1

178 3 3
                                    

Once upon a time...

- - - - -

"Huy! Ano ka ba!"

"Ay kabayong pating!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Leshe ka Eduardo!"

"Kung maka-Eduardo naman 'to!"

"Ba't ka ba kasi nanggugulat?!"

"Wala lang. Hehehehe."

"Aray Isabella!"

Binatukan ni Bella si Rdo eh.

"Tara na nga!"

"San tayo?"

"Uuwi na."

"Uuwi? Bili muna tayo!"

"May pera ka?"

"Wala."

"At ano naman pambili mo?"

"Kasi ililibre mo 'ko. ^____^V"

"At bakit?"

"Ginulat mo 'ko eh."

"OA neto!"

"Bilis na! Para naman tayong walang pinagsamahan. Dali na best friend!"

"Yan ka na naman sa kaka-best friend mo."

"Tama ng satsat Rdo. Libre mo na ako."

"Sige na nga!"

"YEHEY!"

"Psh. Isip bata talaga."

- - - - -

*ringgg ringgg*

"O Rdo? San ka na?"

(DI kita mahahatid ngayon One.)

"Ha? Bakit?"

(May gagawin pa kasi ako eh.)

"Ah ganun ba. Sige, ako na lang ang uuwi."

(Pasensya na One ha?)

"Okay lang. Sige bye. Ingat ka."

(Ingat ka rin. Bye.)

Pinatay na ni Bella ang tawag. Nalungkot naman siya sa sinabi ni Rdo. Na-curious rin siya kung ano ang gagawin ng best friend niya. DI kasi sinabi ni Rdo kung saan siya pupunta o ano ang gagawin niya eh.

"Bahala na nga. Ako na lang uuwi. Dapat masanay na akong walang Rdo sa tabi ko. Hay."

At dahil di naman siya mahahatid ng best friend niya, umuwi na si Bella ng mag-isa at malungkot, maybe disappointed.

- - - - -

"ONE!!" Napalingon naman ang dalaga sa tumawag.

"O Rdo, bakit?"

"Sabay tayo uwi!"

"Aba'y himala ata ah? Ilang linggo ka ng di sumasabay sa'kin. Nakakatampo na."

"Pasensya na One. May nililigawan na kasi ako eh."

"Okay lang--HA? ANOS ABI MO?!"

"May nililigawan na ako."

"A-ah t-talaga? H-hehe. Binata ka na Eduardo!"

"Hahaha. Ikaw talaga One. Babawi ako sa'yo. Libre na kita."

"Talaga? Dali-dali!"

Umalis na nga sila. PG na ata 'to si Bella o sadyang gutom na gutom lang o baka...

"Rdo, eto sa'kin, yan tsaka yan at yun pa, teka-teka yun din. Tsaka din pala yun--"

And the list goes on...

"Ang takaw mo ata ngayon One ah!"

'Depressed ako eh.' Sabi ni Bella sa isip.

"Gushom ako eh. Phaki moh bah?" Sabi ni Bella na may fries pa sa bibig plus sobrang puno ng bibig niya. Medyo nagtalsikan nga yung fries sa harap ni Rdo. XD

"Yuck One! Manners naman!"

"Para namang di ka pa sanay sa'kin. Ilang taon na tayong magkasama."

"Kahit na no!"

"Ganyan pala pag may girlfriend na, nagiging maarte."

"Anong girlfriend? Nililigawan pa nga lang sabi."

"Doon din naman yan papunta. Tss. Kelan ka ba niya sasagutin? Ang tagal naman niyan. Siguro kung ako yan, sinagot na kita agad-agad. Sa gwapo mong yan? Sus."

"Aray naman!" Binatukan kasi ni Rdo ang lokang best friend.

"Loko ka talaga!"

- - - - -

Lumipas ang higit apat na buwan, matagal na ring sinagot nung Girl si Rdo. Mag-ma-monthsary na nga rin sila... 

"One!"

"O bakit?"

"Makikipaghiwalay na si Sally sa'kin."

"O tapos?"

"Nasasaktan ako."

"Ano iiyak ka? Mukha kang bata dyan, wag kang iiyak."

'Di ba dapat sinusuportahan ng kaibigan ang nasasaktang kaibigan? Pero niloloko na siyang nung Sally na yun eh. Kaya mas mabuting maghiwalay na sila. Masama ba? Alam ko pero di ko naman gustong magkaroon ng kaibigan na nagpapakatanga kahit kitang-kita ng niloloko siya.' Sabi ng isip ni Bella.

"Pero ang sakit-sakit eh."

"Hihilom rin ang sakit na nandyan." Sabay turo niya sa puso ni Rdo.

"Ano ng gagawin ko?"

"Edi makipaghiwalay ka."

"Pero..."

"Pero ano? Mahal mo siya? Ano magpapakatanga ka na lang at laging positibo kahit di na yun totoo? Ha ano? Mas maayos na nga yan eh. Hiwalayan mo na yan."

"Ang sakit mo naman magsalita. Ano ka ba? Mahal ko yung tao eh!"

"Mahal mo nga pero ikaw ba mahal niya?"

"Ba't ba ang negatibo mo Isabella? Ha?"

"HINDI AKO NEGATIBO, RDO. SADYANG TINITINGNAN KO LANG ANG MGA POSIBILIDAD. DI NAMAN AKSI SA LAHAT NG PANAHON, POSITIBO ANG MANGYAYARI. MAY MGA PANAHON NA NEGATIBO AT MASASAKTAN KA PERO DARATING ANG TAMANG PANAHON NA HIHILOM ANG SAKIT. OO, ALAM KONG MAHIRAP MAG-MOVE ON, PERO ALAM KONG KAKAYANIN MO YAN."

"ANO BA!! SINO KA BA SA TINGIN MO HA? MAGULANG KO NA PANGANGARALAN AKO? AKALA KO BA KAIBIGAN KITA?! AKALA KO BA ANG MGA KAIBIGANG NAGTUTULUNGAN? TAPOS NGAYON, ANONG GINAGAWA MO? HA?"

"AY SORRY HA? NAKALIMUTAN KO, BEST FRIEND LANG PALA AKO DITO SA STORYANG 'TO. HINDI PALA AKO ANG BIDA DITO, NAKALIMUTAN KO. Kaya nga bilang isang kaibigan, tinutulungan kita. Tinutulungang maalis sa pagkakatanga sa isang babaeng di ka naman talaga mahal."

Tumakbo paalis si Bella at sa pag-alis niya, tuluyan ng tumulo ang traydor niyang kuha na kanina pa niya pinipigilan sa harap ni Rdo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ON HIATUS: Lihim Kong Pagtingin - SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon