Prolouge.

4 0 0
                                    

Aisha's Point of View.

- 7 years ago-

"Hi!" Kumaway ako sa batang lalaki na nasa harapan ko, nakaupo sya sa isang malaking kahoy at titig na titig sa kanyang sapatos.

Tinignan nya lang ako ng saglit at bumaling muli sa kanyang sapatos ang kanyang mga mata.

Umupo ako sa tabi nya kaya Napa lingon sya.

"What?" Iretable nyang tanong.

Tumawa ako tsaka pinisil ang magkabila nyang pisngi kaya naman namula siya.

"H-Hands off!" Sigaw nya kaya naman binitawan ko sya at tumawa ulit.

"May problema ka?" Tanong ko at kumuha ng tuyong sanga at gumuhit ng kung ano- ano sa buhangin.

Kumunot naman ang mukha nya at tumingin sakin at inirapan ako.  "Bakla ka ba?" Tanong ko ulit.

"What!? Hell no," aniya at inirapan ulit ako.

"Kaya ka ba malungkot? Kase hindi mo masabi sa mga magulang mo na bakla ka? Kung mahal ka nila tatanggapin ka nila kahit sino o ano ka pa... Kaya wag kang matakot sa pag amin mo," nginitian ko sya. Siya naman tinignan lang ako at umiling.

"What made you think that I'm a gay?" Aniya at kumunot ang noo.


"Nasa Pilipinas tayo, at para sa ika-uunlad ng bansa, mag tagalog ka," natawa naman sya kaya lumitaw ang kanyang dimple sa kaliwang pisngi.

"Hindi ako bakla," sagot nya at tumango ako. "My mom and dad, pinapadala nila ako sa ibang bansa" tuloy nya.

"Ayaw mo yun?" Tanong ko at umiling sya. "Bakit?" Tanong ko ulit.

"The last time I went there, wala akong makasundo.. All of them hates me, because.."

"Because?"

"Thea likes me," napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Thea is beautiful, rich and kind. Lahat sila sya ang gusto kaya..." Natigilan sya at tumungin saakin."Nevermind" aniya atska tumayo at naglakad paalis.

Umuwi nalang din ako at nagpahinga, kakagaling ko lang kasi sa ibang bansa para mag bakasyon kaya pagod na pagod ako.

Pag apak ng gabi, pumunta ako ng play ground. I'm not that old pa naman, I'm just 10 years old.

Umupo ako sa may swing at tiningala ang mga stars sa taas.
"Hi Sis, I missed you," I whisphered. "It's been 1 year na pala no? Ang daya mo kase eh, dapat hinayaan mo nalang na ako yung masagasaan." Para akong baliw na umiiyak habang tumatawa.

"I missed you so much Ate Eunice.."  My tears fell. Hindi ko mapigilan na maiyak tuwing naaalala ko sya. Naging mabuti syang kapatid saakin kahit sa kaonting panahon lamang. Feeling ko nga kasalanan ko— hindi pala.. Kasalanan ko talaga.

"I'm sure miss ka na rin ng ate mo," napalingon ako sa nagsalita.


"Uy, ikaw pala," sinubukan kong ngumiti sa kanya. Ngumiti din sya saakin at umupo sa isang swing na nasa tabi ko.

"Kinausap ko mga magulang ko pero wala pa rin," sabi nya habang nakatingala din sa langit.
"Hindi naman nila talaga ako pakikinggan dahil I'm just 12 years old," dagdag nya.

"Sundin mo nalang ako gusto nila, makakabuti rin naman yan sayo," umiling lang sya at ipinikit ang mata at bumuntong hininga.

"Siguro nga.. Pero hindi eto yung gusto ko eh," saad nya at tumingala ulit sa langit.

"Eh anong gusto mo?" Tanong ko.

"Bakit mo gustong malaman?" Natatawang tanong nya.

"Wala naman, bawal ba magtanong?" Umiling lang sya at tumawa ulit.

Nag kwentuhan lang kami hanggang lumalim ang gabi, masaya pala syang kausap.. Akala ko masungit sya pero hindi naman pala, mabait naman sya at masayang kasama.

Araw-araw kaming nag kukwentuhan kaya naging magkaibigan kami kahit sa maiksing panahon lang. Sa isang araw na ang alis nya papuntang NYC.

Nakakalungkot.. Kung kailan nagkakaroon na ako ng kaibigan tsaka naman nawawala.

Isang araw nagising ako at pinuntahan ang bahay nila. "Manang Mae!" Tawag ko kay manang na nadatnan ko na nagtatapon ng basura.

"Oh ija, napadalaw ka?"

"Andyan po ba si.." Napakamot ako sa ulo ko, hindi ko pa pala alam ang pangalan nya.

"Ay naku Ija, kaka alis lang nila kaninang madaling araw,"

"P-po? B-bakit po hindi nya sinabi sakin na ngayon ho sya aalis?" Tanong ko.

"Napa aga ang alis nila dahil na ospital ang lolo nya," sagot ni manang Mae.

"G-ganun po ba? Sige ho aalis na ako," nangingilid ang mga luha sa mata ko.. Hindi man lang sya nakapag pa alam sakin? Teka? Sino ka ba para mag pa alam siya sayo? Umaasa ka ba na magkaibigan nga talaga kayo? Eh wala ngang isang linggo mula ng magka kilala kayo eh, ni hindi mo nga alam ang pangalan nya kaya bakit pa sya magpapaalam sayo?

Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Bakit ba lagi nalang ganito? Iniiwan ako ng mga taong mahalaga sakin na hindi man lang nagsasabi?




No Turning BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon