Chapter 1 - Meeting you

19 1 1
                                    


Tumakbo ako pababa ng stage matapos kong makita na karamihan ng mga fourth years ay nagsisigawan matapos kaming i-announce na winner ni Nina.

"Boo!" Sigaw nila. Ewan ko ba kung ba't kinamumuhian ako ng grupo na 'yon. Sa tingin ko kasi boyfriend ko si Greg, ang basketball MVP ng school. Oo, alam ko hindi naman ako ang pinakamaganda sa school pero hindi rin naman ako pangit!

"Lara, wait lang!" Narinig kongtawagsaakinni Nina. May hawak siyang envelope, yung prize naminnahindikonanaabot. Kakatapos pa langng flag ceremony nungi-announce angpagkapanalonaminsa painting competition. Umiiyak akong dumiretso sa CR. Naramdaman ko namang inakbayan ako ni Nina, sinamahan ako sa loob.

"Ano ka ba? Huwag mo na ngang pansinin yung mga kaibigan ni Greg na yun. Bitter lang yung mga yun kasi lahat sila may gusto sa kanya, pero ikaw pa rin nagustuhan niya." Sarkastikong tumawa si Nina pagkasabi nun.

"Alam ko naman kasing hindi ako talaga magaling mag painting, naisama lang ako sa pagkapanalo mo. Alam nila yun." Sagot ko naman habang sumisinga sa panyo ko.

"Eh... di ko naman matatapos yung painting ng isang araw lang pag wala ka doon ah. Di ba?" Hinagod ni Nina ang likod ko. Siguro nga hindi niya yon matatapos kung wala ako, pero ang tingin saakin ng mga tao, walang talent na nakikisakay sa kasikatan ng ibang tao.

"Ano kaya kung i-break ko na si Greg para tantanan naako ng mga kaibigan niya?"

"Ngeh? Edi natuwa naman sila. Huwag kang gagawa ng ikatutuwa nila. Hayaan mo na lang silang mamatay sa inggit."

Hindi naakosumagot. First boyfriend kosi Greg. Ako din daw ang first girlfriend niya. Sa totoo lang, nagtataka ako kung ganito ba talaga magka boyfriend. Yung ang sweet niya sa text, pero halos di niya ko pansinin sa school. Nahihiya daw siya, sabi niya kasi nga first time magka girlfriend. Ang weird lang.

Hinilanaakoni Nina papuntasa classroom. Buti na langdikaminalate.

Pagkatapos ng first subject, nagtextsi Greg.

"Pagpasensyahan mo na yung mga kaibigan ko hah? Pinagsabihankonasila. Hatid kita mamayang hapon para di ka nila malapitan. Sorry talaga."

"Walayun." Tanging reply ko. Hindi na siya nagreply. Nakita ko siya nung recess pero di kami nag usap.

"Oh, dinaanan ka lang." Komento ni Nina. Daanankasiyung classroom namin papunta sa classroom nina Greg. At least ngumiti siya saakin pero hinila siya nung mga friends niyang babae.

"Sabi ko sa'yo eh. Dapatmakipag-break naakosakanya."

"Hmmn. Nasa sa'yo yan." Pati si Nina nag-iba na din tingin niya kay Greg. Bata pa nga kami ni Greg para pumasok sa ganitong relationship. Pero bakit yung iba kong kaklase hindi naman ganito? Hindi naako magpapahatid kay Greg mamayang hapon.

"Nina, mauna ka na umuwi. Hihintayin ko si Greg ditosa hallway."

"Osige. Ingat ka hah." Sinundan ko ng tingin si Nina habang palayo siya. Buti pa siya, walang inaalang mga haters. Mas marami pa nga siyang kaibigan kesa sakin, nagkataon lang na sinuwerte ako at ako ang tinuring niyang bestfriend.

"Oh, andito ka na pala." Napalingon ako sa nagsabi nun. Si Greg.

Ah, wala pa! Lokong sagot ng utak ko. Pero di ko yun sinabi. Naiinis ako sa kanya ngayon. Di ko alam kung bakit.

Buti na lang may game sila ngayon kaya walang masyadong tao sa hallway. Nasa gym silang lahat.

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi mo naako kelangang ihatid, Greg." Sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parallel Love[TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon