Chapter 6: DENNIS

96 1 1
                                    

Nakatulog ako ng mahimbing ng gabing yun. Wala na ang mga panaginip na gumugulo sa isip ko sa halos buong araw.

Walang nakaschedule para ngayong araw kaya naisipan kong pumunta na sa bakery para makapagpaalam ng maayos. Nakapagdesisyon na ako na iwanan na ang trabahong iyon para makapagconcentrate sa project nina Mr. Valdez. Parang ayaw pa noong una na pakawalan ako nina Sir Donie pero noong pinaliwanag ko ang dahilan ay pumayag na rin siya.

Pauwi na ako ng makatanggap ng tawag mula kay Benjie.
Binalita niya sa akin na may emergency meeting mamayang gabi. Pinatawag daw ni Direk Charie lahat ng crew kasama na ako.

Hindi na nasabi ni Benjie kung tungkol saan ang pagmemeetingan dahil nagmamadali din siya kaya um'OO' nalang ako.

~~~~~

Pumunta ako sa office sa adress na tinext sa akin ni Benjie kanina. Pagdating ko doon ay nasa loob na ng isang kwarto halos lahat ng crew. Nakita ko din si Benjie na nakatayo sa isang tabi katabi si Mr. Valdez. Tahimik lang silang lahat. Akma na sana akong kakatok nang may nauna na sa aking nagbukas ng pinto. Si Direk Charie. Dumerecho siya sa harapan hawak ang ilang piraso ng papel. Hindi ko alam kung napansin niya ako pero pumasok nalang din ako at tumayo sa isang tabi.
Iniisip ko kung ano ba ang dahilan ng emergency meeting na ito. Hindi pa man din nagsisimula ang shoot ay parang may tension na sa project. Nasa harap lang si Direk Charie hawak parin ang mga papel. Nakatuon ang tingin niya dito at parang malalim ang iniisip. Itinuon niya tingin niya sa mga tao sa loob ng kwarto at huminga ng malalim bago nagsalita.

"Ok guys... Sorry for the urgency of this meeting. Gusto ko lang mapag-usapan natin ang mga plans para sa project na'to. I know na naibigay na namin sa inyo yung details before kaya lang may biglaang nangyari na makakapagpabago sa plano. Initially, we wanted to do the shoot inside the studio. We'll work on the effects nalang and all that, kaya lang, the client wanted to do it ng actual. It means, kung may mga scene na dapat nasa ganitong lugar, dapat andun tayo sa lugar na 'yun. Like for example doon sa scene na maghahanap ng ring si guy, kailangan pumunta tayo sa actual store."

Tuloy-tuloy ang pag-eexplain niya sa mga changes na mangyayari sa project. Tahimik lang akong nakikinig sa kinatatayuan ko.
The way she delivers every word, parang siguradong sigurado siya. Nararamdaman ko yung eagerness niya na magawa ang lahat ng plano para sa project na'to.
"Grabe siya no?", sabi ng katabi ko.
"Para sa edad niyang yan, napakagaling niya na maghandle ng ganitong project. Passion niya talaga.", dagdag pa nito.

"Bakit, ilang taon na ba siya?", mahinang tanong ko sa katabi ko.
"23? Though I'm not really sure.", sagot nito.
"Oo, 23 palang. Bata pa. Ayaw pa magboyfriend.", medyo natatawang sabat ng isa pa naming katabi.
Mahinang nagtawanan ang dalawa.
Bahagya nalang ako ngumiti para tumugon sa kanilang dalawa nang biglang tinawag ako ni Direk Charie. Napansin niya yata ang tawanan ng dalawang katabi ko dahil pagtingin ko sa kanya ay nakatingin ito sa direksyon kung saan kami nakatayo.

"Mr. Natividad...pwede ka bang magbigay ng suggestions imbes na nakikipagkwentuhan ka lang diyan?", medyo iritableng tanong ni Direk Charie sa akin.

Bago pa ako makapagsalita ay sumabat ulit ang isa sa mga katabi ko.

"Ah, Charie.. Why don't you just get a girl model para ipartner kay Dennis dito? Sabi ko naman sayo hindi magwowork yung split screen drama mo eh. Magpeprepare siya dito habang nasa ibang bansa pa yung babae? Ang labo naman kasi nun Charie...", sabi nung lalaking nagconfirm sa edad ni Direk Charie kanina.

"Joel, nag-agree ka sa plan na iyan dati. Tapos ngayong ganito ang sitwasyon, saka mo sasabihing malabo yung plano?", seryoso pero mataas na ang tono nitong tugon kay Joel.

Mas tumaas ang tensyon sa kwarto ng mga sandaling yun. Pero bago pa man magkagulo ay umawat na si Mr. Valdez.

"Joel , Charie.. Tama na yan. Gawin nalang natin ang gusto ng client. Charie, tawagan mo nalang ang manager ni Lauren and tanungin mo if pwedeng umuwi sila ng Pilipinas para dito nalang tayo magshoot. If not then we don't have any choice but to get a new one para maging main actress ng music video na'to.
Joel, since ikaw naman ang nagsuggest, if in case hindi tanggapin ni Lauren yung new plan, then ikaw na maghanap ng kapalit niya as soon as possible.", utos ni Mr. Valdez.

Tahimik lang na nakinig sina Joel at Direk Charie at tumango nalang matapos magsalita ni Mr. Valdez.
Si Mr. Valdez na ang nagtake-over ng meeting at nagbigay ng mga tasks sa grupo. Tulad ni Direk Charie ay napakahusay din nito.
Matapos ang ilang mga paalaala ay natapos na din ang Emergency meeting. Mag-aalas nuwebe na ng gabi kaya sabay narin kaming umuwi ni Benjie.

Sa sasakyan ay natanong ko kay Benjie kung ano ba ang role ni Joel sa project na iyon at kung masagot niya ang direktor ay ganun ganun nalang.

"Wala...extra lang.", tugon ni Benj.
"Nag-iisang anak lang naman ni Mr. Valdez kaya ganun yun.", dagdag na kwento nito.

"Naiinggit siya kay Direk Charie?", curious kong tanong.

"Siguro? O kaya naman bitter parin siya kasi binasted siya ni Charie.", matawa-tawa nitong sagot.

"Akala ko ba pamangkin ni Mr. Valdez si Direk Charie? So hindi sila magpinsan?", muli kong tanong kay Benjie.

"Hindi. Ganito kasi yan. Yung Daddy ni Charie nag-asawa ng bago. So si Mr. Valdez kapatid siya nung Step-mom ni Charie. Ayaw magwork ni Charie sa company ng Dad niya so kinuha nalang siya ni Mr. Valdez.", pagpapaliwanag ni Benjie.

"Nagrerebelde ba siya? Bakit ayaw niya sa company ng Dad niya?", pahabol ko pang tanong.

Tumingin sa akin si Benjie. Nakangiting tila nang-aasar.
"Bakit?", tanong ko.
"Type mo ba si Charie?", pang-aasar nito.
"Type? Hindi ah. Masama bang magtanong?", depensa ko.

"Ngayon ka nalang nagtanong ulit ng ganyan tungkol sa isang babae. Hindi naman masama. Weird lang. Pero I like it. You're coming back!", patuloy nito sa pang-aasar.

"Coming back your face! Magdrive ka na nga lang diyan!", muli kong tugon.

"Albert Dennis Natividad! You're alive again! Welcome back!", patuloy nitong pang-aasar habang nagmamaneho.

Napa-iling nalang ako sa kalokohan ni Benjie pero di ko mapigilang mangiti sa realization na yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

God Gave Me U ( A Love Made in Heaven)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon