--Uri ng Manliligaw

312 8 0
                                    

-- --URi NG MANLiLiGAW 

Mr. Gwapings – mayaman, gwapo, kilala..mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted..maapektuhan ng husto ang kanyang EGO.

Mr. Quickie – ang uri ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi “kelan mo ba ako sasagutin?” o kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa lab?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma.

Mr. Everything – linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo.” ! @#$ ka na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan.

Mr. Stalker –eto yung klase ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nsan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily
activities mo kelangan malaman nya.

Mr. Salesman –dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya mas matindi mang-uto. yun bang tipong..”ang ganda ganda talaga ng mga mata mo..” 

Mr. Good Dog –eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan. 

Mr. Anonymous –motto nya ang “action speaks louder than words”. wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. hehe!

Mr. Take it or leave it –pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.

Mr. Romantiko –jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan nya dahil sa kanyang “malinis na hangarin” awww!

Mr. Second chance –sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya parin “Please give me a second chance”

Sino ka Jan?? o Sino ang BF mo dyan?

Mga Nabasa kung Stories sa Facebook ( shared ko lang :'))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon