Chapter 2

50 1 0
                                    

Nishi's POV

Isang linggo na ang nakakalipas at nakakatuwa dahil kaibigan ko na rin ang kabarkada ni Nathan. Hindi ko akalain na magkakaroon din ako kaagad ng kaibigan dito sa paaralang nalipatan ko. Napatingin ako kay Nathan na masayang nakatingin sa paligid habang hawak hawak ang kamay ko. Hindi ko alam pero mas unti unti ko pa pala siyang minamahal lalo.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa likod ng arts building, dahil nagpatawag ng urgent meeting ang director ng unibersidad. Kaya heto bilanggo kami sa loob dahil hindi rin nagpapauwi pa.

"Nakakabagot" Out of the blue na pahayag ni Azrael kaya napatingin ako sa kanya... humiga siya sa damuhan at pumikit. Napaiwas ako ng tingin at sumandal sa balikat ni Nathan. Hindi ko alam pero madalas na kaming nag-aasaran sa isang linggo na nakalipas. 

"Kumain ka ng damo tol" Bunot ni Nathan sa ibang damo at ibinato sa mukha ni Azrael na ikinatawa naming dalawa. Umayos ako ng pagkakasandal sa puno at napangiti sa kapilyuhan ng boyfriend ko.

"Gago to! Pwe" Sigaw ni Azrael na dinudura pa ang ilang damo na dumikit sa labi niya pero tawa lang ng tawa si Nathan kahit mukhang bugnot na yung isa.

Si Pako naman ay nakasandal sa puno at busy sa kakatext. Sabi nila may girlfriend raw si Pako. Mukhang Halata naman kasi nakangiti siya ngayon kahit pinipigilan niya matawa. Nabasa ko na nga agad ugali nila eh.

Si Pako ang tipo ng taong misteryoso. Parang dalawang Mundo ang ginagalawan niya. Kuya rin siya halos, minsan kapag may hindi ako naiintindihan sa kanya ako lumalapit. Siya ang tinuturing ko ng kuya. Si Azrael, medyo nayayabangan pa rin ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit pero sweet rin siya on his own way. Hindi sakin ah kundi sa girlfriend niya. I'm not defensive... It is just. ugh nevermind.

Si Nathan, uhm KJ yan eh. Kahit mahal na mahal niya ko di ako kinukunsinti sa mga gusto ko, kahit na madalas na pinagbibigyan niya ako may mga times na kapag sinabi niyang ayaw niya kailangan kong sundin. He's too good to be true, but he's dangerous.

"Mahal" bulong niya sa tenga ko at hinalikan pa to.

"Pasaway ka manok. Layo" matawa tawa kong sabi sa kanya dahil nakiliti ako.

"Uwi ka na" bulong niya ulit sakin.

"Bakit?" Masungit Kong tanong at tiningnan siya ng mariin sa kanyang mata.

"Gagabihin ka na oh. Tatambay na muna kami." Tumingin siya sa relo niya at tumingin saking mga mata. "Gusto mo ihatid kita hmm?" malambing niyang sabi habang ipit ipit ang aking mga pisngi sa kanyang mga palad.

"No, I can handle myself." Malamig kong sabi at sinimulan ko ng kunin ang mga gamit ko sa lapag. At isinalaksak sa bag ko. Nathan didn't bother to help me with my thinds, he just sighed and looks down

"O, aalis ka na nish?" Tanong sa akin ni pako habang pinagmamasdan ako. 

Tumango ako at kinuha ang baseball cap sa ulo ni Nathan "Oo, pinapauwi na ko ng KJ eh. Sige" 

Tumayo si Nathan at akmang hahawakan ako nang suntukin ko siya sa balikat at tiningnan ng masama.

"Hatid mo pre. Delikado na" rinig Kong sabi ni Azrael Kay Nathan.

"Kaya niya na yan" rinig ko pang sagot ni Nathan bago ako tuluyang lumiko.

Nalungkot na naman ako. Lagi na siyang ganyan sa mga nakalipas na araw.

Pupunta na lang ako ngayon kina nanay. Wala pa naman ang tatay ko. Siguro dun na rin ako makikitulog. Kinuha ko ang cellphone ko na makaluma. Walang pera pangbili. Ayaw din ako bigyan. Palabas na ako ng gate nang tingnan ko ang screen pero wala man lang siyang text kahit isa man lang sakin. Samantalang dati rati panay text agad.

Lovers Heart (King and Queen of Hearts) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon