Gabi na nang mangyari ang kwento ko. Bata pa lamang ako nito hindi ko talaga sya makakalimutan. Siguro dahil hindi lang ako yung nakasaksi non. Tatlo kami, ako, si Jean ang bestfriend ko at si Ate Lynn ko.
Kakakauwi ko lang galing School ng maabutan ko si ate sa bahay na nanunuod ng Tv.
Ang weird nya.
Nakaupo ng derecho sa sofa, nakapatong yung dalawang paa nya sa center table, derecho din at hawak ang remote ng tv na derecho ding nakatutok sa Tv. Nakatitig lang siya dun sa Tv. hindi nman siya naglilipat ng channel, pero natutok yung remote sa Tv. Hindi ko na lang pinansin yon, at nakipagkwentuhan na lang ako sa kanya. Actually ako lang talaga nagsasalita eh.
"Ate ! Alam mo ba, may bago kaming dasal ! Yung Angel of God .. Hindi ko pa nga kabisado eh, pero makakabisado ko rin yun nu. ^_^" Masiglang kwento ko sa kanya.
Pero siya ayun, Snob ang beauty ko. hahaha
Nakatutok parin siya sa pinapanuod niya.
Yung totoo ?? Hindi ba siya na ngangawit sa ginagawa nyang straight lahat ??
Lumabas na lang ako ng bahay tutal parang wala namang kwenta si ate eh.
Niyaya ako ng mga kaibigan ko na maglaro ng chinese garter. Eh, ako ang may garter samen, so umuwi ako sa bahay para kunin yung garter ko.
Nang malapit na ko sa may pintuan namin. Hinarang ako ng bestfriend ko.
"Oy ! Say !"
"oh ? Bakit?"
"Yung ate mo ...."
"Ano meron sa kanya?"
"kasi kanina eh ..."
"Ano nga?"
"ano kasi .. Ganto yun .."
"Oh ?"
"Kanina nang pumunta ko sa bahay nyo, hinahanap kasi kita. Nakita ki si Ate mo ..." Panimula nya.
"Tapos, nakita ko siya na nanunuod ng Tv/ Hondi gumagalaw, nakatutok lang sa tv tapos yung remote nakatutok din ng derecho sa tv pero di naman siya gumagalaw." Patuloy nya.
"Oo nga kanina, nakita ko rin siya eh, di nga ko kinikibo eh!"
"Edi ayon nga, pumasok ako sa bahay nyo, tapos tinanong ko siya kung asan ka, hindi nya ko iniimik, nanunuod lang talaga siya." Kwento pa niya.
Nakinig lang ako sa kwento niya, parang may mali kasi kay ate eh.
"Tapos, yung parang napansin ko na wala naman siyang balak imikin ako, lumabas na lang ako ng bahay nyo, at hanapin ka na lang sa labas."
Tumingin ako sa loob ng bahay namin. Yung pinto kasi namin nakabukas tapos may screen door pa siya so, kita yung loob ng bahay. Wala ng tao sa bahay tapos yung Tv patay na pati nakapatong sa center table yung remote nung sinilip namin ni Jean.
"Paglabas ko ng bahay nyo, nagulat ako ng makita ko sa may cpurt yung mama mo, kasama si Jen (Isa ko pang ate) at si Ate mo."
Nagulat ako sa kwento nya. Kasi panong mangyayari na nasa labas si ate eh, iniwan nya nga sa bahay na nanunuod ng Tv.
"Tapos, tinawag ko yung ate mo, kinuwento ko sa kanya yung nakita ko. Tapos, pumunta kami sa bahay nyo, pati siya natakot at kinilabutan sa nakita nya." Patuloy nya.
"Nakita nya rin yung sarili nya na nanunuod ng Tv, parehong ayos ng nakita natin."
Natakot ako sa kwento nya kaya napatakbo kami palayo sa bahay.
"Tapos anong nangyari?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin kila mama at at ate habang naglalaba.
"Natakot din si ate mo, tapos lumabas na kami tapos kinuwento nya sa mama mo, bumalik pa nga ko nun sa bahay nyo tapos naabutan kung bukas yung Tv nyo pero wala namang nanunuod kaya pinatay ko na lang." Kwento pa nya
Infairness dito kay bessy ang lakas ng loob nya hah. :D
Nang may magyaya saming maglaro ng hide and seek eh, sumali na kami at kunwari na lang na walang nangyari.
Isa lang ang masasabi ko, kapag na makita mo daw o nmay nakakita sa doppleganger mo, may masamang mangyayari ....