero ayaw nilang tumigil. Kaya para hindi nila makita. Tumalikod ako at humagulgol. I just cried in pain. And prayed that I will get through this pain. T_T

Broken FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon