(Mukha ni raven na nakangisi*tuwang-tuwa siguro kay roxanne*)"Sigurado ka ba talagang di ka nagpaplastic surgery?"kunot-noong tanong ko ulit sa kanya.Masisiraan na ako ng bait nito eh.Kahit anong gawin kong titig sa kanya ang laki talaga ng ipinagbago niya.Ang dating malamelon na mukha niya,lumiit ng sobra at ang mga malalaking abs niya na dati puro taba naman,ngayon naging six packs abs na!anyare ba sa mundo?Ilang ulit ko na nga ba siyang natanong?
Sumimangot ito.
"Loka-loka ka talaga,matagal na naman akong gwapo ah.Di mo lang kasi nakikita noon kaya ganyan ka makareact ngayon.At tsaka,pang-isang daang beses mo nang naitanong yan ah."Napangiti ako sa tinuran nito,gwapo naman talaga ito noon paman kaya lang natatabunan ito ng sangkaterbang taba.
Naalala ko pa nga noon bago pa kami naging magkaibigan,dumaan pa ito sa pang-iinsulto ko sa kanya.
Mapang-asar ako noon at tsaka likas na boyish kaya 'yon napaiyak ko siya.Ang problema nga lang di ko naman alam na lola niya pala yung principal ng school namin kaya muntikan na akong ma-expel.Buti na lang at naawa pa ang mokong sa akin at ito na mismo ang nagsabi sa lola niya na okay lang basta wag ko na lang daw uulitin.
"Paano naman kasi,natatabunan ng taba mo.Naalala mo pa noong 3rd year high school pa tayo?"napapangiting tanong ko sa kanya.
Nasa sala pala kami ngayon ng bahay niya.Oo,bahay niya dito sa farm.Isang linggo na kami rito.Magmula ng araw -ah gabi na pala 'yon nung nagkita kami doon sa pwesto ni mang karding?Oo doon,pinaimpake na niya agad kami.Buti na lang din dahil katapusan na ng buwan yun,binawi ko na lang ang ibinayad kong advance payment sa boarding house na tinitirhan namin ng kapatid ko.
"Ang alin do'n?yung sinabihan mo akong baboy na dinamitan ng magarang damit?Alam mo bang dati,lagi ko yun naiisip hanggang sa naisipan kong magdiet at mag-exercise.Di naman ako nahirapan dahil wala namang kanin sa america."nakangisi siyang humiga sa sofa at ipinatong ang ulo sa mga hita ko.
Aba!aba!ang sarap ng feeling nito ah!parang nakaunan lang ng totoong unan.
"Uy!ginawa mo nang unan ang mga hita ko.Ang bigat pa naman ng ulo mo!"reklamo ko at tsaka pilit inaalis ang ulo niya kaya lang mas lalo pa atang pinabibigat nito.
"Inaantok ako..Pwede bang ako naman umunan sayo?dati naman ako yung ginagawa mong unan."nakapikit na sabi niya sa akin.Napatigil na lang ako sa pagtulak sa ulo niya.
Tama noon,lagi ko siyang ginagawang unan.Maituturing na siya ang bestfriend ko pero parang hindi rin dahil ako lang naman ang laging nagsasabi ng mga sekreto dito,ito?lage lang nakikinig sa akin.
Siya din ang tagaturo ko sa mga assignment's namin.Nangongopya din ako sa kanya sa mga exam's.Siya?matalino,ang sipag mag-aral.Sa katunayan lagi nga siyang nangunguna sa aming klase.Mayaman din sila.
Kaya nga lang ,ang taba-taba niya.Kaya di niyo na ako masisisi kung di ko talaga siya nakilala agad.
Ako ang tagapagtanggol niya noon.At ako ang kauna-unahang babaeng naitukso sa kanya ng kanyang mga magulang.
Close ako sa pamilya nila,kahit medyo masungit sa akin ang lola niyang principal.Mababait sila,dalawa lang silang magkapatid at siya ang bunso kaya binibaby.Ako ang naging sidekick niya noon sa mga nambubully sa kanya.
Dahil medyo siga ako sa school namin noon,magmula ng ipinakilala ko siyang kaibigan sa mga estudiyante wala ng nambubully sa kanya pag kasama niya ako pero pag wala naman,ginagawa siyang katatawanan at dahil do'n mapapaaway na naman ako.
Pinagmasdan ko ang mukha niya,masyado na itong maliit ngayon at ang mga labi niya ganun pa rin mamula-mula.Ang ilong niya ang tangos pa rin at ang mga mata niya kahit nakapikit---
BINABASA MO ANG
My Everything
عشوائيBasically the original title of this story is "The Story Of Us" but because it will looks like a copy right so i changed it into "My Everything".Since miss everything is famous now on facebook😁but this story tells the story of two people who unexpe...