Ilang oras na ring naglalakad ang isang mag-anak patungo sa lugar kung saan sila bagong maninirahan. Nagmula pa sila sa isang maliit na bayang tawid-dagat din mula sa kinalalagyan nila ngayon. Isang sampung taong batang babae at isang mas bata pa sa kanya na lalake na nasa pitong taong gulang lamang.
"Magpahinga na muna tayo, Kadyo, nananakit na ang balakang ko eh.." Ang sabi ng kanilang ina na limang buwang buntis.
"Nagugutom na po ako inay.." Ang sabi ng batang babaeng si Aleli.Eksakto namang may malapit na tindahan sa kanilang kinatatayuan kung kaya at agad na silang nagtungo rito upang makapagpahinga na muna at makakain ng kaunti. Pansin nila ang katahimikan sa buong lugar. Iilan lamang ang bahay at naliligiran pa ng madadawag na puno.
"Ate! Nakakatakot naman dito.." Ang sabi ng batang si Alfie.
"Ikaw naman bunso, parang hindi ka naman sanay, ganito rin naman sa dati nating tinitirahan eh.." sagot ni Aleli.Napansin siguro ng matandang lalaki na may mga bitbit ang mag-anak kung kaya at inusisa niya ito.
"Mukhang --- bago lang kayo ah? Saan ba ang tungo n'yo?" tanong nito.
Sumagot naman ang ama, "sa Sanana po, galing pa po kami sa Daingan."Hindi agad nakakibo ang matanda. Ngunit..
"Sanana? Galing kamo kayo ng Daingan? Eh bakit naman ninais n'yo pang lumipat sa Sanana eh mas maayos namang di hamak ang kabuhayan sa tabing-dagat?!" May pagtatakang tanong ng tindero.
Sinenyasan naman ng titig ng asawa niya ang lalake upang huwag ng magkwento pa.
"Malayo pa ang Sanana dito, ilang maliit na baryo pa ang madaraanan n'yo, bilisan n'yo na lang ang paglakad upang 'di kayo abutin ng dilim, wala rin kasing masasakyan papunta roon at tanging mga kalabaw lamang ang aming gamit, ngunit sa kondisyon ng asawa mo ay mukhang mahihirapan siyang sumakay ng kalabaw.." saad ng matanda.
"Ganoon po ba?" tugon ni Kadyo.
"Mabuti pa umpisahan na nating maglakad ulit, kawawa naman ang mga bata eh.." Ang sabi ni Emma habang isa-isa ng binibitbit ang kanilang mga tampipi.At nag-paalam na sila sa matanda at nagpasalamat din.
"Gusto ko ng makita ang bago nating titirahan itay, sigurado marami kaming makakalaro doon." Nakangiti pang sabi ni Alfie.
Nag-umpisa na silang maglakad sa malawak na kalsadang lupa, na walang makikita kung'di puro puno at damo. Matindi naman ang sikat ng araw kung kaya at hindi naman ganoon nakakatakot ang daan.
***
Dalawang oras.
Dalawang maliit na baryo na ang kanilang nadaanan. Pagod na ang mag-anak ngunit ng magtanong ay isang huling maliit na baryo pa raw ang dadatnan nila at mga tatlong oras pang lakad.
"Tatlong oras Kadyo? Mukhang 'di ko na kakayanin pa, masakit na ang mga paa ko at mamaya lang ay madilim na.." Ang reklamo na ni Emma.
"Bakit naman kasi hindi sinabi ng nanay mo na ganito pala ito kalayo?!"Tahimik lang si Kadyo. Hindi makatingin sa asawa.
"Nakita mo na?! Alam mo palang patay ang kabuhayan natin dito dahil sa layo sa sentro ng bayan at pati na rin ang mga eskwelahan! Bakit ka kasi nagdesisyon ng ikaw lang?!" May galit na sa pananalita ni Emma.
Nakatingin lamang ang dalawang batang pagod na rin.
"Huwag na tayo magtalo, mas mabuti na ito kaysa ang paulit-ulit tayong tinutuya ni Tiyo Mar!" sagot ni Kadyo.
"Saka ---"
"Saka hindi ko na nga alam kung buhay pa ang nanay at tatay ko! Matagal na nilang sinabi sa akin ito, kung hindi pa natin nakaalitan ang Tiyo eh hindi pa tayo aalis doon!" pahabol pa nito.Hindi na rin kumibo pa si Emma at nauna na lamang sa kanyang paglakad.
"Tara na mga anak, mas maayos dito kaysa sa dati.." Ang alo ni Kadyo sa dalawang papaiyak ng bata.
BINABASA MO ANG
Si Prinsesa Magda
HorrorWalang kasing bait. Ngunit wala ring kasing bagsik. Hindi inakala ni Magda na magbabago ang takbo ng kanyang pamumuno ng dahil lamang sa isang taong hindi niya naman kadugo. Dahil sa isang pangakong binitiwan ay malalagay sa panganib ang kanyang buo...