I looked at my son sitting on the sofa alone with his toy car.
I wan't to say sorry to him for having undeserving dad.
"Sa lahat ng ginawa mo Alice.... Ano ba dun ang totoo?! Tell me! Do you even deserve to have my trust back again?!" gigil nyang sabi. Tinapunan ko sya ng malamig na tingin.
"I don't fucking care about your what so called trust, Felix." I said in gritted teeth. Lumakad ako palayo sa kinaroroonan ng anak ko. Hindi nya kailangang marinig ang usapan namin ng walang hiya nyang ama.
He blocked my way and grab my wrist. Mahigpit iyon pero hindi ko ipapakita sa kanya na nasasaktan ako katulad ng pagtatago ko ng lahat ng nararamdaman ko sa lumipas na anim na taon.
"Don't turn your back on me Alice. You don't want to see the other side of me , don't you?" I give him a smirk. Who do you think the fuck are you?
"What do you want?" tanong ko. Lumingon sya sa anak ko at tinitigan si Castiel.
"You told me before that Castiel is my son. So, that was another lie from you since may iba nang nag aalaga sa kanya? Am I his real father?" napasinghap ako sa sinabi nya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya naniniwala sa sinabi ko noon!
"Ang sabi ko, anong kailangan mo!"
"I wan't to know if Cast is my son! I wan't to know everything because since from the start you've been fooling me around! May iba kang lalaki! Are you sure that he is my son?!" galit nyang itinuro ang anak ko.
"You're right. He's not yours." walang emosyon kong sabi.
"Bullshit!" malutong nyang mura at sinabunutan ang sarili. Nilingon nya ang anak ko at pinakatitigan. Lahat ay namana ni Cast mula sa kanya. Castiel is like a younger version of him. Pero hindi pa rin sya naniniwala na sya ng ama. What a dickhead.
"Tell me, sino ang tatay nya? Si Richmond ba?!" gusto ko syang sampalin sa katangahang taglay nya. Bakit ba hindi sya nag iisip?! Nilagpasan ko sya. I don't have to explain everything about it. Noon pa man ay wala naman syang pakielam sa lahat ng paliwanag ko.
"Alice I'm still talking to you!" hinila nya ako at pinaharap sa kanya. Pagod na pagod na ako sa lahat ng nagaganap sa buhay ko! Ito na ba ang kabayaran ng pagtatago ko ng sikreto noon?
"Ang dami kong nababalitaan! Ang dami kong naririnig Alice! I don't know who to believe but this is making me crazy! You--"
"Paniwalaan mo ang mga naririnig mo. Isipin mo ang gusto mo pero wala nang magbabago Felix. Lahat ng nangyari saatin noon? Kalimutan mo na. Ilan taon na din naman ang nakakalipas. Nasaktan na ang dapat masaktan. Hindi mo pa ba papatahimikin ang buhay ko?" nag iba ang itsura nya matapos kong magsalita.
"Minahal kita! Ipinagpalit ko ang pagkakaibigan namin ni Isabella para sayo! Walang natira saakin! Umamin ako sayong may nabuo tayo pero anong ginawa mo? Ang sabi mo diba na isa akong malandi kaya alam mong iba ang ama ng dinadala ko." liningon ko ang anak ko.
"Nagalit na ang lahat saakin pero nandun ka ba? Ngayon na nagkita na naman tayo guguluhin mo na naman ako kasama ang anak ko! Pwede ba? Ang tagal na kitang tinanggal sa buhay ko hind---"
"Say that you don't love me anymore Alice! Say it! Isampal mo sa pagmumuka ko na hindi mo na ako mahal!" galit na galit nyang sabi na nagpatigil saakin.
"Sabihin mo lang saakin na ayaw mo na at wala ka nang nararamdaman para saakin at pangako ko sayo na titigil na ako. Ako na ang lalayo." tila umurong ang dila ko. Gusto ko syang sumbatan. Binabaligtad nya ang sitwasyon! Hindi lang naman sya ang nasasaktan at nahihirapan!
"I don't love you anymore Feli--" hinablot nya ako at niyakap.
"Tell me why are you crying! Explain what's the meaning of those damn tears Alice!" nagulat ako sa sinabi nya. Umiiyak ako. Umiiyak na ako.
"Damn it! Stop crying. Baka makita ni Cast pagbintangan pa ako!" pinunasan nya g nga luha kong patuloy na lumalabas sa mata ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi kasi sa ganito pang sitwasyon bumalik ang Felix ko.
Pinaghahalikan nya ang buong mukha ko pagkatapos ay pinadausdos ang kanyang kamay sa aking balikat hanggang iyon ay makarating ng kamay.
"Lets get married my lady." sabi nya ng nakatitig lamang sa mga mata ko. Sumikip ang dibdib ko at pumikit.
Humakbang ako palayo sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko.
"H-Hindi pwede Felix." kumunot ang noo nya na para bang hindi maintindihan ang sinabi ko.
"W-what? Wait.. I don't ge--"
"I'm already married Felix." nahulog ang panga nya sa sinabi ko tinitigan ko sya sa mata at bagsakan ang mga luhang hindi ko inaasahan mula sa kanya. Tinalikuran ko sya at tinungo ang anak kong walang kamalay malay. Nag sinungaling na naman ako. Pinahiran ko ang mga luha sa pisngi ko kahit hindi ko alam kung paano iyon papatigilin.
I promise..... This will going to be my last secret. Para hindi nya na kami guluhin. Alam kong balang araw magiging masaya din kami sa kanya kanya naming buhay. Huling sikreto na. Huli na talaga to.