Intro

2 0 0
                                    


"Oooohhh ayaanaahh..Lalabas na!ano ba bilisan mo naman diyan!lalabas na eh!"

"Hintay naman!masyado kang atat,wag ka ngang maingay diyan!aist!"

"Ano ba!lalabas na nga eh!ang tagal mo naman malabasan diyan!kainis!"

"Malapitt naahhh..Hoooh...Yesss!ang sarap sa pakiramdam!"

"anobaahhhhhh!!!!naiihi na akoooohh!!!"

(CR Scene)

"Bwesit na lalaking 'yon!kainis talaga siya buti na lang talaga't napigilan ko pa!kainis siya!grabeehh.Nanggigil talaga ako sa kanya!kainis!"

Kung bakit ba naman kasi iisa lang ang cr sa palengke na 'to eh.Ayan tuloy muntikan na akong maihi sa pantalon ko.

"Hoy!bilisan mo diyan maglalabas ako ng dumi!"ito na naman po ang mamang bweset!na aano ba siya?ba't ba pabalik-balik siya sa cr?Siguro sumama ang tiyan ng taong 'to!ang baho pa naman ng dumi niya grabeh.

Mabilis na akong naghugas ng kamay pagkatapos kong maiflash ang ihi kong mukhang hinipa atah sa sobrang dilaw.
Kailangan ko na talagang uminom ng maraming tubig.

Matapos kong mag-cr bumalik na agad ako sa pwesto ko kanina kung saan naghihintay sa akin ang aking nakakabatang kapatid na lalake.

"O?may benta ka?"tanong ko kay reyland.

"Opo ate,ito po oh."ibinigay nito sa akin ang limang tigbibiyente.

"Ay,ano ba 'tong perang 'to mukha atang ipinagtanggal na ito ng dumi sa puwet."sabi ko habang inaayos ito.
Buti na lang at mukhang isang kilo nalang ang natira sa mga isda ko na dalawang banyera pa kaninang madaling araw.

"O,ibalot mo na yang natira.Uulamin natin yan mamaya.Magbabayad lang ako kay mang karding.Hintayin mo ako."bilin ko dito bago umalis.

Nasa harap na labasan lang ng palengke ang pwesto ni mang karding kaya lang sa likod na labasan ang daanan namin pauwi.Kaya ihahatid ko na lang ito sa kanila at sila na rin ang bahalang magpadala ng tao para kukuha sa mga walang laman na banyera.Ang bibigat kasi ng mga 'yon.

Baka masira pa ang matris ko pag nagkataon.

"Roxi!nandiyan ka na pala!ano?ubos na?grabeh talaga ang bilis mong makabenta!pambihira maganda ka kasi."salubong sa akin ni mena.Ang isa sa mga tauhan ni mang karding sa palengke.

"Aysus,ayan ka na naman mena.Ipinagdadahilan mo na naman ang ganda ko,wala namang koneksyon sa ibinibenta ko.Si mang karding nandiyan?"loka-loka talaga 'tong babaeng 'to palaging ganyan ang isasalubong niya sa akin sa tuwing maghahatid ako ng bayad dito.

"Oo,nasa loob siya.At tsaka,alam mo bang -hoy!roxi!may kausap --hay grabeh siya di na nakinig."pasigaw na lang na sabi ni mena habang napapakamot sa ulo.

Di ko na pinakinggan si mena,ayokong matagalan.Pagabi na rin,pinakaayaw ko pa naman sa lahat ang maglalakad ng gabi kasama ang kapatid ko.Okay lang siguro kung ako lang mag-isa pero kung kasama ko ang kapatid ko baka mapano pa,siguradong momultuhin ako ng mga magulang namin kung nagkataong may masamang mangyayari sa kanya.

"Mang karding,magbabayad na po ako...---"Oh my goodness ang gwapo ng taong 'to.Kakahiya naman..."Uhmn..Ano...Mang k-karding kay mena ko n-na lang ..Ibibigay 'to."Ay!noba'to ba't nauutal ako?grr..Inhale.Exhale.Relax lang puso kong taksil.

"Uy roxanne ikaw pala,siya,siya ang sinasabi ko sayong malakas makabenta dito sa palengke.Maliban sa maganda na,ang lakas pang makasalestalk.Kaya nga,pinapaangkat ko lang sa kanya muna ang mga kukunin niya dahil alam kong kinahapunan mauubos lahat ang dalawang banyera."nakangiting sabi ni mang karding napayuko na lang ako.Kakahiya naman,ang dungis-dungis ko pa naman ngayon tingnan.

Pinagpag ko pa ang medyo basa kung pantalon na may dumikit pa na mga maliliit na silik.

"Ganun po ba?siguro magaling din itong mag-alaga ng mga isda?ano sa palagay niyo manong?"Napaangat ang ulo ko sa sinabi nito.Maliban sa maganda ang boses nito na parang musika sa pandinig ko,nagtataka ako sa ibig niyang sabihin.

Nakita ko rin si mang karding na napatingin sa mukha nitong bahagyang nakangiti.Ang ganda ng mga mata niya,para siyang artista sa korea.Ang gwapo-gwapo talaga niya.

"Ang ibig niyong sabihin senyorito,siya ang kukunin niyong mamahala sa fisheries ninyo?"takang tanong ni mang karding dito.

"Bakit hindi?"nakangiti pa ring tanong nito habang walang patid ang pagtitig sa akin.Naiilang na ako.Palagay ko nga,namumula na ako sa sobrang hiya.

Nakita kong napakamot sa ulo si mang karding at tsaka napailing.

"Akala ko kasi siya ang hahalili sa akin dito sa palengke.Di niyo naman sinabi na..Ano..-"

"Di ba nga naghahanap pa po ako?at ang sabi ko kung sakaling di ako makakahanap ikaw na lang ang kukunin ko.Pero ngayong nakahanap na ako,mas makakabuting dito ka nalang mang karding di ka pa malalayo sayong pamilya.Dadalhin ko siya sa aking farm."

Teka?anong dadalhin?anong farm?may sinabi na ba akong pumapayag ako?sabihin niyo nga?nagtanong naba siya sa akin ha?ang tindi ng sapok sa ulo ng taong 'to.Di pa nga ako pumapayag dadalhin na niya ako.Gago ba siya?

"Ate!ang tagal mo naman."napalingon ako sa bagong dating na kapatid.Nagkakamot ito ng ulo habang nakatingin sa aming tatlo.Pero mas tumagal ito sa mukha ng gwapong lalakeng panauhin.

Naku!malelentikan 'tong batang 'to sa akin kung magbabakla siya!

"Psst!Anong tinitingin-tingin mo diyan ha?"sita ko sa kanya.Baka matuluyan naku!magugulpi ko talaga siya hanggang tumuwid.Pinandilatan ko siya ng mga mata ngunit di man lang ako tiningnan.

At ang mokong lumapit pa sa gwapong lalake.Naku!talaga 'tong batang 'to isang-isa na lang 'to sa akin!talagang masasapok ko na siya!

"Kuya Raven?"Raven??

Raven dave cha dela costa????????

Whaattttt theeee------????????Nilingon ko siya and my eyes got wide open.

Paanong nangyari?????!!

***-***Patikim lang 'to haha..Short story lang 'to kaya pagtiyagaan niyo na lang..Mwuahh*********

My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon