6 YEARS. 6 years na kitang crush. No, scratch that. MAHAL. 6 YEARS na kitang MAHAL.
Ako. Isang ordinaryong babae. Pero sabi naman ng karamihan, maganda daw ako. Kesyo matalino daw ako, kesyo mayaman daw ako. Pero sa totoo lang, ayaw ko ng pinupuri.
Hindi ko alam kung bakit ganon nalang kita kamahal. Gwapo ka naman talaga. Matalino. Mabait? Siguro.
Lance. Lance Damian Perez. Pangalan mo na kahit isang araw, hindi natanggal sa isipan ko.
Grade 4, grade 4 kitang unang nakita. Transferee ka no'n. Naging close tayo nun dahil buong school year, kaharap lang kita. Pero dahil sa hindi na tayo magkaklase ng grade 5 and 6, hindi na tayo naging close.
At naging kaklase uli kita nung 1st year, dun na tayo sobra naging close.
Naaalala ko nga nung naperfect ko ang math test at nagpaturo ka sakin.
Simula nun, palagi ka nang tumabatabi sa akin.
Kahit mapalitan man ang seatplan, tutal palaging absent ang katabi ko, tatabi ka parin sakin.
Kukulitin mo ako at mangogopya ng assignment, papakielaman ang bag ko, uubusin ang paborito kong pabango at sinasabi ko sa utak ko, "dibale nalang, basta ikaw"
Naalala ko rin nung palagi mong pinipisil yung mukha ko at sinasabing "ang cute mo talaga" Hindi mo alam kung gaano kasarap pakinggan ang mga salitang yun galing sayo.
Sinusundot mo din yung parte ng mukh ko na may malalim na dimples. Sinasabi mo na may dimples ka rin kahit wala naman talaga. Hinayaan nalang kita, dibale, ikaw naman.
Sinabi mo ring "ikaw ang girl bestfriend ko ha!" At nagapir pa tayo nun.
At meron pa nung bigla akong napatingin sayo sa tabi ko, hindi ko alam na nakanguso ka pala. Aksidente mong nahalikan ang gilid ng labi ko. Sobra akong kinabahan, may girlfriend ka nga pala. At baka may nakakita. Binalewala ko nalang yun dahil baka makahalata ka.
Tuwing nakikita kitang kasama ang girlfriend mo, wala akong magawa kundi tignan ka sa malayo. Pasulyap-sulyap kung anong ginagawa niyo. At pagtapos, susungitan kita. Hindi ko alam kung bakit. Pero alam ko sa sarili ko na nagseselos ako. At wala akong karapatan na magselos kaya babalewalain ko nalang yung nararamdaman ko. At babalik sa normal.
Hanggang sa nalaman mong crush kita, hindi ka umiwas pero mas napalapit ka sakin. Ang saya saya ko nung mga araw na yun. Pero naalala ko, may girlfriend ka nga pala nung mga panahong yun. At feeling ko ang sama kong tao. At I felt sorry para sa girlfriend mo.
Meron nung nagswimming tayo at nagget together ang grupo natin. Naalala ko ang sinabi mo habang nagsswimming tayo at nakabilog ang buong grupo "oh game guys patagalan tayo sa pag ahon. Hawakan tayo ng kamay para walang daya" at tutal ikaw ang katabi ko, nahawakan ko ang kamay mo sa mga panahon na yon.
Nung araw din na yo'n mo kinuha ang number ko, pero hindi ko alam na kinuha mo pala.
Nagtext ka sakin pero syempre unknown number pa, nagpakilala ka at nagtext ng "Ako si Crush mo"
Isang tao lang ang pumasok sa isip ko, at ikaw yun.
BINABASA MO ANG
The Old Times (one shot)
Teen FictionThe Old times. Happy memories that has never forgotten. But now, decided to forget those memories and start anew.