Chapter 11: Someone is leaving

37 0 0
                                    

Owy's POV

Hello!!! Alam nyo naman diba na ginagamit ko lang si Yen? Para di ko mapakasalan si Pauliea. Parang.. Parang di ko na ata kaya pang ituloy ang plano ko.

Masyado ng espesyal sakin si Yen. Di ko ata kaya syang saktan at lalo nang malaman nya na ginagamit ko lang sya.

Naalala ko ang sinabi sakin ni Dean at Kuya Jay.

"Kaya ikaw. Wag na wag mong lolokohin ang isa sa sakanila dahil E-boys makakatapat mo" Yan ang sabi ni Dean. Yare ako dito for sure lalo na at kaibigan ko na lahat ng members ng E-boys.

"Napansin kong iba ang tingim mo kay Yen. Kung ano man yun, sana wag mo syang sasaktan ha? Aalis na kase ako. Wag mo munang sasabihin sakanila ha? Pinagkakatiwalaan kita dito." Sabi naman ni Kuya Jay.

Speaking of Kuya Jay. Kelan ba sya.aalis? Sakto. Andito ako sa Goalden. Tatanungin ko na lang.

"Kuya Jay." tawag ko sakanya.

"Oh? Naguguluhan ka ba sa formula?" sagot nya sakin habang papalapit.

"Hindi naman. Ahh. Ano kase.. kelan ka ba aalis? Kelan mo balak sabihin sakanila?" tanong ko sakanya. Nakita ko naman ang pagkagulat ni Kuya Jay. Buti na lang at wala pa sila Yen. Nagpaiwan kase sa school may gagawin pa daw. Ayaw ko ngang iwan pero nagpupumilit.

"Hindi ko man gusto toh. Pero next week na, Owy. Kelan ko sasabihin? Mamaya. Ano man ang mangyari babalikan ko kayo. Di ko kayang di ko mayo babalikan." sagot naman ni Kuya Jay at umalis na. May tumawag kase sakanya.

"Hello?! Roger. I need back up! Roger that! I need back up!" Narinig ko na ang boses ni Yen. Haaaay. Ang cute talaga nito lalo na pag natawa. Ano ba toh?! Owy! Inlove ka ba ha?

-______-

"Bestfriend!!!" Niyakap nya ko na talagang ikinagulat ko at alam kong nagulat din sya. Wala na kong nagawa kundi mag hug back na lang.

Dugdug.Dugdug.Dugdug.

Wth. Anong puso toh? Biglang bumilis ang tibok.

"A-ahh.. Bestfriend" Awkward kong sabi.

"A-ahh. Ano.. Hahaha" umalis sya at inilapag ang mga gamit sa bakanteng pwesto. Katabi nya si Sonia.

May biglang tumabi sakin. si Dean.

"Oy. Ano yun ha?" Tanong nya

"Anong ano yun?" sagot ko. Di ko alam pinagsasabi nito eh.

"Suus. Nag mamaangmaangan ka pa. Yung yapos na yun? Ano yun?" sabi naman nya. Ayy. Tatay nga pala to ng E-Girls.

"Ahh. Wala-wala." sagot ko.

"Nako. Kung ano man yan... Wag mo talagang sasaktan yan. Di mo pa alam ang lahat. Fragile yan. Kung alam mo lang. Binabalaan na kita." sabi nya at lumapit na kay Ej.

Okaaaay. Strike 2 kay Dean.

Owy.. Dasal dasal na.

Yen's POV

Yen!!! Ano yun ha?!! Bat mo niyapos si Owy??!!! Wag kang magpadala sa feelings mo please! Baka masaktan ka lang. Madala ka naman! -_____-

Kase alam nyo ba? Iba na eh. Iba na talaga ang nararamdaman ko. Crush ko na ata ang bestfriend ko. Mabilis ba? Wala eh. Mabait sya, gentleman, ideal man ng girls. Diba?

"Hoy. Marienne!"

"Ay crush ko sya!! Ano ba yan Sonia?"

"Uyyy. Sinong crush mo ha? Ikaw ha! Share naman dyan!" Ayan tuloy nahuli ako. -____-

"Basta satin lang toh.. Si ---"

Jay's POV

Eto na.. Sasabihin ko na sakanila. May mainterrupt man akong pag uusap ay sumigaw na ko.

"Okay! May importante akong sasabihin!" Kinakabahan ako. Tumingin ako kay Owy at nagkatinginan kami tapos lumabas sya. Masakit siguro para sa kanya. Lalo naman sakin.

"Ano yun Sir?" Yen.

Sir. Mamimiss ko ang tawag nila saking Sir.

"Guys. Aalis ako."

"Ingat Sir!" sabi ni Sonia. Haaaay. Kahit kelan talaga toh.

"I mean. Aalis ako ng bansa. Pupunta akong Canada."

O____O

TT___ TT

------------------------------------------------

Cut muna. Inaantok na ko eh. Sorry matagal ang update. Sobrang busy lang talaga. Lalo na ngayon next week na ang Prelims namin. GoodNight! -Mayeeeen

Love At First Sight ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon