Hi ate! Dinedecate ko po sa inyo kasi idol ko kayo :)
-peppercoatedlips
-
HEA.
-
Thalia’s POV
‘Justine, kain ka na oh, nagluto ako ng a-----’
‘Ayoko. Busog pa’ko’ Sabi niya sabay labas ng bahay. Ganyan naman siya palagi. Hindi kumakain dito sa bahay namin, pero nagluluto parin ako kung sakaling maisipan niyang kumain.
Ako nalang kumain mag- isa nung niluto ko, yung natirang pagkain ay nilagay ko sa ref, wala naman kasi kaming katulong kaya walang kakain nun. Sayang naman kung itatapon ko, ayun nalang yung kakainin ko bukas.
Pagkatapos kong mag- linis ng pinagkainan, nagpunta na’ ko sa kwarto namin. Oo, namin, mag- asawa kasi kami ni Justine. Pero di kami katulad ng ibang mag- asawa. Sa papel lang kasi yung samin, hindi niya ko mahal, mahal ko siya. One sided love. Ako lang yung nagmamahal.
Naligo na’ko at humiga sa kama. Pinuno ko ng unan yung natitirang space ng kama. Matatakutin kasi ako, feeling ko may tatabi sakin.
Hindi naman kasi natutulog dito si Justine. Umuuwi lang siya dito tuwing umaga o kaya gabi para maligo at magpalit ng damit.
Siguro magkasama nanaman silang dalawa.
Lagi kong naiisip kong lagi ba silang magkasama. Kung mag- kasama ba sila kumakain, kung magkasama sila pag- nanonood ng tv, kung magkasama sila mag- shopping, magkasama ba sila matulog.
Feeling ko tutulo ang luha ko kaya ipinikit ko ang mga mata ko at inilagay ang isa kong braso dito.
Siguro ang saya nilang dalawa.
Siguro sa oras na to, magkasama silang dalawa sa pagtulog, magkayakap at may mga ngiti sa labi.
Habang ako dito, umiiyak.
Mahal talaga nila ang isa’t- isa.
Kasi hanggang ngayon, 1 taon na simula nung ikasal kami, sila paring dalawa.
Napahagulgol na’ ko ng tuluyan. At hindi ko na namalayan na nakatulog ako.
-
Nagising ako dahil sa tunog ng sasakyan. Andito na siguro siya. Napangiti naman ako kagad dahil dun.
Nagtoothbrush, nagsuklay at naghilamos ako bago bumababa.
Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko siya sa sala. Nakaupo at nagbabasa ng dyaryo.
‘Good morning Justine!’ Masigla kong bati sakanya. Pero di niya ako pinansin, ni tingin nga di niya binigay sakin.
Pumunta nalang ako ng kusina para maghanda ng breakfast, kahit alam kong hindi naman siya kakain.
Pagkatapos kong magluto at ihanda ang mga pagkain sa mesa ay pumunta kagad ako sa sala para yayain siya. Pero katulad ng lagi niyang sinasabi..
“Busog pa’ko” Pumunta nalang akong kusina para kumain mag- isa.
Papaakyat na sana ako ng kwarto nang marinig ko siyang magsalita.
“Maghanda ka ng dinner mamaya” Sabi niya sabay labas ng bahay at pinaharurot ang sasakyan.
Hindi niya alam kung gaano ako kasaya. 1st time kasi niyang kakain dito sa bahay.
Naligo na ako at pumunta ng mall para mamili ng ingredients para sa mga iluluto ko mamaya.