Okay lang naman siguro kung isang beses sa buhay mo maging tanga ka sa taong mahal mo.
Akala ko kasi hindi ko mararanasan yung ganyan. Yung mag paka tanga PARA SAYO. Malay ko bang hindi maiiwasan yung ganyan. Tiwalang tiwala kasi ako sa feelings ko. Na sa sobrang tiwala ko, nakalimutan kong mag tira para sa sarili ko.
Nakakainis na nga e. Kahit ano kasing gawin ko lahat yon nilaan ko PARA SAYO. Pero hindi mo man lang naappreciate ni isa sa mga dun. Hindi kita masumbatan, kasi paano nga ba? Hindi mo naman alam na PARA SAYO lahat yun.
Nawalan ako ng kaibigan kasi mas pinili kita kesa sa kanila. Ang hard di ba? Ganon kita ka mahal. Sana ganon ka rin. Pero paano nga ba? Eh hindi naman tayo.
Kasi Sobra akong nagexpect sa magiging relationship na hindi naman talaga mangyayari. Alam mo bang planado na ang mga magiging date natin? Alam mo bang planado na kung saan tayo mag aaniversarry? Kaso paano mangyayari yun? Eh taken ka na.
Taken ka na.. At masaya pa.
Ang swerte nya kasi ikaw ang boyfriend nya.
Maswerte sya kasi nakuha ka nya.
Maswerte siya kasi mahal mo siya.
Pero ako? Eto maghihintay na lang sayo. Aasang magiging tayo. Kahit masakit kakayanin ko. Alam ko namang PARA SAYO.
Nakakatawa nga tong love story ko. Nagpapakatanga ako sayo habang ikaw nagpapakatanga sa kanya. Kapag narealize mo na hindi naman talaga kayo. Wag kang mahihiyang lumapit sakin. Kasi kahit rebound lang ako buong puso kong tatanggapin yun. Maging parte lang ng buhay mo.
Ganon kita ka Mahal Matt..
Kahit alam kong papatayin ako sa sakit ng pagmamahal ko sayo.. Kakayanin ko. Kasi alam kong PARA SAYO yung gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Para Sayo -One Shot-
Short StoryKasi kahit masaktan ako gagawin ko ang lahat PARA SAYO.