The Famous Meets The Ordinary ©MJ135_love
Chapter 3: First Day and First Meet
Shan's POV
Pagdating ko sa room ay naligo ako at nag bihis ng pantulog dahil nakapag desisyon ako na matulog magdamag. That man! Argh! Nakapag relax na ako eh! Bakit kailangan niya pang sirain ang araw ko? Ayan tuloy, matutulog nalang tuloy ako nito.
Humiga ako at nag isip kung ano-ano. Pero bigla namang pumasok ang imahe niya sa isip ko kaya iniling ko ang ulo ko at nag isip ng kung ano. Pero...argh! Napasabunot nalang ako sa maganda kong buhok dahil hindi talaga ako titigilan ng mukhang unggoy ng lalakeng iyon.
Kainis ang lalakeng yun. Gwapo sana ay este ang pangit niya! Mukha siyang unggoy! Nakakainis ang mukha niyang mas makapal pa sa libro. Bakit kasi gusto pa niyang maki-share? Hindi na nga uso yung share your blessings eh dahil marami ng madamot sa mundo.
Hindi ko rin naman siyang pwedeng i-alis rito dahil mukhang VIP siya sa resort namin. Basta! Ang pangit niya at ang yabang. Bukas na bukas, aalis na ako rito, hindi naman kasi ako makapag enjoy rito eh. Sa sitwasyon ko pa naman dito? Tingin niyo makapag-enjoy pa ako?
So dahil nakapag desisyon ako na tomorrow na uuwi, nag bihis ako ng panibago at mag to-tour sa resort ni mommy. Alas-9 pa naman ng umaga eh. Ang aga pa noh?
Nagtour lang ako sa buong resort ni mommy. Grabe! Maganda pala rito eh, sayang lang dahil bukas na ako uuwi. Hindi ko na kasi ma-cha-change ang desisyon ko. Baka ang enjoy moment ko ay napalitan ng badtrip moment if I saw his face again.
And speaking of badtrip, nandito na naman ang lalakeng nagpapa-badtrip sa akin. No other than that man I just encounter a minute ago.
I just roll my eyes at lumakad pa-alis sa kinatatayuan ko. Pero....biglang may humawak sa akin. Tinignan ko naman kung sino yun. Hindi ko kilala but I have this feeling na friend siya ng lalakeng na encounter ko kanina dahil magkasama sila.
"Who are you?" Mataray kong tanong at tinabig ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Baka may germs pa yan.
"Gusto lang naman naming itanong sa'yo miss kung ano ang pangalan mo" natatawang sabi ng lalakeng humawak sa akin.
"And who told you na pwede kayong magtanong sa akin?" Mataray kong tanong at lumakad pero hindi pa naman ako nakakalayo may biglang humawak sa akin. But I have this feeling na hindi ang lalakeng humawak sa akin kanina ang humawak sa akin ngayon. Parang paghawak niya sa akin ay may kung anong electric ang dumaloy sa buong katawan ko. Argh! I don't know!
Tinignan ko siya at tumaas agad ang kilay ko. Siya? At ano naman ang kailangan niya?
"What?" Irita kong tanong sakanya. Eh sa biglang nag irita ang mood ko eh pagkakita ko sa mukha niyang mukhang unggoy.
"Gusto ko lang naman malaman ang pangalan mo eh. Mahirap ba sabihin sa akin yun?" Irita rin niyang sabi.
Ay! Ganun? Mag irita nalang kami? Eh gusto yata nitong makatikim ng malditang bugbog ko eh!
"Alam mo mister na walang pangalan-" ay bastos.
"May pangalan ako. At ang pangalan ko-"
"Tinatanong ko ba!?!" Pagalit kong tanong. "Anyway, mister, unang-una, gaya ng tinanong ko bago-bago lang, hindi ko tungkuling magtanong ng pangalan. Ikalawa, hindi ka maswerte kaya tigilan mo na ako. Wag mo na akong kausapin dahil nagsasayang lang ako ng laway. Ikatlo, kung nag tatanong ka sa pangalan ko. Wag ka ng magsayang ng oras dahil nasasayang ang oras ko sayo. Kahit anong gawin mong pagtatanong, hinding-hindi mo malalaman ang pangalan ko. Mas mahal pa nga yung pangalan ko kaysa sa buhay mo eh" mahabang speech ko at umalis na roon leaving him.....speechless.

BINABASA MO ANG
The Famous Meets The Ordinary
Teen FictionShe's Shan Icelle Shin, the famous maldita girl who falls in love with an ordinary person and of course, poor. All students in their school call her, Ms. Famous and the other, Mr. and Ms. Ordinary. Everytime she saw Mr. Ordinary, her heart, beats fa...