Aisha's Point Of View.
"Last na yan ah! Kainis naman kasi Aisha! Pang ilan na ba yan? Pati ako dinadamay mo. Hayy!"
"Shhh!" Saway ko sa makabasag eardrum kong bestfriend. Kasalukuyan kasi kaming nakatago dito as halaman at pinagmamasdan si Hirro my loves! Hayy eto nanaman ako fan girl mode. Pang ilan na ba 'to? Is a.. Dalawa....Tatlo.. Hay ewan!
"Okay sige may nalalabi ka pang limang minuto para sulyapan yang pang tatlut put pitong libong lalaki na naging crush mo."
"Hoy grabe ka ha! Pang apat palang 'to tska feeling ko iba na talaga to! Sya na ata ang the one!" Ayan tuloy namumula nako. Hehe
"Ay nako! Ewan ko sayo! Bahala ka dyan! May pa 'The one' ka pa! "
At dahil sa kakulitan netong babaeng kasama ko pumasok na kami sa una naming klase. Hindi naman ito ang first day namin pero atat na at at talaga syang pumasok.
"Ms. Aisha Teres Hernandez!"
"S-sir?" Eh kasi naman 'Day dream' mode ako dito! Tapos sisirain naman netong si Sir. Batungbakal!
"Are you listening? I said, ikaw ang nangunguna sa klase ko kaya bukas puntahan mo ako sa office at mag te-take ka ng exam, kapag pasado ka malilipat ka sa mas mataas na section" Nanlaki naman ang mga mata ko duon. WHAT!? Paano nalang si Serrine?-- ang makabasag ear drum kong bestfriend?! Noo!
Natapos ang tatlo kong klase at todo drama etong si Serrine. Ibagsak ko daw ang exam para magkasama parin kami. Ayoko nga no! Gusto ko maging proud sila mama sakin tsaka.. Malay mo sa section ako nila Ethan! At Hirro yung mga sikat dito sa school. Mehehe.
-Kinabukasan-
"Waaag! Besty! Hindi ko kaya!
Wag mo naman akong iwanan oh! Patingin nga nyan pasado ka ba??! Ayyie!! Wag mong sagutin papatayin kita!" Siraulo tong Babae na 'to ang sakit sa tenga ha! Ewan ko bakit ko natiis na makasama to sa tatlong taon.Binuksan ko ang envelope at.. Hindi naman sa nagmamayabang expected ko na 'to. Nagpuyat kaya ako kagabi para mag aral.
"Pasado ako Serrine." Hindi sya nagsalita. Biglang nagseryoso ang mukha nya at nangigilid ang luha sa mata nya. Ay ang O.A nya ah!
"Congrats. Bye" Naglakad na sya palayo. May topak ata sya ngayon, I mean araw araw naman (^^ V) Bahala na sya itetext ko nalang sya mamaya.
Tinignan kong mabuti ang enevelope para malaman ang section ko at muntik ko ng maiuwa ang eyeballs ko! OhMyGod! Waah!
"Thankyou looooorrrd!" Nagpasigaw sigaw ako at nagpatalon talon sa sobrang saya! Kaklase ko si Hirro!
"Araaay!" Sa sobrang kakatalon ko, natapilok ako. Napaupo ako sa sobrang sakit at hindi ako makatayo.
May biglang lalaking lumapit sakin at kunot ang noo. "Trouble Maker. Tsk" Binuhat nya ako ng bridal style. Wait.. Binuhat!?
"Huy! Ano ba! Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya pero tinignan nya lang ako.
"Miss, alam mo? Ikaw na nga ang tinutulungan, galit ka pa?" Natahimik naman ako, kesa naman sa pabayaan nya ako dito habang masakit ang paa ko diba? Minsan talaga pati pag iisip nakakalimutan ko na.
Habang buhat buhat nya ako tumingin lang ako sa kanya habang sya naman nakatingin sa malayo. In fairness! Ang gwapo nya! Matangos ang ilong, maputi, matangkad at hindi pang siga ang ayos ng kanyang buhok. Medyo messy lang.
Nakarating kami sa clinic at linagyan ng benda ang paa ko, nagkaroon ako ng ankle sprain at hindi daw muna ako pwedeng pumasok. Naku naman! Goodbye Hirro na?
"Uy!" Tawag ko sa lalaking tumulong saakin habang nakaupo ako sa kama ng clinic at sya naman kaupo sa may sofa at tutok sa cellphone.
Tinaasan nya lang ako ng kilay. "Salamat" sabi ko at nag smirk lang sya saakin. Snabero! Buisit.
Masakit parin ang paa ko pero kailangan kong pumasok ngayon. Maniwala man kayo o hindi, wala pa akong absent ni isa.
"A-aray" Hindi ako makatayo at natumba pa ako sa sahig! Ugh. What a day.
"Ang kulit mo rin pala eh no?" Inalalayan nya akong maka tayo at inupo ulit sa kama.
"Ha? Bakit ba? Kailangan kong pumasok." Umiling iling lang sya at yumuko para magka level kami. Nanliliit ang mga mata nya na tinignan ako.
"Hard. Headed. Aisha." Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil naiilang ako.
"Anong sabi mo? Matigas ang ulo ko?!" Napagtaasan ko na sya ng boses.
"Ano sa tingin mo? Totoo naman diba?" He smiled at me at pintik ang noo ko.
"Bwisit!" Sabi ko at inirapan sya.
"Hindi ka pa ba aalis? Wala ka bang klase?" Tinignan nya lang ako at hindi pinansin.Gusto ko mang papuntahin si Serrine dito para sya nalang ang mag bantay sakin pero hindi pwede. Remember? Galit sya sakin.
May nakita akong papel sa table at kinuha iyon. Nakalagay ang pangalan ko at pangalan nya... Christian Elle Rivera.
"Uhm. Christian?" Tawag ko. Nilingon naman nya ako at Napa kunot ang noo nya.
"Ano?" Sagot nya.
"Okay lang na pumasok ka na sa klase mo. Ayos lang ako dito"
"Ayoko" Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Ayaw nya? Bakit? Hindi naman nya ako kilala at hindi ko sya kilala kaya bakit nya ako binabantayan?
"Ha? Bakit? H-hindi mo naman ako kilala ah, tsaka hindi din naman kita kilala. Bakit ang bait bait mo sakin?" Tinignan nya lang ako at ngumiti.
"Oh. Oo nga pala. Hindi mo naman ako kilala. Pero ako?" Turo nya sa sarili nya. "Ewan ko lang" Sumandal ulit sya sa sofa at nag crossed arms.
Ano bang sinasabi nya? Kilala nya ba ako? "A-anong ibig mong sabihin?" Tinuro ko sya at tinignan ng masama. "Stalker ka no?" Tumawa naman sya at umiling iling.
"Ako? Stalker mo? Masyado akong gwapo para maging stalker mo." Hah! Yabang rin eh no? Lakas ng hangin ah? Nakakatangayyy.
"Eh bat mo ako kilala?" Tanong ko ulit.
Nag kibit balikat lang sya. Hays! Labo kausap.
"Kilala kita kase ikaw si Aisha Teres Hernandez, kung nalalabuan ka. Maghintay ka lang, dadating ang araw maiintindihan mo rin. "
--
Vid ni Christian sa taas. \ Myungsoo
BINABASA MO ANG
No Turning Back
RandomIsang babaeng matagal na panahon na nyang kinalimutan ang kahalagahan ng pag ibig. Sa kanya bang muling pagbabalik ay maaalala nya pa ito? Maibabalik kaya ng isang lalaking matagal na syang mahal? Naranasan nyo na bang mag habol? Kase si Aisha Teres...