Drizzle (One Shot Story)

3.7K 147 53
                                    

A/N: Dedicated to pilosopotasya dahil nainspire ulit akong magsulat ng one shot about high school love dahil kakatapos ko lang basahin yung super ganda niyang story na AFGITMOLFM. At hindi ko pinagsisisihan na nakatambak tuloy ang mga reviews and documentation, working papers at audit reports ko sa office dahil naexcite akong tapusin at malaman ang meaning ng AFGITMOLFM. I love Nate and forever na ata akong masasaktan pag naaalala ko siya mehehe :)

_____________________________________________________

Third year highschool  ako noon ng nag transfer ako sa isang school sa Manila. Dito na kasi nadestino sa trabaho ang Papa ko kaya no choice kundi mag alsabalutan kaming buong pamilya at mabuhay sa bagong environment. Alangang alangan akong pumasok sa bagong school namin. Hindi kasi ako sigurado kung magiging maganda ba ang pakikitungo ng mga kaklase ko sa kin. Gayunpaman, pumasok pa rin ako na malaki ang pag asang makakauwi ako ng may bagong mga kaibigan ngayong araw.

Pagdating ko sa classroom namin, parang by friends ang seating arrangement kaya naman sa bakanteng upuan sa likod ako umupo. Katabi ko yung magugulong grupo ng mga lalaki. Natahimik sila ng umupo ako sa bakanteng upuan pero bumalik din sa paglolokohan pagkatapos akong nakitang prenteng prente na sa pagkakaupo. Tahimik lang akong nagmasid masid, naghahanap ng mga potential friends. Feeling ko inaamag na ko at konting tulak lang ay makakatulog na ko. Dun nag sink in sa kin na ang hirap pala maging bagong tao sa isang bagong lugar lalo na kung di ganun kakapal ang mukha mo.

“Ahhh ate,pwede ba lipat ka na lang ng upuan? Andito na kasi yung nakaupo diyan eh.” Nagulat ko sa biglaang pagtapik ng isa kong kaklase. Pero mas nagulat ako ng pinapalipat niya ko ng upuan. Nakita ko rin sa pintuan ang isang bagong dating naming classmate. Siguro siya na nga ang dahilan ng pagpapalipat sa kin.

Para wala na lang gulo, binitbit ko na yung back pack ko at naghanap ng upuan. Inikot ko ang mga mata ko sa buong room pero wala ng bakanteng upuan kaya nagdecide na lang akong lumabas para maghanap ng bakanteng upuan sa ibang room. Malapit na kong makarating sa kabilang wing ng nakasalubong ko yung classmate ko na nakita ko sa may pintuan kanina. May dala siyang upuan. Teka, akala ko siya yung nakaupo dun sa upuan ko? Grabe naman ang scarcity ng upuan sa school na to.

“Uy halika ka na. Nagbell na oh. 15 minutes na lang first class na.” Napalingon naman ako bigla at nakita kong nakangiti siya sa kin.

“Ako ba yung kausap mo?” sabay turo ko sa sarili ko. Ibinaba naman niya yung upuan at napakamot ng ulo.

“Tayong dalawa lang dito eh.  Siguro, oo hehe.” Pabiro niyang sabi na para bang close na close kami para biruin niya. Pero teka 15 minutes na lang eh, wala pa kong upuan!

“Ahh, mauna ka na. Maghahanap pa kong upuan. Kulang sa room natin eh.” Binilisan kong maglakad at tumingin tingin sa room ng bigla niya kong hilain.

“Eh teka miss, eto na nga yung upuan mo eh. Kinuha na kita kasi pinaalis ka ng mga kaibigan ko. Tara na, baka malate tayo sa klase.” Hinila niya naman ulit ako tsaka sabay na hila din sa upuan. Alangan akong magthank you pero sa isip isip ko ang gentleman naman nito.

Nilagay niya yung upuan ko sa tabi niya dahil doon na lang naman maluwag ang space. Nagpasalamat ako at umupo na. Sa isip isip ko baka naguilty lang siya sa pagpapaalis ng mga kaibigan niya sa kin. Hindi na kami nag usap after nun kasi busy siya kasama yung mga friends niya. Noong recess pagkatapos kong bumili ng food sa canteen, bumalik na ko sa room at doon na kumain. Dahil una, ang daming tao. Pangalawa, wala akong maupuan. Ang panghuli, ayokong magmukang kawawa sa sulok ng canteen.

Nagbasa basa lang ako habang umiinom ng chuckie at kumakain ng piattos. Mukang fail ata yung naisip kong ideya na magkakafriends ako sa first day of school. Pero di naman ako nalulungkot. Baka bukas magkafriends na ko. Nakakahiya kasi magsalita at makimingle dahil sa isang simpleng probinsyana lang ako baka sabihin pa nila feeling close ako masyado.

Drizzle (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon