Prologue

247 6 1
                                    


"Noong mawala sa akin ang lahat at magbago ang pananaw ko sa mga bagay na akala kong totoo, hindi ko mapigilang magtanong. Tinanong ko Siya, ano bang nagawa kong masama para bawiin niya sa akin lahat ng maganda sa buhay ko? Inaamin ko, nakaramdam ako ng galit sa mundo. Hindi ko maipaliwanag yung lungkot na nararamdam ko noong mga panahong yun. Parang nawalan ng kahulugan yung buhay ko. Naisip ko nga baka panaginip lang lahat at sana magising na ako.

Lumilipas lang ang bawat minuto, bawat oras na parang nakalutang lang ako sa hangin, walang pakialam kung saan nito ako dalhin.

Pero isang araw, napansin ko na biglang nagbago ang paligid ko.
Yung paligid na kamakailan lamang ay madilim at malabo sa paningin ko, noong araw na iyon ay biglang nagbago. Nakakita ako ng makukulay na bulaklak, at tila musika sa pandinig pang humuhuni ang mga ibon sa paligid. Nasabi ko sa sarili ko na kung panaginip parin ito, sana hindi na ako magising.

Naalala ko nalang ang sarili kong nakapikit, nagdarasal na sana pagdilat ko hindi mawala kung anuman iyong magandang eksena kanina. Nang biglang may palad na dumampi sa kanang braso ko, pagmulat ko ng mata ay nasa harapan parin kita. "

God Gave Me U ( A Love Made in Heaven)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon