Hindi na ganun

47 0 0
                                    

Hindi na ganun.

Nakatulala ako sa kawalan, hinahanap ang sagot sa daan-daang tanong gumugulo sa'king isipan.

__________________

"May nasabi ka bang hindi maganda? May nagawa ka bang mali? May pagkukulang ka ba? Hindi pa ba sapat? Ano nga ba ang nangyari, bakit tayo nagkaganito?"

Yung dating mga matang kumikislap sa tuwing nasisilayan ang iyong mga mata at matitingkad na ngiti, ngayon naman iniiwasan na masulyapan ka kahit na isang segundo lamang.

Yung dating mga ngiti at tawa na lumalabas sa tuwing kasama ka, ngayon naman napalitan na ng simangot at sigawan.

Yung dating tayo na masaya, bakit naging biglang malungkot? Yung mga pasimpleng sulyapan, asaran, lambingan, bakit naman napalitan ng iwasan, katahimikan, at iyakan?

Ano ba talaga ang nangyari, Mark? Bakit nagbago? Bakit nawala kung anong meron tayo noon? Kung puwede lang akong bumalik sa nakaraan at hanapin kung kailan ba tayo nagsimulang maging ganito, ginawa ko na. Kaso hindi puwede e, hindi posible.

Naaalala ko pa...

Dati rati yung kamay ko hinahanap yung kamay mo, tila ba ang hirap mawalay sa'yo, hindi kumpleto, may kulang; pero bakit ngayon e tila ba napapaso magkadikit lang kahit sandali?

Dati rati yung puso ko ang bilis ng tibok kapag nasilayan na ang 'yong mukha, pero bakit ngayon e tila ba wala na yata ni isang tibok man lang?

Hindi ko mawari kung bakit ba napunta tayo sa ganitong uri ng sitwasyon. Nanibago ako, hindi ako sanay. Pero andito pa rin ako, hindi sumusuko, kasi pinanghahawakan ko yung pangako natin sa isa't isa.

"Mahal kita, Klai. Walang iwanan, walang bibitaw. Kapit lang tayo ng mahigpit, ha, Klai?" Tumango ako at niyakap ka.

------

Kung ako ang nasa kalagayan mo, ganyan ang gagawin ko at iisipin. Kaso, magkaiba tayo, Mark. Magkaiba tayo, kasi mas mahal kita. Magkaiba tayo, kasi ako? Hindi kita kayang iwan. Hindi kita kayang bitawan. Hindi ko kaya, Mark, hindi.

Tinanong kita kung anong nasabi kong hindi maganda.
Tinanong kita kung anong nagawa kong mali.
Tinanong kita kung nagkulang ba 'ko.
Tinanong kita kung hindi pa ba sapat lahat ng pinakita ko't pinadama sa'yo.
Tinanong kita, Mark, kung anong nangyari at nagkakaganito tayo.

Sabi mo, wala akong kasalanan.
Sabi mo, hindi ako ang may mali.
Sabi mo, napapagod ka lang.
Sabi mo, magpahinga muna tayo.
Sabi mo, kailangan mo munang mapag-isa at mag-isip.
Sabi mo, hahanapin mo muna ang sarili mo.

Pumayag ako, Mark.
Pumayag ako na magpahinga muna tayo.
Pumayag ako na hindi muna tayo magkita.
Pumayag ako na hindi muna tayo mag-usap.
Pumayag ako sa lahat ng pakiusap mo, Mark.

Mahal kasi kita, Mark, kaya ginawa ko ang lahat ng hiniling mo, kahit na masakit para sa'kin. Kahit na sobrang hirap, kinaya ko, Mark. Wala e, mahal kasi kita. Pero Mark, bakit naman ganito? Ginawa ko naman lahat, pero bakit ganito?

"Mahal kita, Klai. Maniwala ka, minahal kita ng sobra sobra. Pero hindi na tayo masaya. Nasasaktan na kita, Klai. Kaya sa tingin ko, kailangan ko munang hanapin yung sarili ko. At hindi ko 'yon magawa ng kasama ka, Klai. Kailangan ko munang mapag-isa." sabi mo.

"Hindi ako nagpapakita sa'yo. Hindi kita tinatawagan o kaya tine-text. Hindi ako nagpaparamdam sa'yo, Mark. Kulang pa ba yun? Kulang pa ba ang tatlong buwan, Mark? Ilang buwan pa ba, para naman malaman ko. Sabihin mo lang, Mark, maghihintay naman ako sa'yo." pagsusumamo ko, habang nagpipigil ng luha.

Hindi Na GanunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon