Wizard's Tale 3: Chapter 2

92.8K 2.8K 144
                                    


(Alyanna POV)


Dumating na ang araw na matagal ko nang pinaghahandaan—ang sarili kong Ranking Quest. Maraming nag-aabang at manonood sa laban kabilang ang Hari at Reyna, mga elders at buong ministry, at sina Headmaster Diazo at Madame Erizally bilang mga panauhing pandangal.

"Nakahanda ka na ba, Prinsesa Yana?" tanong sa akin ng isa sa mga naging master ko na si Lolo Lorcan.

"Handang-handa na po." Naglakad na kami patungo sa gitna ng arena habang walang humpay ang pagchi-cheer ng mga tao para sa akin. Kinakabahan ako na nae-excite.

Pagdating ko roon, nakita kong nakahilera na sa gilid ang mga taong posible kong makalaban. Sila ay mga pili at malalakas na Luxurian. Ilan sa kanila ay pamilyar tulad nina Kerria, Sylfer at ang seryosong si Rouel.

Tumayo na ang aking ama para sa kanyang opening speech. Maaliwalas ang kanyang mukha at mukhang kampante siya sa magiging laban. Determinado rin naman akong 'wag siyang biguin.

"Sa loob ng dalawang taon, sumailalim sa isang mahigpit na pagsasanay ang ating mahal na Prinsesa Alyanna. Ngayon ay sasailalim siya sa isang laban na dinisenyo mismo ni Headmaster Diazo Flemwall upang masusing sukatin ang kanyang kakayahan. We shall determine her fighting abilities, both physically and magically."

Sa paliwanag ng Hari, maihahalintulad sa Game of Elemaze ang magiging laban but minus the maze. Magkakaroon ng Element Spheroids sa fighting vicinity bilang power-ups na dalawang beses lang ding pwedeng gamitin. May mga booby-traps din na kailangang iwasan. At para i-monitor naman ang health points namin ay may suot kaming Elemaze Gauntlet.

"Bago magsimula, mamimili ang ating Prinsesa ng isang Luxurian na nais niyang maging kakampi."

Nang papiliin na nila ako, sadyang nagpapansin sa akin si Sylfer lalo pa't sa gitna siya nakapwesto. Kung pwede nga lang na magprisinta, marahil ay kanina pa niya itinaas ang kanyang kamay. Sunod kong napansin ang katabi niyang si Rouel, ang isnaberong Prinsipe! Dahil sa pustahan namin kagabi, hindi ko siya pwedeng piliin bilang kakampi.

"Si Kerria Terrashaw po ang gusto kong maging kakampi."

Ngiting-ngiti si Kerria nang marinig niya ang kanyang pangalan at agad naman siyang lumapit sa akin. Siya ang pinili ko dahil bukod sa kaming dalawa naman ang pinaka-close, kabisado ko na ang fighting style niya. Alam kong magiging maganda ang team work naming dalawa.

"And now, for your contenders, you will have to defeat four Luxurian warriors. Ikaw rin ang mamimili kung sino ang gusto mong makalaban sa kanila."

Napatingin ako sa mga Luxurian na nasa harapan ko. Lahat sila ay sikat sa kani-kanilang pamilya at mga tribo kung kaya't malaking karangalan na makalaban ang apat na sa tingin ko'y pinakamalalakas.

"Ang unang pipiliin ko ay si Eron Terrashaw." Isa siya sa mga ipinagmamalaking mandirigma na ipinakilala sa akin noon ni Chief Clive. Naging bayani siya noong panahong inatake kami sa kanilang bayan dahil sa dami ng kanyang mga nailigtas na katribo.

"Sumunod po ay si Lyria mula sa Aersseys Tribe." Isa naman siyang babaeng mandirigmang galing sa tribo ni Mama. Minsan ko nang nakita ang fighting style niya at mas mahirap siyang kalaban kapag malapitan.

'Yung kanina namang nagpapapansin na si Sylfer, biglang naging snob. "Ang ikatlo po na gusto kong makalaban ay si Sylfer Flemwall-Ardensier."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon