"Babe! Miss you :*""Almusal na tayo, para naman hindi ka antukin sa klase mo mamaya. "
"Babe! Gising ka na! Kukurutin mo nanaman ako kasi wala kang masakyan! "
"Ang landi nyo talaga kahit kailan! Di na ako magtataka kung bukas puno na kayo ng pantal dahil sa kagat ng langgam. " Di ko na pinansin yung chat ni Janine pagkatapos kong isend sa kanya yung screenshots ng messages ni Rainier kaninang umaga.
Aba sino bang hindi kikiligin kung pag mulat palang ng mata mo, mga mabulalak na salita na agad ang bubungad sayo? Manhid malamang.
Pinatay ko na ang aking laptop at nagsimula ng mag ayos para makapasok na sa school.
Kailan kaya tatamadin ang mga pinoy? Para naman mabawasbawasan man lang ang traffic! 30 minutes ng naka tigil 'tong sinasakyan kong fx sa tapat ng mall hindi parin gumagalaw.
Tinamad na akong makinig ng tugtog kaya pinatay ko na ito. Tsk! Malelate na talaga ako pag di pa nakausad itong sinasakyan ko
"Babe, school ka na? Natraffic ako." Sana mag reply. Bored na bored na talaga ako.
Rainer:
Yes babe. Text ka pag malapit kana. Ingat! Love you.Magagalit to kapag K lang ang ibinalik kong mensahe sa kanya. kaya habang nag iisip ng maiitatanong sakanya, nilibot ko muna ang mata ko sa labas.
Napansin ko ang isang babae na naka sumbrero na palabas ng mall, may bitbit syang bulaklak tsaka isang kape. Pero nagulat ako ng lumabas din sa pintuan ang boyfriend kong si Rainier na may bitbit na dalawang box ng donut.
"Bbe asn k" agad kong naitext sa kanya.
Tinititigan kong maiigi ang lalaki. Baka kasi mali lang ang akala ko. Pero nung tinignan nung lalaki ang kanyang cellphone dun ako kinabahan. Tumigil sandali yung lalaki at mukhang kinausap nya yung babae na may hawak na bulaklak kaya ito tumigil. Nakita kong may ginawa ang lalaki sa kanyang cellphone pero agad din nya itong binulsa pagkatapos.
Rainier:
School.Napatingin ako ulit dun sa dalawa sa labas. Nakita ko silang sumakay sa kotseng napaka pamilyar sa akin.
Pamilyar kasi dun ako laging sumasakay pag hinahatid ako ng boyfriend ko pauwi ng bahay.Baka isusurprise nya ako. Think of happy thoughts Diann. Wag kang nega! Sayang ang ganda.
Normal lang naman na ang nangyari pagtapos nun. Sobrang aga ko pa para sa second subject pero atleast hindi na ako absent.
"Babe. Gate na ako! Sunduin mo na ako."
"Sige papunta na"
Nung nakita ko yung kotse nya, naalala ko yung pangyayari kaninang umaga.
"Hi babe! Napagod ka ba ngayong araw?"
Daldal sya ng daldal pero ang mata ko, sa starbucks na may pangalang Sab ang nakalagay.
"Sinong Sab?" Traffic padin kahit gabi na kaya nakatigil ang mga sasakyan sa daan.
"Ah eto? Sa tropa ko yan. Nakisabay pumasok. Lintik na yun nag iwan pa ng basura." Nakita ko ang panic sa kanyang mata at kaba nung kinuha nya yung baso at tinapon sa bintana.
Di ko na nagawang nakipag usap sakanya pagtapos nun dahil sa sobrang dami ng iniisip ko. Kumpirmado, sya yung nakita ko kaninang umaga.
Rainier:
Babe! Wag mo na isipin yun, Tropa ko lang yun! I love you! Goodnight :*Kinabukasan, mga text nya ulit ang bumungad sa akin. Pero hindi ako nag reply kahit isang beses. Naubos pala kasi ang load ko.
Buti naman at 'di tulad kahapon, mabilis lang akong nakarating sa school.
Bigla namang kumalam ang sikmura ko kaya dumiretso muna ako sa canteen.
Nakita ko si Rainier, tumatakbo may dala ulit na kape.
Palihim ko syang sinundan. Nakita ko syang dumeretso sa likod ng building. Dun ko napansin na andun din yung babae. Nakilala ko sya dahil hawak nya yung sumbrero na suot nya kahapon.
Lumapit ako ng tahimik dahil mukha silang nagtatalo.
"Sabi ni jane, nakita ka nyang may sinundo sa gate kagabi! Babae yun wag mo akong niloloko!"
"Tropa ko nga lang yun! Nakiusap na ihatid ko sya kagabi kasi nawalan sya ng wallet. Babe naman o sorry na please! "
Tangina. Tropa.
"Bakit kailangan ikaw pa? Sino ba yun ha?"
"Diann pangalan nun. Kaklase ko lang yun dati, palalakihin pa ba natin to? Sorry na please. Mahal kita promise!"
Di ko na natiis. Lumabas na ako at dumiretso sa kanila.
"Ahm. Sorry ikaw ba si Sab? Pasensya ka na kung nagsisinungaling tong tropa ko ha. Di ako nawalan ng wallet kagabi, talagang gabi gabi nya akong hinahatid pauwi. Diann nga pala" Naka simangot parin si Sab nung kinausap ko sya pero di naman maipinta ang mukha ni Gago.
"Oo ako nga. Sino ka ba? Di mo ba alam na ako ang girlfriend nya? Please kung maninira ka lang ng relasyon ng iba, eh pakamatay ka nalang." Wow hahaha
"Pasensya ka na talaga Sab ha? Sabi kasi netong tropa ko na to na Boyfriend ko din, eh tropa ka lang din daw nya. Di naman ako aware na Gago pala tong tropa ko na to. Hayaan mo sayo na yan. Tutal hindi ako sanay makihati at lalong hindi ako nakikihati" tsaka ako umexit na akala mo nasa contest ng Miss Universe kung lumakad.
"Diann wait! Diann! Let me explain" narinig ko syang tinatawag ako kaya tumigil ako at dahan dahang humarap sa kanya ng nakangiti.
"Dia-" Bago pa sya makapag salita ulit. Sinampal ko sya.
Nag smirk ako tapos tinaas ko ang aking gitnang daliri na tapat sa mukha nya then I mouthed "Fuck You!" Then smile ulit then exit.
Nung ako nalang magisa. Di ko na pinigilan yung mga luha kong akala mo lawa.
Putang ina naniwala ako.
Naniwala ako na ako lang.
Naniwala ako na mahal nya ako.
Naniwala ako na hindi nya ako lolokohin. Sabi nya hindi nya ako sasaktan kahit kailan.
Naniwala ako sa "ikaw lang ang prinsesa ko."
Naniwala ako sa "ikaw lang at ako"Hindi ko naman alam na pangako lang lahat. Pangako na ginawa para pampa gaan lamang ng loob. Pangako na sinabi lamang para kalimutan. Pangako na sinabi lamang ngunit kahit kailan hindi pinaramdam. Pangako na kahit kailan hindi ko naranasan at naramdaman.
Sinungaling sya. Putang ina nya.
BINABASA MO ANG
Sinungaling.
RomanceCompilation ng mga one-shot stories. Linya ng mga mag shota. Kasinungalingan. Pagtataksil. Tiwala. Wasak. Iyak.