WLCYW 1.

16 0 0
                                    

No prologue, sorry. Enjoy reading! :)
-

Krisha's POV

"Baecooooon!!!!" Malayo palang pero rinig na rinig na boses. Hayy, nakakahiya talaga 'to.
"Oh?"
"Ang sungit naman! Meron ka siguro ngayon noh?"
"Tss ang ingay mo!" Si LJ, bestfriend ko. Maingay pero mapagkakatiwalaan na kaibigan.
"Joke lang eh! Hahahaha! Alam mo ba bae--"
"Ano? Nagdate kayo ni bryan? Tapos ang sweet niya sayo? Tapos nag-away kayo tas sweet nanaman kayo? Hayy paulit ulit ka lang, eh. Wala akong alam dyan." Ano bang alam ko sa pag-ibig? Hanggang crush lang naman ako eh pero never ko pang nafeel mainlove.
"Hala, grabe siya oh. Tatanungin lang naman kita kung sasali ka sa cheerdance or streetdance sa foundation week kasi ako cheerdance at saka nagpapalista na ngayon. Ano?"
"Eh. Ayoko"
"KJ mo! Sige naaaaa"
"Cheerdance nalang."
"Okay! Papalista na kita may practice bukas, ha? Sige bae may date pa ako, eh! See you tomorrow! Babye!!!" Naglakad siya papalayo at kumakaway kaway parin sakin.

Hay. Napapalagay nalang ako ng palad sa mukha ko eh. Hmmm. Kailan kaya ako magkakalove-life? Ano bang feeling nun? Masaya kaya? Minsan iniisip ko masaya twing nakikita ko si bae pero minsan rin tingin ko malungkot pag nakikita ko naman siyang umiiyak. Magaling naman ako magpayo pero pagdating sa sarili ko parang natatanga ako. Hindi ko alam kung anong feeling nun. Kasing sarap ba ng pagkain? Sana.

-

Hindi ko mawari kung bakit ba nagsisi-absent yung mga kasabay ko. Madalas mag-isa ako kung umuwi. Si lj naman ibang direksyon. Wala na nga akong lovelife, wala pa akong kasabay? Napakalungkot naman pala talaga ng buhay ko. Kaya ayun, kasalukuyan akong naglalakad ng biglang may dumaan na lalaki sa harap ko. Well, di naman eksaktong sa harap ko pero medyo malapit sakin. Yun nga lang di ko masyadong natanaw dahil ang bilis maglakad. Matangkad at medyo maputi. Di ko alam kung bakit ganto ako pero pinagmasdan ko lang siya habang papalayo na naglalakad. Huminto siya dun sa bata at binigyan 'to ng pagkain. Ang bait naman nito kaso nakasideview at medyo malayo na siya. Di ko tuloy gaanong matanaw.

*BEEP* *BEEP* (insert busina ng sasakyan tone hahahaha di ko alam eh)

"Hoy, miss! Magpapasagasa ka ba?!" Agad akong bumalik sa senses ko ng may sumigaw na driver. Narealize ko nalang na nasa gitna pala ako ng kalsada at tulala.
"Nako! Sorry po! Sorry po talaga! Pasensya na!" Agad agad naman akong napatakbo sa kabilang side ng kalsada at yumuko sa sobrang kahihiyan.

Ganun ko ba talaga katagal pinagmasdan yung lalaking yun?

When Love Comes Your Way (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon