"Ano ba yan, ang hirap sumakay, mala-late na ako" nasabi ni Tricia sa sarili nya. "kung bakit kasi tinanghali ako ng gising, lunes pa naman.. haays naku talaga"
ilang jeepney na ang dumaan at lahat ay punuan at may sabit pa. May huminto na jeepney sa harap nya at may bumaba na isang pasahero. Pero may nakasabit sa estribo na dalawang lalaki kaya alam ni tricia na hindi siya makakasakay.
Tinawag siya nung lalaking naka tshirt at maong pants. " Miss, sakay ka na.. ikaw na lang umupo mahirap sumakay ngayon at lunes baka ma late ka pa"
Ngumiti ako "Ay, salamat po Kuya" sabi ko at tinignan ko siya, bata pa pala, hindi nagkakalayo ang age namin siguro. Possible na college student siya kasi hindi siya naka uniform.
Duon ako napaupo sa dulo malapit sa driver. Tinignan ko ulit iyung lalaki at nginitian ko, napansin ko iyung isang lalaking nakasabit din. Naka uniform pala siya nung isang competitor naming school. Napatingin ako sa kanya at napatitig, ano ba itong naramdaman ko., nagka crush pa ata ako sa ganitong eksena sa jeepney. Then bigla ko napansin iyung katabi ko, OMG lasing pa ata si Kuya, kasi amoy alak siya at tumatango tango.
Gusto ko lumipat pero punuan na ang jeep nakakahiya pati baka sabihin ni crush eh maarte ako kaya., pagtyagaan ko na lang ito at uusog na lang ako mamaya kapag may bumaba. sabi ni Tricia sa sarili nya.
May pumara, pero dun siya nakaupo sa katapat na upuan. Sinundan ni Tricia ng tingin iyung pababan, kasi gusto nya ulit silipin iyung guy na nakasabit iyung naka uniform, iyung new crush nya. Nagulat si Tricia kasi pinaupo nung crush nya iyung college student na nakasabit. Tapos may sumabit ulit na lalaki.
Nakakainis naman, nakakaawa naman siya kanina pa ata siya nakasabi, baka pago na siya, sambit ni Tricia sa sarili nya, habang pasulyap sulyap siya sa may estribo. Ano ba yan, bad trip din talaga itong katabi ko ah. Hindi pa ba ito bababa. tsk tsk
May pumara ulit, yes iyung katabi nung mamang lasing. Makakausog na din ako sa wakas. Medyo nakalma ang pakiramdam ni tricia.
OMG, si crush ang uupo. Pero badtrip, ayaw umayos ng usog nitong katabi ko. sa isip-isip ni Tricia. Paunti unti ang usog, tama ba iyun. Pero nagulat na lang siya pinilit ni crush nya na iusog ang mamang lasing at pumagitan sa kanilang dalawa. Haay.. salamat my Hero.. kinikilig nyang sambit sa sarili nya.
Pero, ang hirap ng ganito sabi ni Tricia sa sarili nya, hindi ko man lang siya matignan ngayon kasi its too obvious na pag nakatingin ako sa kanya. Mabuti na lang at natitigan ko na siya ng sobra sobra kanina. Napangiti si Tricia sa sarili nya at naisip na para na siyang baliw sa mga iniisip nya.
Naku malapit na iyung school ni crush, malapit na siya bumaba. Pero nagulat si Tricia at hindi ito nagpara.
"Bayad po, Sta. Lucia." sabi ng katabi ni Tricia, iyung new crush nya. Napaisip naman si Tricia, bat kaya dun sya bababa, ah siguro may pupuntahan. napa-OMG si Tricia sa sarili nya. Baka may GF na pala si crush at iyun ang pupuntahan nya. Bat nga ba hindi nya agad naisip iyun eh sa kagwapuhan nitong guy na ito impossible na walang GF to think na sa Dominique College ito nagaaral, possible na may GF ito from Marianne School.
There are 3 Private School sa lugar nila, 1 is co-ed school and dun nagaaral si Tricia, St. Anthony Catholic School, Dominique Cathoic School for Boys only and ang Mariaane School which is all girls school. Kadalasan, laging magka partner sa school activity ang Dominique School and Mariaane School, like on their intrams, JS and Ball. Pareho kasing excusive for girls and for boys ang isat-isa.
Medyo nawalang ng pagasa si Tricia sa inisip nya na ito. Buti na lang pababa na siya.
"Mama, para po., sa tabi lang po bababa ako" Sabi ni tricia sa Driver.
Tumabi na ang jeep, at pababa na si Tricia. Naglalakad palayo sa jeep, when she heard something or someone calling her.
OMG, naisip agad ni Tricia, may tagos ba ako.. yuck, nakakahiya. First day din kasi ng monthly period nya. Napalingon siya sa tumatawag sa kanya, at nagulat siya.
"Hi, sorry Miss Im new here and I am not familiar I just want to ask if this is Sta. Lucia already"
"Oh, no. you shouldnt take off jeep from the jeep, its a few blocks from here" sabi ni Tricia, OMG.. englisero pala ito.
"Oh, okay"sabi ni crush.
Tumalikod na at nagmamadali na si Tricia sa paglalakad kasi magaayos pa siya ng project nya. Siya kasi ang naka assign na magpresent and wala na siyang time para magayos dahil, 2nd subject nila iyun.
"oh, wait. what time is it" napalingon ulit siya at nakasunod pala sa kanya iyung guy.
tricia smile and said "its almost 8A.M., i'm gonna be late soon and I am pretty sure you will be late too"
"Okay, I'm so sorry, I just can't help it. I know where's Sta. Lucia is, and I know that its almost 8 am and Flag Ceremony will be starting anytime soon, but I need excuse so I can talk to you"
Napatunganga si Tricia sa narinig at parang may mga anghel siyang naririnig. OMG nasa langit na ba ako, sambit ni tricia sa sarili nya. tama ba itong naririnig ko. tuloy tuloy sa pagsasalito iyung lalaki.
"For the last couple of days I've been seeing you from your street, and this is the first time that we both get a ride from the same jeepney so I took this opportunity to talk to you and ask for your name and number"
OMG -- walang gigising sa akin,. kung tulog man akao.
"oh, I am sorry, if I came to bold on you today, I am not usually like this but"
Biglang nag Bel na. That means, Flag ceremony na.
"Tricia, my name is Tricia, and sorry, I really need to go"sabay takbo sa gate ng school nila
"Tricia, my name is James" Sigaw ni james habang si Tricia ay papasok ng school gate nila. "what's your number?" ang habol na tanong ni James kay Tricia.
------ LET ME KNOW IF I SHOULD CONTINUE THIS OR NOT -----