Bakit Baliktad pa rin?

26 0 0
                                    


Second year, Third year highschool? Ewan, hindi ko na matandaan kung kailan kita unang binasa. Nakita lang kita sa isang bookstore at nakuha mo ang atensyon ko sa nakakatawang title mo. Kahit may kamahalan ka para sa kagaya kong estudyante pa lamang noon, pinilit kitang bilhin dahil pakiramdam koý ikaw ay naiiba sa kanila. Nang binuksan nga kitaý pakiramdam kong hindi ako nagkamali sa pagkuha ko saýo. Lalo akong natuwa at natawa habang binabasa kita. Marami kang baong "jokes" na sobrang nagpatawa sakin noon. Tanda ko kung paano mo ako pinapasaya sa mga baon mong punchlines. Nagulat na lang ako na hindi pala saya ang hatid ng mga "punchlines"na meron ka. Ikaw palaý desperadong suntok sakin para magising ako sa isang problemang hindi ko nakikita. Problemang hindi dapat basta basta tinatawanan. 

Bakit Baliktad Magbasa ang mga Pilipino? Bakit nga ba? Sa paglipas ng panahon, pakiramdam koý wala pa ring nagbago sa mga bagay na nakasulat saýo. Andun pa rin ang problema nating mga Pilipino mula sa mga medyo kinulang sa iodized salt nating mga karatula (na minsan namaý nakakaaliw) hanggang sa kakulangan natin sa disiplina at pagkamakabayan. Nagbago man ang itsura, mapapakamot ka pa rin ng ulo at maiisip na bakit nga ba. Sa paglipas ng mga taon, lalo kong naunawaan na ang mga nakasulat sayoý hindi lamang isang kwento na gawa gawa. Silaý totoo at hanggang ngayo'y nabubuhay . 

 Andito pa rin ang ilang mga namumuno o nais mamuno ng bansa na walang ibang inisip kundi ang punuin ang bulsang tila yata walang katapusan. Ni hindi ko nga maisip kung saan ba nila balak gamitin ang perang yaon. Kapangyarihan? Kaginhawaan? Ewan pero sa tingin koý kung alam lang nila ang sapat ay para namang hindi na kailangan. Ang pagkakaalam koý ang pangunahing tungkulin nila ay paglingkuran ang tao at hindi ang kabaliktaran. Noong bata pa ako, pinangarap ko na ring maging Presidente ng Pilipinas ewan ko kung bakit ko naisip yun noon pero desidido ako noon. Kung tatanungin siguro ako kung ni katiting e sumasagi sa isip ko yun ngayon, ang sagot ay oo. Naniniwala akong lahat naman tayoý may dakilang hangarin na makagawa ng pagbabago hindi lamang para sa sarili at pamilya pati na rin sa ating bansa. Pero aminin natin, hindi lahat nabigyan o mabibigyan ng pagkakataong mamuno ng pagbabago. Maliit lang namang sigurong pabor para sa mga opisyal natin na nabigyan ng pagkakataon ang igalang, irespeto at wag abusuhin ang pagkakataong hinahangad ng ibang mas karapat dapat?

 Andito pa rin ang mabagal na usad ng kahit na ano na atang makita mo sa paligid. Parang hindi na yata nagbago. Kung nagbago man ay lalo atang sa pabagal. Masyado yata tayong nalango sa kasabihan na mas maayos kung dinadahan dahan ang mga bagay bagay. Mabagal ang galawan ng mga jeep mapasa Maynila man o sa mga probinsya. Mabagal din ang tren na sinasakyan ng karamihan. Maswerte pa nga kung ganun ganun lang at hindi mo kailangang tiisin ang siksikan at mga katabi mong mandurukot pala. Mahaba pa rin ang pila para sa mga serbisyo ng pamahalaan. Imbes na serbisyo e perwisyo pa nga ata ang inaabot ng karamihan. Pero kahit gaano kabagal ang sistema ay di naman mawawalan ng mga mahilig mag-overtake at sumingit. Hindi ba't nakakatawang isipin na nakatira ako sa isang bansang mabagal ang usad pero ang lahat namaý nag-uunahan pa rin?

Andito pa rin ang kendi wrapper na iniwan ng mga nagdaang henerasyon. Siguroý kung ang datiý kasinlaki lamang ng isang bayan, ngayon marahil ay maaari nang bumuo ng isang isla. (Angkinin kaya ng China yun pag nakita nila?) Ilang buwan akong tumira sa Maynila at kahit saan ata e uso ang plastic, papel at tae sa kalsada. Sabi mo sakin dati, kung may pagkakataong makalibre, bakit hindi ko patulan. Sa tingin ko e nadagdagan pa yun ng kung pwedeng magtapon at tumae sa kung saan, bakit hindi ko rin patulan? Oo nga naman, bakit ko nga naman ba pahihirapan ang sarili kong lumayo para lang sa balat ng kendi? O bakit ko rin naman nga lilimutin ang kendi wrapper na hindi naman ako ang nagkalat?

 Kung siguro, may bago sa panahon ko ngayon e yun na siguro ang mapanghusgang mundo ng social media. Andito na siguro lahat ng klase ng taong pwede mong makita sa tala ng buhay mo. Partida pa nga yun kasi hindi mo naman talaga sila makikita pero minsan habang binabasa mo ang mga diskurso nila e mapapatanong ka na lang sa sarili mo ng "bakit ba ako andito?" . Lahat may sariling opinyon at WALA KANG PAKIALAM KASI OPINYON NILA YUN. Konting mali mo lang ay huhusgahan ka nila na para bang kilala ka nila. At siyempre, WALA KANG PAKIALAM KASI OPINYON NILA YUN. Kung ako nga ang tatanungin, mas delikado pa nga sa mata ng bata ang virtual world kesa sa tunay na mundo e. Walang censorship. Walang bata o matanda. Walang magpapaalala sayo na maya-maya e mura na pala yung mababasa mo. Walang batas at wala lalong disiplina. Malaya ang lahat sabihin ang gusto nilang sabihin dahil WALA KANG PAKIALAM KASI OPINYON NILA YUN AT LALONG WALA AKONG PAKIALAM SA OPINYON MO. @#%$!!

Iilan pa rin ang mga may malasakit sa bayan. Ang ilan paý natatakot at nagkukubli dahil napapalibutan tayo ng mga taong ang iniisip ay ang kapakanan ng sarili at pamilya. Wala akong ibang masamang ibig sabihin pero sa tingin koý panahon na rin na malaman natin na ang buong bansa ay pamilya rin natin. Pamilya na hindi nilalamangan bagkus pinapakitahan ng kabutihang hindi inaabuso. Sabi mo ngaý hindi iisang beses nagkaisa ang mga Pilipino at nagturingan na parang pamilya. Naalala pa kaya nila noong mga panahong nagkakaisa ang lahat? Hindi ba't lahat ng pinagsamahan natin ay nagdulot ng magandang resulta? Hindi ba natin kaya na tanggalin sa isip natin ang pansariling interest at isabuhay araw araw ang diwang tayo magkakapamilya rin?

Ilang taon na ang lumipas pero pakiramdam koý kahit ako e andito pa rin sa kung saan kita unang binasa. Higit sa dapat pinagbago ng mga tao sa paligid ko ang dapat pinagbago ko. Matagal mo nang pinakita sakin lahat ng 'to ngunit bakit ngayon pa lang yata ako magsisimula? Hindi ko pwedeng sabihin na wala akong magagawa dahil isa 'to sa malaking kasinungalingan ng sangkatauhan. Maraming pagkukulang ang mga tao sa paligid ko pero higit na mas marami ang akin. Hindi ko masasabihan ang mga pulitiko na wag silang magnakaw o kaya ang mga tao sa paligid ko na magkaroon ng disiplina at malasakit sa kapwa lalo't higit sa sa bayan. Hindi ko mapipigilan at matuturuan ang ilang aso para huwag tumae sa kalsada. Hindi ko kontrol ang ibang tao pero ang sarili ko ay oo. Minsan gusto ko nang magmura at sabihin na ang tatanga nilang lahat pero palagi kong naiisip na lahat tayoy biktima ng sistema. Kung gusto ko rin lang ng pagbabago e sa sarili ko yun mauumpisahan. Hindi na kailangang hanapin sa iba ang pula at lunas. Simula't sapul ay nasa akin/atin ang problema lalo't higit ang solusyon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Baliktad pa rin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon