Hanggang Kailan?

46 6 9
                                    


Tanggap ko na.Oo tama nakamove on na ko 2 years na kaya simula nung iwan mo ko diba?Alam kong masaya kana sa kanya pero.Sige na nga hindi pa ako nakamove on,sino ba namang tao ang makakalimot sa mga ngiti mong kulang nalang lumampas na sa langit?Sa mga tawa mong nagiging dahilan rin ng pagtawa ko.Sa mga biro mong hindi ko alam kung san nanggaling?Ung pagiging mabait mo,na sinabayan pa ng kakulitan mong nakapagpaibig sa akin?Tama nga sila,ang taong nakapagpasaya sayo ay siya ring taong makakasakit sayo.

Minahal kita at hindi ako nagkamali roon dahil sinuklian mo rin ako higit pa sa inaasahan ko.Masaya naman tayo eh,diba?Marami kang ipinangako,na kesyo magiging mag-asawa tayo sa pagdating ng panahon,magkakaroon ng masayang pamilya at kung ano-ano pa.Marami.Marami kang pangako na napako lang din dahil iniwan mo ako.

Araw-araw kong ipinagdarasal na sana nananaginip lang ako ng panahong yon,na sana walang ganong petsa sa kalendaryo,na sana hindi ako naging tanga.Puro sana.Hanggang sana nalang ako.Sana nandito ka pa sa tabi ko pero.....Hindi eh wala kana.

Maniwala ka sanang hindi ko sinasadya,mahal kita simula't sapul pero hindi kita napahalagahan dahil sa propesyon ko na mahal ko rin.Hindi ko kasi alam na aabot tayo sa ganito,ung mawawalay ka sa akin ng panghabang buhay.

Bakit ba kasi pinatayan kita ng cellphone sa oras na kailangan mo ko?Ang tanga ko na ni isa man lang 50 missed calls mo hindi ko sinagot.Kaya eto ako ngayon nagtatanong kung hanggang kailan?Hanggang kailan ako magsisisi?

Ung araw na nawala ka alam mo bang gusto kong sumunod sayo?Kasi nalaman ko sa sulat mo na hanggang sa huli mong hininga ako,ako parin pala ang mahal mo.Natatandaan ko pa nung binasa ko ung sulat mo hindi ko napigilang humagulgol.

Dear,Jonh

Sana nababasa mo to,kahit na alam kong wala kang pakielam dito dahil ang sabi mo,aksaya lang ang pagbabasa ng mga liham na galing sa akin tanda mo pa?Sinabi mo yan noong una akong nagtapat sayo pero....Napatawad ba kita.Mahal kita alam mo yon diba?Kaya nga eto ako handang ialay ang buhay ko para sayo bukas.Bukas ka nila binabalak na patayin ng mga taong nakaaway mo dahil ipinagtanggol mo ung babae sa bar na pinuntahan niyo noon,pero dahil ayaw kong mawala ka tinanong ko sila kung anong pwede kong gawin para mabayaran ang atraso mo alam mo ang sabi nila?Sabi nila kung mapapatay daw nila ako hindi sila magdadalawang isip na buhayin ka.kaya eto ako tinanggap ang alok nila.Huwag ka magalala humingi ako ng pabor sa kanila na kung pwede tatawagan muna kita bago nila ako patayin syempre para marinig ko manlang ung boses mo.Sana.Sana sa hulinh pagkakataon na yon hindi mo ko biguin.Mahal kita to the moon and back.

From:Sofia

Ang tanga ko,diba?Iniwan mo yan sa itaas ng kama ko pero dahil nga tanga ako nakita ko lang yan nung gabing umuwi ako para makapagpalit para sa libing mo,hindi kasi ako umuwi nung araw na inilagay mo yan don eh lam mo naman ako hanggang ngayon isip binata parin malapit na nga tayong magpakasal diba?Peroung mga plano nating yon nawala ng parang bula.

Patawad hindi ko sinasadya.Sa tingin mo,hanggang kailan pa ba ako.....Magsisisi?

Hanggang kailan ko hihilinging sana hindi na dumating ung araw na yon?

Hanggang kailan ako hihingi ng tawad sa ginawa kong iyon?

Hanggang kailan ako magtitiis na makasama ka ulit?

Hanggang kailan ko tatanungin ung sarili ko kung bakit hindi kita pinahalagahan?

Sana ngayong araw na iniisip kita ay ang araw na mabigyan ng kasugatan ang lahat ng to.

Sa tingin mo,hanggang kailan ba kita mamahalin?

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon