Waiting For My Dream Boy
Written by: Cixtine | Christine Sanchez ©2015 all rights reserved
"To love is not to find the right person, but to be the right person to love." - anonymous
Kristel's POV
Sabi nila ang love daw hindi inaantay kasi kusa daw yang dumadating. Eh pano kung dumating na yung love na inaantay mo ang problema lang hindi nya kayang magmahal? Kase natatakot syang masaktan uli? Kaya eto ka dakilang kaibigan lang ang peg in short na friend zone ka. Masakit diba? Masakit na kahit alam mong hindi mo naman sya sasaktan eh hindi sya naniniwala.
Kaya minsan napapa isip ako. bakit ganon kung sino pa ang mga manloloko sila pa ang minamahal ng mga taong mahal natin? Tapos in the end masasaktan lang sila? Tapos pag nasaktan sila hindi na na sila mag mamahal ulit kase nadala na daw sila?
Tsk akala ko love is blind lang, love is stupid din pala.
Bakit ganon si Ian? Bakit hindi nya nakikitang nandito lang naman ako palagi sa tabi nya. Handang mahalin at alagaan sya????
Hay ang gwapo talaga ni Ian, napaka talino at napaka bait pa and not to mention napaka yaman pa. Sya na ata ang perfect description ng salitang dream boy. Yan yung palagi kong sinasabi kapag nakikita ko sya.
Kaya ginawa ko lahat mapalapit lang sakanya. Nung una ayaw nya kase ayaw nya na nyang mapalapit sa mga babae, kase pare parehas lang daw ang mga babae manloloko.
Aray naman! manloloko anong tingin nya sakin sira? Lalapitan ko ba sya kung lolokohin ko lang pala sya? saka paano ko sya lolokohin kung kaibigan lang tingin nya sakin?
Minsan nga tinatanong ko sa isip ko 'Ian can we be more than friends but less than lovers?'
Sa isip ko lang naman kase yan pwedeng sabihin, kase kapag sinabi ko sa kanya yon siguradong mabilis pa sa alas kwatrong magagalit at lalayo yon sakin.
Kahit anong gawin kong pag paparamdam, kahit anong gawin kong pagmamahal sa kanya. wala eh na friend zone ako. Sabi nya hanggang kaibigan lang daw yung pwede nyang i offer sakin.
Masakit right? Masakit magmahal ng taong alam mong hindi kayang suklian yung pag mamahal na binibigay mo? Masakit magmahal ng taong hanggang kaibigan lang ang tingin sayo?
Minsan nga gusto kong iuntog yung ulo ni Ian sa pader para matauhan syang hindi porket niloko at pinag palit sya ng gaga nyang girlfriend sa iba eh isasara nya na yung puso nya para sakin.
Kung bibigyan nya lang ako ng chance para patunayan sa kanya kung gaano ko sya kamahal, na hinding hindi ko sya lolokohin katulad ng ginawa ng ex girlfriend nya edi sana masaya kaming dalawa ngayon.
"Ian, sasama ka ba sa field trip natin sa Palawan?" I asked while looking at him
Nandito nga pala kame ni Ian sa cafeteria. Gumagawa ng report habang kumakain ng lunch. astig no?
"Hmm kelan ba yon?" Tanong nya habang nag ta type sa loptop nya.
"Tsk tsk. Halatang hindi nakikinig kay ma'am eh. next week."
"Ah okay."
"Sasama ka?" Tanong ko
"Yep. Once a year lang kaya yon kaya ayoko yong ma miss no." Tama naman sya