The Blessed Dinner

1 0 0
                                    

"Malapit ka na matapos?" Tanong ni pauleen, kanina pa siya tapos sumayaw naayos niya na yung kama niya Kakain na sana kami sa baba kaso nakalimutan ko yung shading ng mata ng tigre.

"Shhh . Final touch na'to." I added grey to his eyes and Pauleen groaned. "Yan na , o'diba mas mukhang buhay siya."

"Yay! Pwede mo na ba tayo kumain?" I smiled at her and opened the door for her, Grabi sobrang close na namin sumabay lang ako sakanya sumayaw feeling ko magkaibigan na kami.

May patakaran kasi kami sa building na sa kwarto,  hindi pwede isa lang ang bumaba para kumain dabat sabay. Ayaw kasi ninang yung tampuhan , away atsaka pagpapalipas oras.

"O' buti naman bumaba na kayo 30 minutes na kayong late sa lamesa! " sabi samin ni MRS. A Noong umupo na kami. Kada floor ibat-iba ang table.

Pagpasok mo sa kitchen may makikita kang mga locker, doon may tagiisang locker bawat lahat, dun ni Mrs. A nilalagay yung pagkaing pinadala ng mga magulang  namin.

Tapos yung binabayad naman namin kay Mrs. A medyo malaki pero kasama nadun yung mga pagkaing ilalatag sa table, si Mrs.A at aling tinang nagluluto niyon.

Tapos minsan kung kinukulang sa budget si ninang magrereklamo yun sakin "hay nako!, kung pwede lang ako magpalayas ng mga estudyante dito gagawin ko."

Kasi siya na minsan nagaambag pero okay lang yun sakanya, Matandang dalaga na kasi si ninang. Simula namatay si ninong hindi na siya naghanap,ayaw niya... kasi alam niya na mahal padin siya ni ninong kahit patay na si ninong. And thats true love.

Tinuturing niya kaming lahat sarili niyang anak.

Kukuha na sana ako ng manok ng pinalo ni ninang yung kamay ko. "O? Ano yan josh? Ikaw bata ka? Andumi-dumi ng kamay mo puro pintura tapos hindi ka pa nagdadasal ! Sabay sabay na tayong lahat magdasal." At doon maski muslim, iglesiya, bornagen etc. Yumuko para magdasal at nilead ni ninang yung prayer.

Naghugas nako ng kamay at Pagkatapos niyon ay masaya kaming lahat kumain, hindi ko maalis tingin ko kay Pauleen. Akalain mo yun, Ang payat payat pero andaming kinakain. San niya kaya naiimbak yun?

"Josh, mamaya na titig, kain muna. Mamaya mafall ka niyan." I already did, ninang.

★Its Just a moment★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon