CHAPTER 2: The Last Memory

13 0 0
                                    

"Huy! Anong ginagawa mo diyan?!" Sabay tapik sa balikat ni charity.

"Ha?" Sabi ni Claude

"Anong Ha? Sabi ko anong ginagawa mo diyan" sabi ni Charity.

"Wala may naalala lang ako " sabi ni Claude.

"Who is she?" Tanong sa kanya ni Charity
"Who ?" Binalik ni Claude sa kanya yung question.

"Yung girl sa wall paper nung phone na hawak mo". sabi ni charity.

"Wala at pwede ba wag ka ngang pakielamera!" Sagot ni Claude.

"hoy ! Claude wag mo kong daanin sa pasungit sungit mo ah! Wag mo kong igaya sa mga slaves mo ! " sigaw ni Charity.

"Ok sorry. Pano kasi tanong ka ng tanong ang ingay ingay mo!" Sagot ni Claude.

Inirapan ni Charity si Claude.Pagkatapos ay tinapik niya ito sa Balikat bago siya tuluyang umalis at naiwang mag isa sa labas ng kwarto si Claude.

Binalot ng katahimikan ang buong paligid ni Claude at biglang pumasok sa isip niya si Zhia Zhia.

Bumalik sa kanyang isip ang unang pag kikita nila ni Zhia Zhia.
>>>>FLASH BACK<<<<

"Aray naman ! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh! " sigaw ni Claude sa babaeng nakabangga niya.

"Aray din! Hindi lang naman ikaw ang nasaktan ah! Ikaw nga tong nakayuko Kung maglakad tapos ako sisisihin mo!" Pasigaw na sagot naman ni Zhia Zhia.

Kinalabit siya ng isang babae sa likod niya at sinabing "miss hindi mo ba siya kilala? Ang tapang mo ah nasasabi mo yan sa kanya." Walang other meaning ang sinabi niya,gusto niya lang sabihin Kay Zhia Zhia na wala pang nakakagawa at nakakapag sabi ng ganon kay sa kilala at hinahangan nilang lahat na si Master Claude.

"Kilala kong mga ganitong klase ng lalaki miss.Mayabang,antipatiko,at akala mo kung sino Kung umasta! Bakit artista ba siya ?! Ha! " sagot ni Zhia Zhia at habang sinasabi niya ito ay dinuduro duro niya si Claude at bago matapos ang last word niya ay tinulak niya si Claude kaya napa upo ito sa sahig dahilan naman para mapasigaw ang lahat ng mga estudyante na nakapaligid sa kanila.

Tinapik siya ulit ng babae "alam mo miss Kung ako sayo aalis na ako dito."

Sumagot naman ang isang lalaki.
"Oo nga miss kung mahal mo pa buhay mo umalis ka na at wag ka ng magpapakita pa ulit sa kanila lalo na sa kanya" .

Nililingon ni Zhia Zhia ang bawat magsalita at pagkatapos magsalita ng lalaki ay tiningnan niya si Claude na nakaupo parin sa sahig.Tiningnan siya ng masama nito .Pagtayo ni Claude bigla namang may humila Kay Zhia Zhia at lahat sila nakatingin sa tatlong babaeng nagtatatakbo palayo sa kanilang lahat.Tila ba tumatakas sila sa nakakamatay na tingin ng demonyo.Sa lahat naman ng demonyo si Claude na yata ang mukang anghel na napadpad sa impyerno.

>>>>END OF FLASHBACK<<<<

Kinuha ni Claude ang phone niya .
"Look for her" sabi ni Claude sa kabilang line.

Habang may kausap si Claude sa phone ay may isang babae na nasa likuran niya at hindi niya ito napapansin.Mukang napansin ito ni Claude pero bAgo pa siya lumingon ay umalis na ang babae kaya ng lumingon siya ay wala na siyang nakita.Pagkatapos ng lahat ay pumasok na din siya sa kwarto.
*****************************
Nagkita kita sa library ang grupo nila Claude.Naunang dumating si Claude sa library.Nilalaro ni Claude ang phone niya nung dinatnan siya ng mga kagrupo niya.

Tamapat sa harapan ni Claude ang isa sa kanila habang ang iba naman ay nasa likod lang."Master Claude" sabi nung lalaking tumapat sa kanya.

"Late na naman kayo " mahinahong sabi ni Claude pero Ramdam nila na naiinis si Claude.

"Sorry Master Claude sinigurado lang namin na maayos ang lahat." Sagot nung lalaki.

"Be ready for the plan B,if ever man na pumalpak yung Plan A gagawin natin yung plan B". Sabi ni Claude then saka siya tumayo sa kinauupuan niya .nanatili muna siya sa kinatatayuan niya.Nagbilin siya sa mga kagrupo niya.

"Wait for may call " bilin ni Claude
"Yes Master Claude" sagot ng lalaki.yumuko sila na para bang nag bow bAgo umalis si Claude at ng tuluyan itong nakalabas ay bumalik na sila sa normal.

Saka tuluyang umalis ng library si Claude.
*************************
BAgo pumasok sa school si Bianca tinawagan muna niya si Zhia Zhia.Sinabi niyang wag muna itong didiretso sa school.Pinapunta niya sa isang lugar si Zhia Zhia Kung saan sila magkikita.

"Hello girl" sabi ni Bianca

"Hello Bianca" sagot naman ni Zhia Zhia.

"Nasa school ka na ba?" Tanong ni Bianca

"Ah wala pa paalis pa lang ako kita tayo sa school ah" sabi ni Zhia Zhia.

BAgo pa maibaba ni Zhia Zhia yung phone inunahan na siya ni Bianca.

"Teka teka teka wag mo munang ibaba ." Sabi ni Bianca

"Ah ok sige bakit may problema ba?" Tanong ni Zhia Zhia

"Ah eh basta basta wag ka munang didiretso sa school magkita muna tayo sa may milk tea." Sabi ni Bianca

"Ha? Bakit kailangan pa don ? Sa school na lang " sabi ni Zhia Zhia

"Hindi pwede basta magkita tayo sa may Milk Tea may sasabihin ako sayo aantayin kita don ka dumiretso ah " sagot ni Bianca .

"Sige sige aantayin kita" sagot ni Zhia Zhia.
******************************
"Ate may padala para sayo daw " sabi ng boses bata at walang iba Kung hindi ang pinsan ni Zhia Zhia na si Violet.isang taon lang ang tanda ni Zhia Zhia sa kanya .

"Kaninong daw galing? " tanong ni Zhia Zhia at kinuha niya yung pink box na pinadala sa kanya .

"I don't know inabot lang sakin nung lalaki sabi niya pinabibigay daw sayo nung Master " sagot ni Violet.

"Sige sige aalis na ko" sabi ni Zhia Zhia at nilagay sa dala niyang paper bag yung pink box na pinadala sa kanya.

"Sige ingat "sabi ni Violet.
******************************
Habang nasa biyahe pilit iniisip ni Zhia Zhia Kung sino yung Master na tinutukoy ni Violet.

You are my last songHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin