II

4 4 0
                                    

S A V A N N A H

"Not again, Savannah." She rolled her eyes. What? I badly want that bear! Not that I'm being childish, ya know. I'm also mature, well sometimes. But that bear makes mah eyes shining shimmering splendid so I want that one!

She turned her back and walk away. I sighed. "Kain nalang tayo." I followed her on her way to Café Venys. I ran after her para masabayan ko siya sa paglakad. Agad naman siyang umupo sa vacant na pwesto pagkarating palang namin sa loob. Tss.

"Coffee jelly and cheesecake lang." She nodded at pumunta na siya sa harap para makapag-order. Habang naghihintay ako, a guy entered and he's just so ooooooh-some. Well, heck yes. Napaayos naman ako ng upo ng bigla siyang lumingon sa direksiyon ko. Waaah, that walk, gorgeous! I mentally slapped myself, drooling over a stranger? Not my habit.

Nagulat naman ako ng naglakad siya papunta sakin, "Uhm, miss, can I sit here? Do you have a companion?" Saad niya. "Uhm, dalawa lang kami actually, come, sit here." I said then pointed the chair na nasa harap ko. Spell awkward,

U-S.

"Husstler?" Napatingin naman ako kay Deb na kasalukuyang may hawak ng tray at nakatingin sa lalaking nasa harap ko. Binaba niya yung tray at nagulat nalang ako ng magyakapan sila sa harap ko.

Oh wait, Husstler? So he is? "You're Husstler?" Naghiwalay naman na sila sa yakap. Napakunot naman ang noo niya, I smiled sweetly. "I'm Savannah. Nice meeting you." Pagpapakilala ko ng pormal. I was shocked when he was asking for a shakehands. I chuckled, I grabbed his hand and shook it.

He is so pogi. Omygoodness. Pero dahil pa-demure ang peg ng mga simpleng malandi ngayon (not that I'm a malandi, duh), nagkunwari nalang ako na kumakain at walang pakialam sa pinaguusapan nila. Pero minsan, dinadamay nila ako sa pinagu-usapan nila, nginingitian ko nalang silang dalawa kapag mapapatingin sila sa direksiyon ko.

And I wonder, kung may gusto ba si Husstler kay Deb. You can see the attraction that lies straight into his eyes. And kung hindi mo siguro sila kilala, mapagkakamalan mong sila. E paano ba naman kasi, magkatabi sila tapos mag-isa lang ako sa harapan nila, 

#foreveralone #deborahakinnalangsihusstler #wagkanggagayakayjimboy #magbibreaklahatsa23

-

Inabot na kami ng gabi dahil namasyal pa kami, with Husstler of course. Masasabi kong he's such a gentleman dahil sinamahan talaga niya kaming mag-shopping. Well, pagkatapos kasi namin kumain, nag-shopping ulit kami, he offered na siya nalang daw magbitbit ng mga pinamili namin. Nung first, nakakahiya pero habang tumatagal, siya yung gumagawa ng paraan para maging komportable kami sa isa't-isa.

"Thanks Husstler." Saad ni Deb. Napatingin naman si Husstler sakin and I just smiled. Kahit magkakasama kami buong araw, medyo awkward pa rin. But we're both working on that. Nauna naman na akong maglakad dahil tumatawag si kuya. "Sandali lang guys ha? Kuya's callin'."

They both nodded. Pumunta naman ako sa garden. Hayaan na munang mag-usap sila doon. I answered the call. "Hello graham-walang-balls?"

I heard him cuss on the other line. I laughed. 

"Sunday bukas. Uwi ka na agad. Take care Sav, goodnight." I rolled my eyes but few minutes later smiled. Kahit may pagka-sungit at snob si kuya, he still cares for me.

Bumalik naman ako sa may malapit sa gate para tulungan si Deb na dalhin na yung mga gamit papasok ng bahay nila. Nandun pa rin si Husstler, nagu-usap sila. But I was shocked when Husstler,

Kissed Deb's forehead and hugged her. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko. Mas lalo akong nagtaka when I felt a pang in my chest. Ano bang namamagitan sakanila?

-

I slowly opened my eyes and saw Deb facing her laptop sa tabi ko. Umagang-umaga talaga itong babaeng ito. But I still can't forget what happened last night. Okay, I admit, I'm curious. Like duh, parang sila kasi. Napalingon naman sakin si Deb and I smiled, the latter smiled too. "Goodmorning Tar."

"Anong meron?" Umayos naman ako ng upo para tignan kung anong ginagawa niya pero agad niyang nilayo sakin yung laptop. Napakunot naman yung noo ko. "Bakit?" Umiling naman siya. "W-wala, may binabasa lang ako."

"'Kay."

-

"Okay class, 4-5:00 is club's meeting. So kung ayaw nyo na sa dating club nyo, pwede kayong lumipat pero make sure na mag-register muna kayo. Goodbye class." Umalis na rin yung professor namin. Halata namang excited yung iba.

"Hindi ka lilipat ng club mo?" Salubong na tanong ni Deb. Umiling lang ako at nag-ayos muna ng sarili. Sa dance club kasi siya samantalang ako e photography club. Gusto niya nga akong lumipat sa club nila dahil marunong naman daw ako sumayaw pero tinanggihan ko. Gusto ko kasi maging photojournalist someday so sa photography club ako pumunta.

Kinuha ko na yung DSLR ko sa locker, me and Deb parted ways dahil sa kabilang building ang venue nung meeting. Habang naglalakad ako, ini-scan ko yung DSLR ko at napansing nandito pa rin pala yung mga pictures noong birthday ni ate Demi. I chuckled when I saw kuya Grey and ate Demi na magka-akbay at halatang pilit ang smile. Lasing sila that time dahil nag-truth or dare kami.

Mayroon kasing rules yung truth or dare na kapag hindi mo nakayanang sagutin yung tanong at gawin yung dare, paiinumin ka nila ng vodka. Eh isa sila sa pinaka-maaarte kaya sila rin yung unang nalasing.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong campus, grabe nagsilabasan lahat ng estudyante. Well, club's meeting ba naman kasi. Kanya-kanya silang hanap sa mga clubs nila lalo na yung mga freshmen kaya nababangga pa ako ng iba. Hindi nalang ako umangal. Nakikita ko kasi sakanila yung itsura ko nung freshman ako, ganyan din!

Hindi ko sila masisisi, orientation lang ginagawa sa mga freshmen sa first 2 weeks ng June, hindi ka na nila ito-tour sa buong campus dahil maliit lang daw naman ito. Maliit ha? Grabe.

"Hala sorry po ate! Sorry talaga!" Saad ng isang babaeng freshman sa babaeng ka-batch ko, si Valery. I saw her roll her eyes na parang bwisit na bwisit sa freshman na iyon. "Tanga, bulag, lampa, ano pang adjective at ng madescribe kita ng maayos?" Tinulak naman niya ito at sumalampak sa sahig ang bata. Agad akong lumapit sa kanila dahil humahakot na sila ng atensiyon.

Tinulungan kong tumayo ang babae at humarap kay Valery saka sinamaan siya ng tingin. Tinaasan niya lang ako ng kilay na parang nainis sa ginawa kong pagtulong. "Hindi naman sinasadya ng bata na mabangga ka! OA mo, get a life!" Saad ko at hinila ang bata papunta sa may bench.

Nakatungo lang siya. Tiningnan ko siya ng maigi at napansin ko ang simple niyang itsura. Bihirang estudyante ang ganito rito. Halos lahat kasi ng mga estudyante rito ay ang tanging ginagawa lang ay magpataasan ng allowance, magpasikat ng kotse, at magpatagisan ng angkin nilang kagandahan na hindi naman requirement para mag-graduate ka.

"What's your name?" Saad ko at hinawi ang takas niyang buhok at nilagay sa likod ng tenga niya. Tumingin siya sakin at nakita kong umangat ng kaunti ang kanyang labi. "Quien po."

Nilahad ko ang kamay ko at nagpakilala. "Savannah." Tinanggap niya ang kamay ko at humingi ng paumanhin dahil naistorbo ko raw siya. Sinabi ko namang ayos lang iyon.

"Ate alam mo ba kung saan yung Arts Club?" Tinuro ko naman ang pangatlong palapag ng building na iyon. Tumango naman siya at nagpaalam na, naghiwalay na rin kami ng landas. Nakakatuwa, may nakilala akong bagong kaibigan kahit mas bata siya kesa sakin.

Nakarating naman na ako sa room kung saan kami nagga-gather sa tuwing mayroong meeting. I searched for a seat sa likod and luckily found one. Pumunta naman ako doon at pumwesto na dahil magsisimula na yung meeting.


The Love DecreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon