Sabi nila mahirap daw ang buhay abroad .. lalo na kung mag isa ka lang at malayo sa piling ng mga mahal mo sa buhay.. bakit ba natin kaylangan lumayo? dahil ba sa pangangailangan ng pamilya? or dahil masabi lang na nag abroad ka? or dahil na den sa gustomo lang maranansan kung pano mabuhay ng mag isa. ang ang daming dahilan di ba?! bakit kaylangan pa nating umalis sa sarili nating bansa kung sating bansa naman ay may makukuha ka den na trabaho? hay bakit nga ba?! ..
Akala ko nun una para saken madali ang mag abroad .. syempre ibang level na yan .. nasa ibang lupalop ka na ng mundo .. hehe .. bakit nga ba ako napunta dito? .. tanong ko din yan sa sarili ko .. hmm siguro isang dahilan na den ang maranasan kung pano mabuhay ng mag isa ka lang .. i mean malayo sa pamilya mo .. mahirap pala .. as in sobrang hirap. lalo na para saken .. lumaki kase ko ng kasama ko yun family ko .. sa lahat kasama ko sila .. ako yun taong hindi mo mapapasolo or kaylangan may kasama pa ko kung san man ako pumunta. ewan ko ba at bakit nandito ko .. haha!
Gusto ko den kase ma experience ang buhay abroad .. grabe talagang napakahirap, kaylangan mong tumayo sa sarili mong mga paa. wala kang ibang gagawin kundi tulungan lang yun sarili mo. wala kang ibang aasahan kundi sarili mo lang .. although my mga kaibigan ka dito pero anjan lang sila para sayo .. sa tuwing mag kakasakit ka anjan nga sila pero sarili mo pa den ang magdadala sayo para mg pa check up .. hindi ka nila masasamahan para mag patingin. hindi katulad saten anjan yun mga magulang naten para alagaan tayo .. anjan sila sa tabi naten sa oras na mag kakasakit tayo. anjan sila para samahan tayo para mag pagamot. nakakamiss noh?!
Nakakamiss den yun pag dating mo ng bahay may nakahain na sayong pagkain at may nag lalaba pa ng mga damit mo .. dito ikaw pa ang gagawa ng lahat ikaw ang mag luluto sa sarili mo lalo na kapag pagod pa kylangan mo pang magluto hindi na namang hindi ka pwedeng kakain di ba?! .. minsan need mo pang mag laba .. hay! buhay nga naman paulit ulit lang ng gagawin.
Pero what to do .. ginusto naten to eh so kaylangan panindigan .. pero thankful na den ako kase nakita ko sa sarili ko kung pano maging independent .. natutunan kong tumayo sa sarili kong paa i mean natuto akong kung pano mabuhay ng ikaw lang ng walang sinasandalan .. natutunan ko na hindi pala madaling kumita ng pera .. narealize ko yun sinabi ng mama ko na pag nag kaisip ako or mag katrabaho malalaman ko den na hindi madaling kumita ng pera .. before kase di ko iniisip yan lahat ng gusto ko nun nakukuha ko pag sinabi ko gusto ko nito nakukuha ko .. ang hirap pala noh?.. pag nasanay ka sa mga ganung bagay dati puro gala ka .. bili dito bili doon.. hindi mo iniisip yun pera kase hindi mo naman pinag hirapan.. pero ngayon narealize ko na ..
Nakatulong den saken toh, nakatulong den saken kung pano mawalay sa pamilya mo .. ng wala kang inaasahan .. kaya ko pala .. hehe .. nun una gusto ko ng sumuko pero naisip ko yun sinabi ng papa ko na ginusto mo yan panindigan mo .. matigas den kase ulo ko nun eh .. haha .. pero atleast napakita ko sa knila na kaya ko den .. na kayang kaya ko pala. na kaya ko na hindi umasa sa kanila.
Masarap den kase sa pakiramdam yun ganito .. na hindi mo ineexpect na gawin na akala mo ay di mo magagawa pero kaya mo pala .. sa totoo lang kase lumaki kami ng may katulong, ni hindi nga ko marunong magluto hehe .. pero kahit na ganun pinapakita naman at tinuturuan den kami ni mama. but infairness .. natutunan ko na man yan dito .. hehe .. unti unti ko na namang sinusubukan ang mga bagay na yan ..
Kahit na malungkot ang buhay abroad masaya ka naman dahil may napatunayan ka sa sarili mo .. at kahit papano nakakatulong ka na den sa pamilya mo .. at anjan naman ang skype ano pa ang essence nito d ba?! kaya salamat na lang sa technology .. haha ..
at xempre kay papa God dahil kundi dahil sa kanya di ako magiging matatag .. ;)Godbless .. ;)
BINABASA MO ANG
Buhay Abroad
RandomSabi nila mahirap daw ang buhay abroad .. lalo na kung mag isa ka lang at malayo sa piling ng mga mahal mo sa buhay.. bakit ba natin kaylangan lumayo? dahil ba sa pangangailangan ng pamilya? or dahil masabi lang na nag abroad ka? or dahil na den sa...