Parang Kailan lang

86 1 0
                                    

             ~*~

Parang kailan lang iniidolo ko lang kayo kahit hindi kayo sikat. Parang kailan lang nakatanaw pa ko sa 2nd floor dun sa building niyo hinahanap ka. Parang kailan lang tuwang tuwa ako kapag dumadaan kayo sa harap ko. Kahit na maraming tao na re -recognize agad kita,sa tangkad mo ba kasing yan kilalang kilala agad kita.

Parang kailan lang nung nabalitaan kong MU kayo ng best friend ko. Nasaktan ako nun,hindi naman kasi alam ng best friend ko na may gusto ako sayo,mas pinili ko kasing itago para mas malaya ako pagmasdan ka mula sa malayo ng walang manunukso. Parang kailan lang nung nabalitaan kong niligawan mo yung best friend ko binigyan mo pa siya ng kwentas na galing sa mommy mo. Parang nawasak ang mundo ko nung mga panahong yun. Pero nabalitaan ko sa best friend ko na ibinalik niya yung kwentas sayo,iyak siya ng iyak, hindi ko alam kung magagalit ako sayo ,matutuwa,o maaawa sa best friend ko, masama na ba kong kaibigan?

Pero nalaman kong wala ka naman palang kasalanan,kasi nung mga panahong yun sila pala nung kumag na ex niya nahuli ka pala ng dating kasi bago mo pa siya ligawan sila na at tropa mo pa. Alam mo kung ano yung na isip ko sa mga panahong yun? Nagalit ako sa best friend ko kasi nakipag balikan siya sa tropa mo,nainis ako kasi MU kayo tapos biglang ganun. Naisip ko kasi kung sana ako nalang? Kung sana sakin ka nalang nagkagusto na sana ako nalang yung minahal mo? Pero anong magagawa ko ni hindi mo nga ako kilala ehh.

Lumipas ang dalawang taon nagkita na naman tayo nasa iisang school na naman tayo,pinagkaiba lang wala na dito yung best friend ko. Ang saya ko nung nakita kita ulit ,marami akong naging mga kaibigan yung mga kaibigang mahal na mahal ako at sa dinami rami ng magiging kaibigan ko isa dun ay close sa inyo. Grabe no? Parang kailan lang hindi ako makalapit sa inyo tapos ito nasa harapan ako ng classroom niyo. Hahaha nakakatuwang isipin na mas malapit na kitang nasisilayan.

Parang kailan lang din nung napansin mo ko ,siguro? Hindi ka naman kasi bulag noh? Para hindi ako makita eh palagi akong isinasama ni Anica sa room niyo. tapos naalala mo ba? Exam nun tapos kasama ko nanaman si Anica hindi na ata kasi kami mapag hiwalay eh, haha tapos na kami mag take nun pati ikaw oo alam kong tapos ka na rin kahit hindi tayo iisa ng room. Nagkasalubungan tayo sa hallway naalala ko pa siksikan nun tapos bigla kang tinawag ni Anica syempre close kayo,hindi na ako mabibigla.

Pero ang ikinagulat ko yung ipinakilala niya ako sayo at yung nagpanganga talaga sa akin nung sinabi mong...

"ah oo si Pia .. kilala ko siya"

like wtf napanganga ako literal talaga ,tapos nun naramdaman ko yung kakaibang tibok ng puso ko binanggit niya pangalan ko, naibulong ko nalang sa sarili ko.pero pano? Sabagay malamang nalaman niya kay Anica.

Dumaan ang mga araw na halos naglalagi na sa room niyo tong kaibigan kong to . Madalas niya akong kasama naalala ko pa nung tinawag mo yung pangalan ko.

"Pia..."

Ang sarap sa pakiramdam,nakakakiliti sa tenga yang malalim mong boses. Liningon kita ng may awkward na ngiti sa labi.. tinanong mo ko ng kung ano ano at alam mo yung masakit sa tanong mo? Nung tinanong mo kung nasan na yung kambal ko.

Haha wala naman talaga akong kakambal ikaw lang nagsabi nun kasi magkamukha daw kami sabi niyo. Balita ko kasi may gusto ka sa kanya. Hahaha ang sakit puro kaibigan ko yung mga nagugustuhan mo hindi ba pwedeng ako naman?

HAHA parang kailan lang noh? Sa gitna ng pag-uusap natin dumating si Anica, nagulat ka pa nun tapos tumalikod ka pero hinila ka ni Anica para mag hi sakin. Una hindi ka pa humarap kasi sabi mo nag hi ka na pero dahil sa makulit tong kaibigan natin hindi ka niya pinakawalan kaya humarap ka nalang nag "hi" ka na nahihiya pa kung kanina ako yung hindi makatingin sayo ngayon ikaw naman ang nga iiwas ng tingin. Namumula pa yang mga tenga mo ah! Haha ang cute!

Pinagtawanan ka ni Anica lakas ng tawa nun hindi ko na nga maintindihan yung nangyayari eh.tapos naalala mo pa ba nung nagka gusto ka kay Angelica? Wala eh ang ang hilig mo sa magaganda!

Pero hindi ko makakalimutan yung panahon na may Quiz competition umuwi agad ako nun pero sabi ni Anica hinanap mo daw ako ,pinilit ka ni Anica na sumali sa competition pero pinilit mo rin siyang papuntahin ako. Sinabi mo pa nga daw na sasali ka kung nandun ako pero sabi ni Anica wala siyang magagawa kasi nakauwi na ako. Ilang beses mo raw siyang kinulit para papuntahin ako masaya na sana ako dahil hinanap mo yung presence ko pero.....

Hindi lang pala ako... pati yung kaibigan kong sinasabi mong kambal ko..

Dun maraming thoughts ang naglalaro sa isip ko bukod sa kamukha ko yung ex niya (saklap noh?) Eh siguro natutuwa rin lang siya kasi para kaming xerox ng mahal niya.

Hays. Parang kailan lang nung inis pa ko sayo kasi hindi mo ina accept yung friend request ko kaya kinancel ko dalawang taon kaya ako nag hintay nakakainis lang pero sinubukan ko ulit at boom! Wala pang isang minuto inaccept mo agad ang saya ko haha pero hanggang dun nalang pagkatapos nun wala na hindi na uli kita nakausap wala na rin kasi si Anica nag migrate sila ng family nila sa California kaya parang naputol din yung ugnayan nating dalawa.

Ugnayan? Anong klaseng ugnayan? Malabong Ugnayan? Ayan na na pa-paranoid na naman ako.

Pero parang kailan lang nung chinat mo ko halos mapatalon ako sa gulat nung nakita ko yung mukha mo sa screen ng phone ko, hindi ako mapakali,hindi ko alam ang gagawin ko "anong sasabihin ko?" Pano tinanong mo kung may gusto ako sa kaklase mo eh sayo naman talaga ako may gusto.

Kaya ang ginawa ko syempre humindi ako eh hindi naman talaga. Tapos na alala ko pa sinabi mo na iba ako sa lahat, palagi mong pinapalakas ang loob ko ,pero ilang beses na rin akong napa "haha" tuwing sinasabi mong maganda ako. Halos gabi gabi tayong mag ka chat nun hanggang sa padalang ng padalang hangang sa hindi ka na nag paramdam. nalungkot ako nun palagi kong tinitignan yung convo natin palagi ka namang "active" pero nakakatampo kasi hindi mo na ako magawang ma message.

Pero nagulat ako pauwi na ako nun nung may tumawag sa pangalan ko.

"Pia!"

Napalingon ako patalikod ka na pero nakita kitang naka ngiti. Pero nag message ka na tinawag ako nung kasama mo. Alam mo bang gusto kong mapamura kasi kilalang kilala ko ang boses mo hinding hindi ako pwedeng magkamali. Pero hinayaan kita.

Parang kailan lang nung nakatayo ako sa hallway tapos nahalata kong naka tingin ka dito sa baba tapos sabi nung kaklase ko nakatingin ka sakin.pero hindi ko yun pinansin.

Naalala ko rin nung yinaya mo ko pumunta sa room niyo pero ayoko kasi nahihiya ako. Naalala mo nung may nasabi ka? Pero nung tinanong kita sagot mo lang "you're welcome!" wow Ha! Ganda ng sagot mo.

Pero pagkatapos nun wala na. Hindi na tayo nakapag usap pa, ni chat lang masaya ako na kahit papano nagkaroon tayo ng communication .

Parang kailan lang umaasa akong mas magkalapit pa tayo, pero ngayon wala na, ni mag "hi" nga hindi natin magawa eh. Wala ka ng paramdam ,siguro kasi wala ka naman talagang pake alam ,kung dati ang kulit kulit mo ngayon wala na......

Parang kailan lang..... Aiden ...

-Pia

Parang Kailan LangWhere stories live. Discover now