Hindi ito related sa pagkakasunod sunod ng istorya namen..Naisip ko lang kanina at wala ako mapag posan..
Sa loob ng higit isang taon na pagsasama nating dalawa marami akong natutunan.
Marami akong mga pagkakamali, marami akong pagkukulang. Cguro tama ka na nagkulang ung tiwala ko sa yo dahil narin cguro sa mga nakaraang pinagdaananan ng relasyon natin pero ni minsan hindi ko hinayaan na masira ung relasyon na meron tau.
Marami na tayong pinagdaanan na halos bumigay na tayo at iwan ang isat isa, napakarami ang tumutol, madame din ang nagalet at higit sa lahat marami din ang tumanggap. Maraming dahilan na muntik n natin ikahiwalay ng landas at mamuhay ng magkalayo pero hindi natin hinayaan ung mga ganung pangyayare para sirain ang ating habang buhay.
Minahal kita ng buong puso ko, minahal kita ng higit pa sa buhay ko, minahal kita ng higit pa sa pag aakala ko na kaya kong ibigay sayo, minahal kita sa paraan ng alam ko at naramdaman ko rin naman kung gaano mo rin ako minahal at pinaglaban at pinanindigan.
Naramdaman ko ung pagmamahal na meron tayo para sa isat isa, naramdaman ko na ikaw na ung sagot sa matagal ko ng hinihiling sa panginoon na bigyan ako ng isang tao na makakasama ko habang buhay. Natatandaan mo ba ung sinabi ko sau, nagkita tayo ilang araw lang ang nakalipas simula ng hilingin kita sa Diyos. Napaka swerte ko dahil tinupad agad ni Lord ung panalangin ko.
Natatandaan ko rin na sinabi mo saken na ako din ung bigay sayo ni God, na after ng ilang taon binigay nya ako sau para makasama mo, at sinabi mo rin n ako ang nagbigay ng kulay sa mundo mo at binigyan kita ng rason para mabuhay.Sabi mo rin saken na kapag wala ako wala ka rin kaya hindi mo hahayaan na msira tayong dalawa or mawala ang isat isa.
Ngunit anong ngyare Mahal Ko? Anong ngyare? Bakit bigla ka nalang anwala ng hindi ko man lang alam, na hindi man lang ako nakapag handa?Ni wala man lang ako ka idea idea na mawawala ka na pala saken? Paano na ang habang buhay Mahal Ko?Paano na ung konsepto ng tayong Dalawa? Ano ng ang mangyayare sa mga pangako natin sa isat isa?
Marami akong naging mali sa relasyon natin, marami ka din naging pagkakamali, marami tayong mga flaws sa relasyon natin pero sapat ba un na dahilan para bigla k nalang bumitaw? Sapat ba ung para maglaho lahat?
Ang dame nating pinangarap sa buhay natin, simpleng mga bagay pero napakasarap isipin dahil ikaw ang kasama ko bumuo lahat ng pangarap natin.
Aaminin ko sayo na hindi ako fan ng kasal pero nung dumating ka sa buhay ko kahit alam ko na napaka imposible para sa dalawang babae ang magpakasal pinangarap ko na maghintay sa gilid ng altar habang naglalakad ka papalapit sa akin. Magpapalitan ng mga salitang "I do" ,magpapalitan ng mga pangako na habang buhay sa harap ng diyos at sa harap ng mga taong importante sa buhay natin, sa harap ng buong mundo. Magpapalitan ng singsing na tanda ng hindi mabubuyag ng pagsasama habang buhay. Napaka imposibleng konsepto pero pinangarap ko sayo dahil ikaw ung gusto ko makasama habang buhay, hanggang sa ating pagtanda.
Iingatan at aalagaan kita, pagsisilbihan at mamahalin ng buong buo buong buhay ko. I was born to love you and i am destined to love and take care of you.
Ngunit lahat ng un ay tila malabo na, malabo pa sa pinaka malabo, Lahat ay naglaho nalang sa isang iglap, naglaho ng parang bula na hindi alam kung asan na.
Hahayaan na muna kita Mahal Ko, hanapin mo ung sarili mo, hanapin mo ung tlagang magpapasaya sayo. at sa oras na dumating ang panahon na handa ka ng balikan ang pahina ng buhay mo kasama ako, handa kitang yakapin pabalik sa aking mga bisig.
Ngunit kapag napag tanto mo na hindi talaga ako ang talagang magpapasaya sayo, handa ako tanggapin ng maluwag sa puso ko dahil wala ng mas sasaya pa saken kapag nalaman ko na masaya ka sa pinipili mo. Hayaan mo lang sana na kahit paano ay mkapag usap tau at isara ang pahina ng kwento nating dalawa.
Sana hindi mo makalimutan na walang oras o sandali na nawala k sa isip ko lalong lalo na sa puso ko, Mahal n mahal n mahal n maha kita princesa ko, mahal n mahal kita baby ko, mahal n mahal kita asawa ko, mahal n mahal kita mahal ko..Andito lang ako palagi para sayo..
Hindi ako magsasawang maghintay at umasa na isang araw matutupad din ung mga pangarap natin ng magkasama, habang buhay at mabibigyan din kahulugan ang salitang "FOREVER".
BINABASA MO ANG
Aveth's Sentiments
Randomthis is all about my feelings and thoughts..mga sarili kong karanasan sa buhay..