Sana di niya makalimutan

420 17 11
                                    

Sana hindi niya nakalimutan

Once in our life darating ang taong magpapakita ng kahalagahan natin sa mundong ito.

-------

Nakita ko si Vince na nasa basketball court, maraming babae ang nakapaligid sa kanya. Hindi man lang inalintana na nandito sa bleachers ang girl friend nung tao, sabagay yan talaga ang problema sa mga taong sikat lalo na't basketball player pa.

Umalis muna ako sa bleachers and pumunta sa park na parati kong tinatambayan pag nagkakaroon ako ng ewan ko ba, problema ba to?

Tumitingin ako sa mga batang naglalaro kasama ang magkasintahang masaya. Nagkaroon ba kami ng ganyang moment ni Vince? Wala. Puro na lang kain sa labas, basket, school ni pumunta nga sa mga pambatang lugar di namin nagawa eh.

Umalis muna ako sa kinauupuan ko tas nagpunta sa malapit na comfort room, tawag ng kalikasan.

Pagbalik ko nakita ko ang isang lalaki, may katangkaran, medyo singkit at parang masayang masaya sa panonood ng mga batang nasa harap niya.

Hindi ko maalis ang mata ko sa kanya, nakita ko siyang ngumiti and there's a part of me na natatawa kasi ang sarap niyang panoorin pero hindi dapat. I have my boyfriend, at inagaw niya ang upuan ko which was my fave spot.

"Kuya, akin po ang spot na to." Sabi ko sa kanya habang nakapameywang.

I saw his eyes widened, hindi ko alam kung ano problema ng taong to pero I saw him smiled.

"Eh umalis ka eh." Sagot niya tapos nanood na ulit sa mga bata.

"Eh akin nga kasi to. Ano ba! Alis!!!" Sigaw ko pero nakita ko pa rin siyang nakangiti, seryoso siyang wala siyang saltik sa utak?

Tumayo siya tapos umalis na nang walang paalam habang ako nagtaka sa kanya pero buti na lang kasi nasolo ko na tong spot na to.

Isang linggo nang nakakalipas at hindi ko alam bakit nagiging cold na si Vince sakin. Umpisa nung hindi ko binigay sa kaya ang hinihingi niya, 3 months pa lang kami at paumpisa pa lang ang relasyon pero parang wala.. Wala lang, nakakaasar kelan ba ako seseryosohin ng taong mahal ko?

Nasa restau kami ngayon at nakikita ko siyang ngumingiti habang hawak hawak ang phone niya which irritates me. Ayaw na ayaw kong may nagtetext sa harap ko kung magkasama kami, lalo't lalo nang boyfriend ko pa.

"Sino yan?" Irritable kong tanong.

"Just a friend. Pfffft. Hahahaha!" He said then he burst out laughing.

"Seriously? Ganito na lang ba parati? Seryoso ka ba talaga sa relasyon na to?" I said in a demanding tune.

"You know, pwede na tayong mag-split kung gusto mo. Hindi mo naman binigay sakin ang gusto ko. What's the use?" Cold na pagkakasagot niya.

Nabigla ako, I slapped him.

"Eh gago ka pala eh. You cradle snatcher. Buti na lang di ko binigay yun. You don't deserve me. You ahole!" Sigaw ko sa kanya kahit alam kong maraming tao na ang tumitingin sakin. Mas matanda kasi siya sakin ng ilang taon. Atleast they know na isang hamak na gago ang kaharap ko ngayon, after kong sabihin yun ay binuhos ko sa kanya ang juice na nasa harap ko. Hindi ko na kaya, ilang segundo na lang tutulo na ang luha ko.

"Nagsasawa na rin ako sayo. Break na tayo." Sigaw niya as I stormed out of the restau.

Umalis ako sa restau and then pumunta na naman sa park, I don't know bakit dito ako lagi nadadala ng mga paa ko. Napatingin ako sa mga bata, buti pa sila nagiging masaya sa simpleng bagay lang, sa simpleng laro lang samantalang ako iiyak na nga lang pinipigilan pa.

Sana di niya makalimutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon