Chapter 1

69 3 0
                                    

Nishi's POV

Maaga akong nagising para sa unang araw ko sa nilipatan kong Paaralan. Bakit ako lumipat? Kasi dun nag-aaral ang boyfriend ko. Yeah dahil lang sa pag-ibig gumagawa ng kung anu-anong desisyon. Wala namang paki sa akin ang tatay ko. 

Naghanda na ko ng ilang damit na susuotin ko at naligo na. Pagkatapos ay lumabas na ko sa kwarto at bumaba para maghanda ng pagkain namin ni tatay.

"Tay" Bati ko ng nakita kong kakapasok niya lang ng pinto at may hawak hawak siyang supot. 

"Nak oh, mag-ayos ka na sa hapag at kumain ka na" Iniabot niya sakin ang supot ng pandesal at tuloy tuloy ng paakyat sa itaas.

"Tay hindi ka ba kakain?" Tanong ko rito ng nasa gitna na siya ng pag-akyat. Nakatingin lang ako sa kanya diretso sa kanyang mga mata.

"Hindi na, aalis din ako. Susunduin ka ba ni Nathan?" 

Tumango na lang ako at nagtuloy na siya sa pag-akyat. 

Bagsak ang balikat ko habang papunta sa kusina namin. Nag-timpla ng gatas at kumain mag-isa. Ganito lagi ang araw araw namin. Minsanan lang kami magkasama ni tatay na kumain sa hapag kainan. Lagi siyang aalis at ako sa eskwelahan.

Pero isa lang ang ikinatuwa ko sa tatay ko, yun ay ang boto siya sa relasyon namin ni Nathan. 3 months na kami. Yung nanay ko naman, may sariling pamilya, hindi naman siya ang tunay kong ina dahil yung tunay kong ina ay di ko pa nakikita o nakikilala. Kapatid daw ng dating kasintahan ni Tatay si Nanay Mina. Hindi sila ganun kaclose ni tatay. Kay tatay lang ako lumaki pero kaclose ko ang nanay ko at ayoko namang masira ang kung ano mang pagkakakilala sakin ng mga step siblings ko.

Pagkatapos kumain ay nakareceive na ko ng text kay Nathan at nasa labas na raw siya.

Umakyat na ko sa taas at kinuha ang ilang gamit ko. Pababa na sana ako ng matanawan kong nakabukas ng bahagya ang pintuan ni tatay. Nakatingin na naman siya sa isang larawan ng babae.

"Tay alis na ko, andyan na po si Nathan" Hindi niya ko nilingon at kumuway na lang.

"Ingat kayo".

Napabuntong hininga na lang ako at tumuloy na ng alis.

"Good morning mahal kong prinsesa" Bati sa akin ni Nathan sabay halik sa labi ko.

"Aga netong tsansing" Sabay suntok ko sa braso niya.

Ganito set up namin ni Nathan may time na sobrang sweet ako at malambing sa kanya pero mas brutal ako sa kanya palagi.

Nakasimpleng tshirt lang ako na black, shorts at chucks, siya naman. He's wearing a white shirt, black short maong pants and shoes. Hindi siya mayabang tingnan, para lang bata kasi payat. Boyish look ika nga.

Hindi ko pinapabuhat gamit ko sa kanya, ayokong maging dependent sa iba, sapat na sakin hawak niya yung kamay ko.

"Buang ka talaga, ang tomboy mo sa akin" Sabay pisil niya sa palad ko.

"Eh, bakit ba? Sapakin kita eh" Sabay suntok ko ulit sa braso niya using my free hand

"Battered boyfriend talaga ako, 3 months ng ganito sakit" At umakto pa siyang nasasaktan habang nakahawak sa puso niya.

"Baliw ka kasi, Baliw sa akin" Asar ko dito at tumawa na lang ako, habang siya namumula ang tenga.

"Tuwa ka naman" At inakbayan niya ako.

"Tuwa ka naman" At inakbayan niya ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lovers Heart (King and Queen of Hearts) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon