CHAPTER ONE

52 2 0
                                    

*BMae's POV*

"Ateeee ! Gising na ! Late ka naaaaaaaaaaaaaaaaaa!!"

"Hmmm ? sige lang .. babangon na ako"

"Mamaaaaaaaaa ! si ate oh! ayaw gumising!"

*TUG* TUG* *TUG*  *BLAG*

"BRIDGIETTA MAE ! BABANGON KA NA DYAN O HIHINTAYIN MONG IBUHOS KO SA IYO ITONG DALA KONG TABO NA MAY LAMANG TUBIG!!?"

Napabangon ako bigla ng sumigaw si mama ng sobrang lakas na akala mo may megaphone sa lalamunan ..

"Eto na nga po eh .. Babangon pa lang po ako.. =_="

"Ano ka bang bata ka.. 1st day mo ngayon sa papasukan mo tapos late ka?"

"Ma, orientation lang po iyon di po 1st day of class"

"Kahit na ! mahalaga yun kailangan mo maging responsable sa lahat ng bagay importante man o hindi.. o sya! maligo ka na at malalate ka na.."

So ayun ! No choice.. Napilitan ako kahit alam kong maaga pa. Baka kasi isigaw nanaman ni mama yung weird kong pangalan at marinig pa sa labas..=__=

Opo, ako na nagsasabi sa sarili ko na weird ang pangalan ko.. Ewan ko ba sa mga magulang ko kung saan nila napulot yung pangalan na yun at yun ang napagtripan nilang ipangalan sa akin ..

BRIDGIETTA MAE Z. FRANCIA ang fullname ko. Maganda na sana eh, kaso wala talaga akong idea kung saan nila nakuha yung first name ko. So yun nga 17 years old na ako. 1st year college this year sa course na BS Computer Science. Buhay ko? normal things lang pero ang pinagkaiba lang wala akong lovelife. :3

Bukod sa araw-araw ba naman sa akin sinasabi ni mama na wag muna daw ako magBOYFRIEND, eh di ko talaga trip yan. Kahit nga crush wala ako eh. Ewan ko ba kung bakit. Sabi nga ng mga high school classmates at friends ko may "ABNORMALITY DISORDER" daw ako dahil wala man lang daw ako nagiging boyfriend or crush man lang. Minsan nga napagkamalan pa akong Tibo o Tomboy, pero sabi ko sa kanila..

*Flashback*

"Mga baliw ! Tibo kayo dyan? 100% girl po ako at kung tibo man ako dapat niligawan ko na kayo  noon isa-isa.."

"Sa bagay.. sa gandang yan? napagkakamalan pang 3rd gender? eh halos laman ng bag mo puro lipstick,pulbo at picture ng mga cute stuff. Yung totoo? Tao ka ba talaga? Ba't naman kasi hindi umaagat kahit 5% ang lovelife mo eh? "

*End of Flashback*

di ba? parang mga timang? pagkamalan daw ba akong alien? =___=

"Mama ! Aalis na po ako!"

"Paano yung pagkain mo dito!? Ano!? Itatapon lang 'to!?"

Dear Crush, Please Be Mine.. [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon