Laro ng Pag-ibig

16 0 0
                                    

Naalala mo pa ba yung kabataan natin?
Tinuruan tayo ng mga laro.
Taguan, habulan.
Meron pa ngang bulag-bulagan.

Nagtaguan din tayo,
Nagtaguan ng mga nararamdaman.
Natatakot na baka makita,
Maging taya.

Naghabulan din tayo,
Naghabulan ng damdamin.
Ngunit parang ako na lamang yung laging taya,
Nakakapagod na din.

Siguro nga dapat na laruin ko din ang bulag-bulagan,
Upang hindi na ako ang maghanap at maghabol.
Magbubulagan sa nararamdaman,
Dahil ito lamang ang alam kong paraan para ika'y makalimutan.

Laro Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon