STRANGER 9

177 9 5
                                    

TAENG's POV

Nabalitaan ko ang pagalis ni Sooyeon, dahil sa kinuwentuhan ako ni Hyoyeon. At doon ko lang din nalaman na may gusto pala siya kay Sooyeon. Kaya ayun, nasasaktan siya ngayon.

Pero hindi ko alam baket parang naguilt ako na hindi siya sinundo, kung alam ko lang na huli na pala yun. Edi sana nakasama ko pa siya kasi last na.

Pero ulit... Ayos na yun, tutal makakalayo na siya kay Yul. Hindi na siya magugulo dahil makakalayo na siya, lalaki na ang mundo nila. Hindi tulad dito maliit.

Sundan ko kaya---- Ay ano ba Taeng, pag sinundan mo paano na si Jieun.

Bopols talaga!

"Oppa!!!"

"Ano!?"

"Para kang tanga dyan, inaaway mo sarili mo! Ang creepy!!"

Tapos umalis na siya, yung shortie na yun talaga. May time na mabait may time na alaskador may time na ewan!

Makatayo na nga dito sa higaan ko, puntahan ko nalang siya makapagpaalam man lang ako. Kahit paano naging parte na ako ng buhay niya dahil sa paninira ko.

For sure, di niya ako makakalimutan! Haha.

Nagsuot lang akong v neck shirt at nagshort tska tsinelas. Sa kabilang kanto lang naman sila, kaya magmotor nalang muna ako.

"Hyoyeon! Sunny! Alis muna ako."

Paalam ko sa kanila, hindi ko na hintay sagot nila at pinabukas agad yung gate kay Manong. Sumakay narin ako ng motor at pinaandar agad iyon.

At dahil isang liko lang, andito na agad ako kali Ms.Taray.

Dingdong....

May lumabas na babae siguro kasambahay nila. Pero wow ha, ang ayos ng damit. I mean yung uniform nila.

"Sino po sila?"

"Kim Taeng po, kaibigan po ako ni Sooyeon. Anjan po ba siya?"

"Ah sige po, tawagin ko lang ho."

Tumango ako at umalis na siya, kaya sumandal muna ako sa motor ko at yumuko. Nilalaro ko yung maliit na bato na nakita ko, syempre ano gagawin ko dito.

Kausapin magisa sarili ko, hindi naman ako baliw para gawin yun no.

"Hoy Stranger..." Napaangat ako ng ulo, pero hanep ha. Hindi siya sumigaw.

"A-ah Hi! A-ano... Nalaman ko kasi Aalis ka na daw.." Sabi ko habang kinakamot batok ko, nahihiya ako na ewan.

Nakashort lang din siya at white v neck shirt. Couple lang dating namin.

"So.. Bakit ka nandito?"

"Aalis ka nalang, ang cold mo pa sa akin. Magbihis ka hintayin kita dito may pupuntahan tayo."

"Bakit ako sasama sayo?"

Ako talaga, hindi ako kumuha ng lakas ng loob para mabaliwala lang yung pagaya ko sa kanya. Tch.

Sumakay ako ng motor at pinaandar yun.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya bago ako makaandar.

"Aalis, di ka naman sasama e."

Akmang aalis na sana talaga ako, bigla nanaman siyang nagsalita.

"Hintayin mo ko, sasama ako."

JESSICA's POV

Hindi nako nagtaka kung paano niya nalaman na aalis ako, kapatid niya si Sunny and Hyoyeon e. Kaya malalaman at malalaman niya na aalis ako.

At eto, di ko akalain na aayain niya ako lumabas. Ano na kaya sumapi kay Mr.Stranger? Ilang araw niya ako hindi kinontak at nagkusang sumunod o maghatid. Tapos bigla siya sumulpot.

Siguro kundi pa ako aalis di magpaparamdam e.

"Tara. Pero teka, dyan moko pasasakayin?" Tanong ko sa kanya, nakamotor lang kasi siya e.

"Oo, baket?"

"A-ah ano kasi... Wala, tara."

Medyo kinakabahan akong sumakay sa motor niya at ang awkward. Di ko alam kung saan ako hahawak sa kanya or saan ako hahawak sa motor niya.

"Kumapit ka, dito." Kinuha niya yung kamay ko at kinapit sa bewang niya.

Nararamdaman ko na ngayon yung abs niya, hindi ko akalain na may abs pala siya. Kasi kung pagtatabihin sila ni Yul, wala siyang panama.

Ewan ko bat di ako natatakot sumama sa stranger na ito, at kung paano niya akong napapasama sa kanya.

Huminto siya sa isang ice cream parlor, pero mukhang nagtitinda din ng Shake. Don't tell me... Oh My!

"One Strawberry MilkShake and One Vanilla Ice cream." Order niya sa babae na titig sa kanya.

Ay ang landi lang 'te? Ngayon lang nakakita ng gwapo--- I mean ng lalake...

"Here." Inabot niya sa akin yung Strawberry nafavorite ko. Napapangiti talaga ako pag iinom ako nito.

"Always Smile, bagay sayo." Then naglakad na siya palabas ng shop.

Dahil sa masungit ako, di ibig sabihin nun hindi na ako marunong ngumiti no. Naiisip ko palang ngayon, wala na palang Ice Princess sa SM Univerity. Dahil aalis nako.

Ng maubos niya yung ice cream niya, sumakay na ulit siya ng motor. Nakatingin lang siya sa akin at ngumiti.

Dugdugdug.

Grabe naman tibok ng puso! May sakit naba ako sa puso para tumibok ng ganito yung puso ko? Need ko na ba magpacheck up?

"Huy tara na" aya niya sa akin.

"May pupuntahan pa tayo?" Tumango siya sa akin, kaya sumakay na ulit ako.

Parang alam ko na kung saan kami pupunta, baka sa secret place niya na ako at siya lang nakakaalam. Gusto rin naman pumunta doon dahil nakakarelax, feeling ko pag nandoon ako walang problema.

Everything is perfect, yung view, yung ambiance. Lahat... Lalo na siguro kung--

"Baba."

Hinila niya ako patakbo pataas para makapunta na kami agad sa tutok. Hindi ba alam ng lalaking ito na hindi ako mahilig tumakbo?! Ayoko ng napapagod ako.

Pero lahat ng yon nawala ng makita ko nanaman yung magandang scenario, pero this time palubog na yung araw kaya mas magandang panuorin.

Napaupo ako dahil sa pagod, at gusto ko rin ng komportable panuorin ang sunset na nakikita ko ngayon..

"Sorry kung tumakbo tayo, gusto ko lang ipakita sayo yung magandang sunset mula dito bago ka tuluyang umalis.."

Hindi ko alam pero parang may iba sa boses niya. Para siyang malungkot na hindi na ewan. Pero basta ang alam ko lang, ang ganda ng nakikita ko ngayon..

"Magiingat ka doon, Sooyeon."

----

Hi! Sana dumami na ang bumasa nito at magcomment kayo if nagustuhan niyo yung update. :)

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon