[SCENARIO] Tindahan... Ft. Junhoe

193 10 10
                                    

Nasa tindahan si Junhoe para bumili ng Itlog

Junhoe: Magkano itlog niyo manong?

Tindero: Juan, may itlog ka naman ba't kailangan mo pang bilhin yung akin?

Junhoe: Wtf? Juan?! Junhoe po pangalan ko! Pati itlog na niluluto ibig kong sabihin!

Tindero: Sabihin mo kasi ng maayos. Parang love lang 'yan eh, diyan nagsisimula ang break-up eh, sa misundertanding.

Junhoe: Aba't-- humugot pa. Tch. Sampung itlog nga po.

Tindero: Seventy pesos lahat.

Junhoe: What?! Ba't ang mahal?!

Tindero: Buti nga ang presyo nagmamahal, pero anong ginagawa ng iba diyan? Sinasaktan ang mga taong walang ibang alam kun'di mahalin sila

Junhoe: Kasalanan ko ba kung tanga sila?

Tindero: Hindi dahil sa kasalanan mo, dapat mo lang malaman para hindi ka matulad sakanila

Junhoe: I'm too fab to love.

Binigay na ni Manong yung mga itlog. Kukuha na sana si Junhoe ng pera kaso naiwan niya ang kanyang wallet.

Junhoe: Ay shit. Manong ano kasi, yung pera ko naiwan... Paano ba 'yan, kukunin ko lang po. Babalik po ako.

Tindero: Mangangakong babalik pero kinalimutan ang pangako at hindi na bumalik. Kaya ang daming sawi sa pag-ibig

Junhoe: HINDI NA LANG NGA AKO BIBILI!

At bumalik na si Junhoe sa dorm nila ng walang dalang itlog

Yunhyeong: Oh!Ju-ne! Nasaan na yung mga itlog?

Junhoe: Wala, walang itlog. Parang pagmamahal ni Jinan hyung saakin, wala.

Yunhyeong: Maghanap ka! Puro ka landi! Hindi ako makakagwa ng Egg roll!

Inilahad naman ni Junhoe ang kanyang kamay at binigyan ni Yunyeong ng pera. Umalis naman ito

Hanbin: Problema 'nun?

Yunhyeong: Malay ko ba, humuhugot.

Nakarating na ulit si Junhoe sa tindahan

Junhoe: Sampung itlog, ito seventy pesos.

Tindero: Ay ubos na. May bumili ng lalaking gwapo at mabait.

Junhoe: What?! Kailangan ko 'yun!

Tindero: Kung saan napagtanto mo na mahalaga ang isang bagay, doon ka na babalik, kung saan may nahanap ng iba ito. At ngayon nagsisisi ka.

May lalaking namang lumapit sa Tindahan

Tindero: Oh bumalik ka?

Jin: Manong, pabili akong paminta. Salamat nga pala 'dun sa itlog.

Tindero: Ito paminta. Walang ano man. Ingatan mo 'yun katulad ng ginagawa mo sa mahal mo

Jin: Opo. Sige po alis na ako.

Umalis na si Jin at naiwan doon si Junhoe na nanlulumo

Junhoe: BAKIT UBOS NA ANG ITLOOOOGGG?!

Tindero: Huwag kang mag-aalala, may iba pa naman diyan na mamahalin ka

Junhoe: ... *Walk-out*

---

Huehue nasingit ko na si Jin. Okay, I'm going to fly~ My life is so byuntae~

❌❌❌ⓖⓩⓑⓜⓘⓝⓡⓔ

iKON Univeristy [iKON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon