Saturday
8:00 am
Ako si Bimbol, ambantot ng pangalan ko alam ko!
Eh sa yun ang palayaw ko, kung sino man ngbigay noon makaapak sana siya ng tae ng aso! Yun fresh pa, para dikit talaga sa tsinelas niya!
Kanina ko pa naririnig ang talak ng Nanay ko, Jusko naman! SABADO ngayon! walang pasok, pwede bang matulog muna?! Bwesit na bahay 'to!
Bat si kuya pwedeng matulog ng kahit ilang oras?!
Mommy Ritz: Bimboooool! pag 'di ka pa bumangon dyan, bubuhusan na talaga kita ng tubig!
Ang malas ko talaga, lagi na lang ako ang nakikita! aaaargh! langyang buhay naman oh!
Bimbol: OPO! babangon naaaaa!
Art: Gago na 'to ha! parang bakla kung maka tilik! Sipain kita dyan! Lumabas ka na ng kwarto't nadadamay ako sa ingay niyo!
Si Art, ang batugan kong kuya, first year college na siya, dapat nga third year college na siya.Hindi maka-move on sa next level paano lagi daw bagsak sa class niya, pangalawang school niya na ngayon. Sabi ni Daddy pag 'di pa siya nag-tino bahala na daw siya sa buhay niya. humanap siya ng pang-enroll niya. As if naman matitiis ni Daddy, obvious naman paborito niya si kuya, lahat ng gusto binibigay. Samantalang ako, ayaw! Ano lang ba ang laptop kumpara sa lahat ng gadgets at music instrument ni kuya! Super unfair talaga sila! Lagi na lang hand-down ang mga gamit ko, lahat pinaglumaan na ni kuya!
Bimbol: hmmpf! *sabay bleh Lupin!
"Lupin" ang tukso ko sakanya at ni ate. Lupin, yung anime character na magnanakaw.
Yun si kuya, si kupit king! siguraduhin mong super duper safe ang pera mo, kundi kawawa ka keh Lupin. Pati dalawampiso sa cabinet mo hindi papatawarin. Wala naman akong pera, kaya si Mommy at Ate ang lagi niyang biktima. Walang magawa si Ate kundi i-curse si kuya ng "magbreak sana kayo ng girlfriend mong mukang ewan!" At tatawanan lang siya ni Kuya ng super nakaka-asar na tawa, may mala demonyong sound effect pa! Antindeh ni kuya!
Teka, ako bida dito. tungkol naman lahat keh Kuya pinagsasabi ko.
---
BREAKFAST
8:35 AM
Kompleto kami, week end kasi. Pero mamaya pag malapit ng matapos kumain, babanat na si Kuya at Ate para maka-gala!
Mommy Ritz: Max, lagyan mo pa ng kanin si Izza. Tsaka, kumain ka nga dyan! tigilan mo yang diet-diet mo na yan Maxine! Buto't balat ka na.
Ate Max: Mi, hindi ako ngda-diet noh. First day ng Mens ko, kaya wala akong gana kumain.
Daddy Billie: That's enough, kumain na muna kayo. Art, come with me punta tayo keh Uncle Jam mo, bilisan mo na dyan.
Art: Dad, hanggang anong oras yun? meh practice pa ko.
Daddy Billie: Sandali lang tayo doon.
Ate Max: Dad, makisabay ako sainyo, pa-drop lang sa school meh group practice kami.
Yes! solo ko ang computer! Jackpot! Sana alis din si ate please naman oh, wah ng komontra si mommy para solo ko din ang TV mamaya.
...
Ayun nga! Sa wakas walang mga kontrabida sa buhay ko. Sure gagabihin si kuya, at mamaya pang 5 pm si Ate. Hehehe!