Chapter 2: Squad

80 1 0
                                    

I just waited my friends inside the cafeteria. Handa na din akong bugahan ng apoy si Sam mamaya pag nakita ko. Hindi ko parin matanggap ang pag popower trip nya sakin kanina!

Ilang sandali pa nakita ko na silang papasok. Nakangisi silang lahat sakin. Napanguso naman ako. Feeling ko pag ngumunguso ako sobrang cute ko. Cute na sobrang ganda pa!

"Wow masaya naman kayo nyan?" Sarkastiko kong sabi paglapit nila sakin. Yeah right! Alam kong tangang tanga sila sakin.

"Oo naman girl. Actually magpaparty kami mamaya at magpapasabog ng bomba. Pano kasi nagpasabog kana naman ng katangahan hahaha." Sabi ni Sam.

"Ano naman kinalaman ng diaper sa physics? Hahahaha naku Zoey you seriously need to stop your marijuana addiction. Tignan mo sobrang high mo lagi." Sabat naman ni Yzza.

Sabay sabay pa silang nagtawanan sa sinabi ni Yzza. Ilang sandali pa bago sila tumigil.

"Oh tapos na ba kayo? Baka naman may gusto pang humabol? Tss." Naiirita kong sabi.

"Hindi next naman yung iba,pag gumawa ka ulit ng katangahan. Reserve namin yung iba." Natatawa paring sabi ni Yzza.

"Makatanga ka dyan ha! Sipain ko bagang mo makita mo."

Si Yzza Mae Mariano,one of my haters sa barkada. Ayaw nyang nasasapawan ko sya ng kagandahan! Kasalanan ko ba kung laging nagglow ang beauty ko? 
Makulit,madaldal at malandi. Maganda din naman sya eh,mahirap lang hanapin san banda. Well unlike me.

Lagi kaming nagtatalo nyan para kaming aso't pusa at dahil maganda ako sya yung aso.

"Kaya mo ba?" Sagot nya sakin.

"Tara try natin pagkatapos bigti kana ha? Nakakaumay presence mo eh." Nagflip hair pa ko at sinigurado kong tumama ang buhok ko sa mukha nya.

"Will you two stop it! Para kayong mga bata. Naiistress ang kilay ko sa inyo ha tigilan nyo yan." Saway ni Gail saamin.

Si Abbygail Madriaga. Sya ang pinakaseryoso sa aming magbabarkada. Daig pa nyan si Charo sa sobrang seryoso. Pero mabait naman din yan,pag may kailangan nga lang sayo.

"Tara Gail order na tayo hayaan mo magpatayan dalawang yan. Dibale malawak naman ang dagat,tapon nalang natin sa ilog pasig kung sino mamamatay sa kanila." Si Sam na epal.

"Tanga lang Sam? Dagat tapos ilog pasig? Uso gumamit ng common sense,4th year na tayo tapos utak mo pang kinder parin. Bobo mo talaga."

Naiinis parin ako sa kanya! Dahil sayo napahiya ang kagandahan ko.

"Wow naman Zoey! Coming from you? Nakakahiya naman. Makapang bobo ka akala mo kalevel mo si Einstein ah."

"If I know Sam insecure ka lang saakin no." Inirapan ko sya.

Si Samantha Brillantes,insecure saakin yan kahit di nya sabihin. Medyo may saltik din sa utak pano kasi premature kaya ayun kinulang ng isang tornilyo yung utak.

Well,maganda at sexy naman yan pambato nga namin yan sa Ms. Intrams last year,kasali din sya sa top 10 pang 11 sya.
Oh diba ang bait ko lang I still compliment her kahit asar ako sa kanya.

"Are you guys gonna argue on that until the end of the school year? like duh?! my timmy is dancing harlem shake na!"
Wow! at kelan pa natutong mag-english tong isang to?

Yang si Haley Erika Barbers maarte, choosy,at feeling Kris aquino pero ang totoo pang K brosas ang beauty. Sila din ang may ari ng pinakasikat na barber shop dyan sa may kanto.

"Hoy ikaw hilaw na amerikana tigilan mo nga yang kaka English mo hindi bagay sayo maging conyo mukha kang kabayo." Si Yzza. Inirapan lang sya ni Erika.

Girls Of AristotleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon