JENNY POV
“jenjen ayun oh first year, pagtripan naten!”
Sabi ng bakla kong kaklase slash barkada na si Ricardo, na mas gusto nyang tawagin syang Rica (eww ha). Pero rick ang tawag namin sa kanya. Masaya at maloko kasama, hindi naman tulad ng ibang bakla na halos gumagamit na ng mga pangbabaeng gamit at damit, sya simple lang kung hindi mo kakausapin ay mapapagkamalan mo pang lalaki, kahit papano.
“wala ako sa mood, kayo nalang”, sabi ko
Nakaupo kami ngayon sa damuhan ng university’ng pinapasukan namin, mamaya pa kasi klase namin.
“aba tumanggi parang dati ikaw yung nangunguna ahh..” sabi ni Miho, half Chinese, mayaman, mahilig gumimik, maganda at syempre mabait.
“oo nga, ano bang nakain mo?” sabi naman ni Megan, isa ko ring kabarkada pero hindi namin sya kaklase, kaibigan nya kasi si Miho. Sikat sa campus si Megan, maganda kasi at laging kinukuhang muse, ganun din naman si Miho.
“may problema kasi ‘ko”, sabi ko.
Oo, may problema ako, trabaho. Tinanggal kasi ako sa pinag-paparttime ko.
“ano naman yun? Baka makatulong kami?”, nag-aalalang sabi ni Megan.
“natanggal kasi ako sa pinag-paparttime ko”
“hayyy, don’t tell me, sinagot mo nanaman yung boss mo?”, sabi ni Ricardo.
“hindi”, sagot ko
“eh ano?” - Miho.
“sinapak ko yung customer”, simple kong sagot.
“WHATTT?” sigaw nilang tatlo.
“arayy ah!! Relax!! ansakit sa tenga ah!”
“siraulo ka!” sabi ni Ricardo, sabay batok.
“aray ko naman! Nakakaasar kasi ang yabang, pahiyain ba ako!”
“kahit na girl, kasama yun sa trabaho noh”, -Megan.
“ano balak mo ngayon?”, - Miho.
“as usual, maghanap! Hayyy buhayyy..”
Ako nga pala si Jenny Villaberde, 18 y/o, patay na mga magulang ko, at ang tangi ko nalang tinuturing na kamag-anak ay ang tito Mike ko na side ng aking ama, mabait si tito Mike sya ang tumutulong sakin lagi, kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Nagtatrabaho sya sa PS University, bilang Dean’s Teacher, at dahilan kaya nakapasok ako dito ay dahil sa tulong nya.
Full scholar ako dito basta wala akong bagsak, hindi mawawala ang scholarship ko.
Nag rerent lang ako ng bahay, at para masuportahan ko ang pag-aaral ko ay nagtatrabaho din ako, gusto ni tito na bumalik ako sa bahay nila, para hindi na ako mahirapan, pero ayoko naman na buong buhay ko ay umaasa ako sa tulong nya, kaya kailangan ko ring masanay mamuhay mag-isa. May pamilya na si tito Mike at may dalawang anak, ang isa ay mas matanda sakin ng dalawang taon, at ang isa ay 14 y/o. at ang tanging nakakaalam lang na tito ko ang dean, ay ang tatlo kong kaibigan.
Simple lang ako, mahaba ang buhok ko, na laging nakatali, may pagka boyish kumilos pero babae sa puso’t isipan, suki ako ni maong at tshirt, pati narin ni bagpack na binili ko lang sa tiangge.
I’am now 2nd yr College, and taking HRM course. Bago lang ako sa University’ng ito, silang tatlo kasi ay dito na nag-aral simula pre-school, magkakaibigan na sila bago pa ako pumasok dito, si Miho at Ricardo lang ang kaklase ko, Tourism kasi ang course ni Megan.
Sinabi ko sa sarili ko bago ako pumasok dito, ay hindi ako makikipagkaibigan, at magbabago na ako, may mga tinalikuran na ako dati, pero nang nakilala ko sila ay hindi natupad yun.
Masaya narin naman akong nakilala ko sila, mahilig kaming mantrip ni rick lalo na kapag nabobored kami, minsan ay pinagsasabihan kami ni megan na tumigil, pero kami ni bakla ay tuloy pa rin. Si miho naman ay taga tawa lang.
---
2nd week na ng pasukan, at wala ako sa mood dahil natanggal nanaman ako sa pinagtatrabahuhan ko, sa totoo lang pangatlo ko ng trabaho to.
After class ay umuwi na ako para maghanap ng trabaho sa mga fast food. Sana may tumawag na agad sakin T___T hindi na talaga ako mananapak. PROMISE T____T.
10PM na ako nakauwi at dumaan muna ako sa tindahan ni Aling Tina, para bumili ng makakain.
“Toto, pwede bang umuwi na kayo, at ako’y mag sasara na ?!”, narinig kong sabi ni Aling Tina.
“Mamaya na Tina, masyado kang mainipin eh!” sabay tawa ng lasenggerong si Toto.
Wala naming nagawa si Aling Tina, kundi hintayin umalis ang mga lasenggerong nag-iinuman sa tapat ng tindahan nya. Masyado kasing mabait kaya inaabuso na rin sya ng ilan.
“Aling Tina pabili nga pong meat loaf”
“oh ikaw pala yan ineng, gabi na ah?”
“naghanap po kasi ako ng trabaho” tumingin ako sa lasenggerong si Toto, “Aling tina hindi pa po ba kayo magsasara? Gabi na ah?”
Tila narinig ako ni Toto kaya’t napatingin ito sakin, sinadya ko talagang lakasan, dahil alas dyes na ng gabi at nakakaistorbo na ang mga lasenggerong ito.
“hihintayin ko pa matapos, mag-inuman yang mga yan!” sabay abot sakin ng binili ko.
“eh, HINDI PO BA’T NAKAKAISTORBO NA SILA?” nilakasan ko na lalo, para siguradong rinig na rinig ng mga laseng.
Ngumiti nalang sakin si Aling Tina.
Nagulat naman ako ng magsalita si Toto.
“kami ba’y pinaparinggan mo ineng?”
“tinatamaan po ba kayo?”, paalis na sana ako, ng hawakan ni Toto, ang braso ko.
“uyy nene gusto mo sumali samin?”
“gusto mo sumabog muka mo?” sabi ko sabay higit ko sa braso ko.
“aba palaban” sabi ng kanyang kainuman.
“toto, bitawan mo sya!” sabi naman ni Aling Tina na nag-aalala na.
Hindi parin ako binitiwan ni Toto.
“isa..” - ako
“dalawa..” -ako
“bata ka pa, marami ka pang kakaining bigas nene” Sabi ni toto na tumatawa pa.
Bata pala ha ..
“tatlo..”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya’t sinapak ko sya.. sa kanyang kinaiingatan, dahilan para siyay mapahiga.
“Jenny, tama na.” nag aalalang tawag ni Aling Tina.
Nakita kong ibabato sana sakin ng kainuman nya ang bote, kaya’t sinipa ko ito. Napaupo naman ito sa sahig. Ang kasamahan naman nya ay nakahiga parin habang hawak ang –yun. Haha.
“Aling Tina, magsara na po kayo”, sabi ko at umalis na.
Pumunta na ako sa apartment ko na halos tapat lang ng tindahan ni Aling Tina.
Kakasabi ko lang na hindi na ako mananapak eh! NAMAN! >.<
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime
RomanceAlways say what you mean and mean what you say, express how you feel and don't ever apologize for being real. Iyan lagi ang iniisip kong qoutes kapag may ginawa akong sa huli ko na marerealize na mali. Lagi nalang nasa huli ang panghihinayang. Maiis...