IHA
Warning: Pre-marital sex and teenage pregnancy is a sensitive topic. Read at your own risk.
All that have been said in this story that resembles anyone are purely coincidental. Please put in mind that I'm against teenage pregnancy and especially pre-marital sex, but it will not affect the contents of the story.
************
Nagising ang isang dalaga dahil sa iyak ng sanggol. Katabi niya ito matulog kaya naman dinig na dinig niya ito, agad siyang bumangon upang patahanin ang sanggol ngunit ng hindi pa rin ito tumigil sa kakaiyak, binuhat na lang niya ito.
Napatingin siya sa orasan, alas dos pa lang ng madaling araw at hindi pa siya masyadong nakakatulog.
Isang butil ng luha ang tumulo mula sa kanyang mga mata, isang luha ng pagsisisi. Muling nagbalik sa kanya ang lahat, mga pangaral ng kanyang mga magulang, maging ng kanyang mga guro. Lahat ng ito'y hindi niya nasunod, mga pangarap niya'y tuluyan ng naglaho. At ang kanyang pagkainosente ay nawala sa isang iglap, na parang isang bula.
Tumingin siya sa sanggol na kanyang hawak, na ngayong mahimbing na ulit natutulog. Hinalikan niya ang noo ng sanggol at ibinalik na ito sa kanyang higaan. Hindi na rin niya naisipan pang bumalik sa kanyang pagtulog bagkus ay umupo na lang siya sa upuang malapit sa may bintana, upang masilayan ang pagsikat ng araw.
Ilang oras rin niyang pinagmamasdan ang labas. Ang labas kung saan naging laman din siya noon, kung saan nakilala niya ang mga kabarkada niya at ang kanyang asawa. Madalas siyang nakikipaglaro noon sa kanyang mga kabarkada, minsan pa nga'y naisipan nilang lumiban sa kanilang klase upang makapaglakwatsa. Natuto din siyang mag-inom at manigarilyon dahil sa mga kabarkada niya kahit na pinipigilan siya ng kanyang mga magulang sa ginagawa, ayaw pa rin niyang magpapigil.
Ang lahat ng ito'y kanyang pinagsisisihan, dahil sa hindi niya pagsunod sa mga bilin ng kanyang mga magulang, dahil sa pagiging mapusok niya kaya napunta siya sa sitwasyong ito. Ngunit wala naman siyang magagawa sa ngayon, dahil ika nga nila nasa huli ang pagsisisi at ngayon huli na ang lahat.
*********
Muling umiyak ang sanggol, kaya naman agad siyang nagpunta ng kusina at kinuha ang bote. Nilagyan niya ito ng tubig at asukal saka pinainom sa sanggol. Wala siyang magagawa dahil hindi pa naman bumabalik ang asawa niya galing sa pangangalakal ng basura. Maliit lang ang kita ng kanyang asawa mula sa pangagalakal ngunit wala silang mapagkukunan ng pera kundi sa pangangalakal ng basura lang dahil parehas silang hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
Maging siya ay nagugutom na rin ngunit kailangan niya itong tiisin dahil wala na silang ni isang kusing para pambili ng kahit na tinapay. Isang kayod, isang tuka ang palaging nangyayari sa kanila, gutsuhin man niyang tumulong wala naman siyang magagawa dahil kailangan niyang alagaan ang kanyang anak.
Napabuntong hininga siya, ni minsan hindi niya naisip na ipalaglag ang kanyang anak dahil isa itong biyaya ng Diyos. Isang pagsubok ito sa kanyang buhay, isang pagbabago. Hindi na lang puro sarili niya ang kanyang iniisip kundi puro sa anak na lang niya.
Ngayon nararanasan na rin niya kung paano maging ina. Alam na rin niya ang sakit na nararamdaman ng kanyang kapag nagkakasakit siya, alam na rin niya ang lungkot sa tuiwng umiiyak ang kanyang anak. At alam na niya ang gagawin niya kapag lumaki ito, sisiguraduhin niyang hindi ito matutulad sa kinahinatnan niya.
Kung may panahon na pinagsisisihan niya ang mga nagawa niya, may mga panahon namang hindi. At iyon ay sa tuwing naiisip niya na naging masaya naman siya, isa na dito ang pagiging mapusok niya. Ang panahon nga naman ng mga kabataan kung saan puno sila ng kursyonidad, nakakalimutan nila ang mga pinag aralan at mga pangaral sa kanila ng kanilang mga magulang. Hindi nila alam na sila rin ang mapeperwisyo dahil sa mga ginawa.
*******
Muling bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng mga pangaral ng magulang, lalo na't narinig niya ang kantang anak. Isa nga naman siyang suwail na anak pero sa kabila ng lahat tinanggap pa rin siya nito. Alam niyang sobrang nalungkot ang ina dahil sa nangyari dahil siya ang inaasahan nilang lahat. Mahirap lang sila, isang kayod at isang tuka lamang. Panganay siya sa walong magkakapatid, kaya naman malaki talaga ang responsibilidad niya sa pamilya pero binigo niya ang mga ito. Wala namang nagawa ang ina kundi tanggapin ang anak, dahil isa siyang ina.
Alam niyang himuhusgahan siya ng maraming tao dahil sa pagiging batang ina niya pero wala siyang pakialam. Ang tanging alam niya lang ay nabuo ang kanyang anak dahil sa isang pagmamahalan.
Hindi na niya iniintindi ang sinasabi ng iba, pakiwari niya hindi naman siya ang nagiisang batang ina sa mundo. Marami sila, marami.
At muli sa isa pang pagkakataon tininggnan niya ang bintana. Maliwanag na sa labas at puno na ng mga batang naglalaro, mga estudyanteng papuntang eskwelahan at mga magtatrabaho.
********
Sadyang magulo talaga ang ating mundo, napaka misteryoso. Hindi natin alam kung ano ang nasa isipan ng iba. Huwag tayong manghusga, huwag tayong manisi lahat tayo may kanya kanyang kasalanan. Kumilos tayo, na naaayon sa batas ng Diyos. Sundin ang batas ng tao, nagagawa nga ba natin? Hindi. Ating pagnilayan ito.
Sana mabawasan na ang mga kagaya ni Iha labing limang taong gulang, isang batang ina.
*********
A/N:
Hindi naman ganoong kabigat ang story diba? Light lang siya, kumbaga isang over view lang sa buhay ni Iha.
Hindi sa sinasabi kong marami sila, masamang manghusga ika nga nila. Pero sana dumating sa puntong mawala na ng tuluyan ang ganitong mga kaso. Pwede namang maghintay diba. Ika nga ni Lola Nidora, sa tamang panahon.
Ciao.
P.S. Nasama dito ang pre-marital sex kasi nga naman diba pag naging batang ina ka hindi ka naman kasal non, eh bata ka pa nga eh.
P.P.S Alam ko namang hindi lahat ng batang ina eh ganyan ang buhay, alam ko kasi may mga kakilala ako pero isa lang ang kwento ni Iha sa daan daang batang ina sa mundo.
BINABASA MO ANG
IHA ( un tiro )
General FictionSiya si Iha, ating pasukin ang kanyang mundo. Cover by: endorphinGirl