"WALANG IWANAN,"
mga katagang kadalasang binibigkas ng mga magkakaibigan. Isang sumpaan na maaaring tumatak sa isipan ng bawat isa.
Sina Jonat at Jolas ay matalik na magkaibigan mula pa noong kabataan nila. Nakatira sila sa isang bayan ng Iloilo ang bayan ng Pototan, isang bayan na itinuring nilang saksi sa lahat ng kanilang pinagdaanan.
Si Jonat ay nakakatanda lamang ng isang buwan kay Jolas. Maputi at makinis ang balat nito na bumagay sa makisig nitong pangangatawan dahilan para maging habulin ng mga babae.
Si Jolas naman ay kabaligtaran ni Jonat. Kayumanggi ang kulay nito na halatang sanay sa ilalim ng araw. May kapayatan si Jolas ganun paman ay hindi pa rin maitatago ang kagwapuhan nito. Matangos ang ilong at maganda ang pungay ng mata.
"Pare, pataba ka naman!" patawang sabi ni Jonat sa kaibigan sabay akbay dito.
"Kahit payatot ako mas pogi pa rin ako sayo," patawang sagot ni Jonas. Natahimik lamang si Jonat sa sinabi ng kaibigan. Alam niya na nagsasabi ng totoo ang kaibigan.
Napatigil sila sa kanilang paglalakad nang makasalubong nila ang isang maganda at nakakaakit na babae. Nakapalda ito na bulaklakin at paminsan-minsan ay nililipad ng hangin. Ang damit nito ay hapit sa kanyang katawan dahilan para lumutang ang lusog ng dibdib. Ang buhok naman ay sadyang nililipad ng hangin.
"Wow! ‘tol tingnan mo ang ganda," pananabik na sabi ni Jonat sa kaibigan. Sa tagal nang pagsasama nila alam ni Jolas na sadyang babaero ang kaibigan.
"Pare, nakakita ka na naman ng lolokohin mo," pabirong sabi ni Jolas sa kaibigan.
Ang totoo ay nakaramdam nang kakaiba sa dibdib si Jolas. Humanga siya sa ganda ng babae lalo pa't dumaan ito sa kanilang harapan.
"Uy, mukhang natameme ka diyan? Siguro in love na ‘tong kaibigan ko?" Panunukso ni Jonat sa kaibigan. Ang totoo alam ni Jonat na pihikan sa babae ang kaibigan. Nakailang nobya na siya samantalang ang kaibigan ay wala pa.
Pinagmasdan ni Jolas ang babae habang nakaupo ito sa mesa. Lihim na sinusulyapan at ito ay agad namang napansin ng kaibigan.
"Wow! Pare may tama ka? Sa wakas tumibok na ‘yang puso mo." Malakas na bulas ni Jonat.
Hinila ni Jonat ang kaibigan pabalik ng kainan. Doon sila pumuwesto malapit sa kinauupuan ng babae at agad na nagpakilala si Jonat sa dalaga at isang matamis na ngiti ang iginanti nito.
"Ako si Marian, alam mo napansin ko panay ang tingin mo sa akin kanina? May problema ba?"
"Wala naman, Ako pala si Jonat at ito ang kaibigan ko si Jolas." Masayang pagpapakilala ni Jonat sa babae.
Kinamayan ni Jolas ang babae pero ang mga mata nito ay nakatingin kay Jonat. Napansin ito ni Jolas at hindi na lamang ito kumibo. Sanay na siya na hindi napapansin. Sanay na siya na ang mga babaeng natitipuhan niya ay nagkakagusto kay Jonat.
Masayang nagkwentuhan sina Jonat at Marian samantalang lihim na nakikinig si Jolas sa paguusap ng dalawa. Lihim na nasasaktan. Lihim na nagpaparaya.
"Pare, okay ka lang ba diyan?" tanong ni Jonat sa tahimik na si Jolas. Napansin kasi nito ang katahimikan ng kaibigan.
Masayang nagpaalam si Marian sa dalawang binata. Mababakas sa mukha ni Jonat ang lubos na kaligayahan.
"Pare, parang mahal ko na siya?" seryosong sabi ni Jonat.
Walang kibo si Jolas habang naglalakad na silang pauwi. Gusto niyang sapakin ang kaibigan pero hindi niya magawa.
Lumipas ang mga araw ay nagtagumpay si Jonat na makuha ang matamis na Oo mula kay Marian. Lubos ang kaligayahan nito samantalang ang kaibigang si Jolas ay nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Pare - A Best Friend Story
Teen FictionSana Magustuhan Nyo Follow Nyo Po Ako Watty : Kuya_PhauL04