Sabi nila masakit isipin na kay tagal-tagal na ninyong magkasama ay kaibigan lang ang turingan nyo sa isa’t-isa. Magkababata sina Abigail at Nathan. Sa lungkot at ligaya sa hirap at ginhawa parati silang nagdadamayan. Tuwing nalulungkot si Abigail ay panapangiti sya ni Nathan. Bawat oras, bawat araw, bawat sigundu silang nagsasama. Minsan nga sa bahay nina Abigail natutulog si Nathan. Minsa sa bahay rin nina Nathan natutulog si Abigail. Tila ba parang magkapatid na ang turi nila sa isa’t-isa. Malapit na ang pasukan, naghahanda na nga mga kagamitan si Abigail nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto nya. “sandali lang…” ang tugun nito. Sa harap ng pintuan ay nakatayo ang isang guwapong lalaki, matangkad, katamtaman ang balat, naka kulay asul ang damit at naka maong. Sya si Nathan Evans, ang matalik na kaibigan ni Abigail Stuart. “Nathan! ikaw pala, ano? tatayo ka nalang ba dyan? umupo ka nga!” bati ni Abigail. “Anu ba naman tong kwarto mu? ang kalat-kalat?!” reklamo ni Nathan. “aba! kung magsalita tung anak nang teteng akala mu ang linis, linis…” walang gatong na sagot ni Abigail. “bilisan mo na nga dyan at mamamasyal pa tayo…” wika ni Nathan. “sandali lang ho… pwedi ho ba? mauna na muna ho kayo sa labas? susunod na ho ako Sir!” pasigaw na wika ni Abigail. Sabay saludo na tila ba isang sundalo kay Nathan. “Hai naku, bat ba namn ako nagkaroon ng kaibigang may topak?!” “anung sinabi mo?!” tanong ni Abigail. “ah! Wala! ang sabi ko gusto kong kumain ng manok na may pakpak!” pabirong wika ni Nathan. “Ganun ba? iba kasi narinig ko kanina eh…” wika ni Abigail. Iniba ni Nathan ang usapan. “Tapos kna ba dyan?” . “Oho! tapos na Po! Aalis nap o ba tayo?” tanong ni Abigail. “Ay hindi! papunta palang tayo… halika na!” walang gatong na wika ni Nathan.
Sa Pasyalan…
“Bogz! kamusta ang baksyon?!” bati ng kaibigan ni Nathan na si Chris. “Heto, tao parin…ikaw kamusta?” wika ni Nathan. “Better than good!” wika ni Chris. “Edi mabuti kung ganun…kamusta nap ala yung liniligawan mo? sino nga ba yun?” sabi ni Nathan. “ahhh! si Camille? Basted ako nun! Kayo? kamusta na kayo ng fiancé mo? Si Abigail?” tanong ni Chris sabay tawa ng malakas. “Ano? fiancé? di ko fiancé yun no? at di ako magpapakasal sa topak na yun! Best friend ko lang yun. !” ganti naman ni Nathan. Halos narinig ni Abigail ang lahat. “Best friend?” ang bumubulong sa isipan nya. Diba? ang sakit isipin… sa kay haba-habang taong pagsasama nyo hangang best friend lang? Tumakbo pamuntang parking lot ng mga bike si Abigail. Sumakay sa bike at muntik nang mahulog. Mabuti na lamang ay sinalo sya ni Nathan. Tumayo si Abigail at biglang tumapat ang labi nila sa isa’t-isa. Nagulat si Abigail at dali-daling umiwas. Palihim na ngumingiti si Nathan. Isipin mo? woah! kakakilig… “Sabi ko naman kasi sayo eh… wag kang mag bike nang mag-isa, di kappa kasi marunong mag-bike.” concern na wika ni Nathan. “Ikaw kasi eh!” sagot namn ni Abigail, naparang iiyak. “Halika na nga uwi na tayo.” wika ni Nathan. Habang papauwi na sila ay biglang umulan ng malakas. Sumilong sila sa isang barung-barong na kanila mismong tinultuluyan tuwing may problema sila o pampalipas oras. “Mauna kna doon sa loob. ako ng bahala rito.” utos ni Nathan. “Hay naku, pagminamalas nga namn … “ reklamo ni Abigail. “Heto, basang-basa na tuloy tayo.” dagdag pa nya. “Nathan? matagal pa ba yan? ang lalakas-lakas ng ulan oh… buti may dala ako ritong sandwich at tubig. Gusto mo?” anyaya nya kay Nathan. “Pinge nga… buti namn at medyo na busog rin ako. teka di kaba kumain kanina?” tanong ni Nathan. “Kumain. pero kunti lang… alam mo namn, DIET!” sabay tawa nilang dalawa. At biglang Kumidlat ng malakas. sabay yakap nila sa isa’t-isa. Kinikilig namn si Abigail ngunit di nagpapahalata. Binuksan ni Nathan ang bintana. “Mabuti namn at tumigil na ang ulan. Halika ka na, Aby.” tawag ni Nathan kay Abigail. “Nathan, anong oras nab a?” … “ah! mag-aalas 4 pa lang hapon.” wika ni Nathan. Sa kanilang daan pauwi ay nagkakatuwaan sila at kukwentuhan. “Alam mo Nathan? Guwapo ka sana eh, matalino, matangkad, kaso lang…” “kaso lang ano?” wika ni Nathan. “ kaso lang… ang yabang mo!” walang gatong na sagot ni Abigail. “Alam mo Abigail, ikaw rin eh… maganda, cute, at … mataba…” tawa ng malakas, habang kinukurut ang pisngi ni Abigail. “Aray! dyan kna nga!” pagalit na tugun ni Abigail habang tunilak nito ang bike ni Nathan. Mabuti nalng ay di sumubsub si Nathan.