Oneshot: Ako pa rin, diba?

161 8 2
                                    

Eto na. Ga-graduate na ko. Pero… eto na rin yung huli kong araw dito sa pilipinas dahil pinapakuha na ko ng parents ko. Labag man sa kalooban ko pero kailangan.

Napatingin ako kay Dyl. Makita ko pa lang siya parang ayoko ng umalis. Siya ang dahilan kung bakit pa ko nandto. Dapat aalis na ko noon pa pero nang dahil kay Dyl, di na ko pumayag. Mahal ko siya at ganun din siya sakin.

Mamaya ko pa lang sasabihin lahat ng ‘to sa kanya. Alam ko namang maiintindihan ako ni Dyl. Mabait siyang tao at maunawain. Sana intindihin niya ko. Kahit mahal na naming ang isa’t isa, di ko parin siya magawang sagutin. Parang still MU pa din ang stage naming dalawa.

Maraming napasok sa utak ko nong pinaplano ko na sagutin na si Dyl. Kesho sabi ng konsensya ko na aalis ako at maiiwan si Dyl mag-isa. Mahirap na.

Lumapit ako ay Dyl. At niyakap siya. Ngumiti siya sakin at niyakap din ako. “May problema ba?” Tanong saken ni Dyl. Anlakas ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako na ewan. Parang gusto ko na lang na umalis ng di nagpapaalam sa kanya. Pero mali yun. Mabuti nang sabihin ko, diba? Kahit ano mang kalabasan nito?

“Usap tayo mamaya ha? After ng ceremony.” Sabi ko sa kanya ng nakangiti at umalis na papunta doon sa upuan ko. Parang lumilipad na naman tong utak ko. Nakakainis. Gusto ko nang umiyak pero ayoko. Maraming nakakakita sakin at baka sabihin nila ay mahina at iyakin akong tao.

*

Mabilis na natapos ang ceremony at sa di ko inaasahan, dumating agad agad si Dyl. Di pa ko handa pero kailangan ko nang sabihin sa kanya ‘to. Malamang lamang e na cucurious na ‘tong mahal ko. Mamimiss ko to.

Pumunta kami sa Café na di karamihan ang tao, all set na ang lahat. Ako na lang ang kulang at aalis na ko mamaya maya.

Pinaupo ko siya sa harapan ko. At ngumiti ng peke. “Hmm. Dyl, may sasabihin ako sayo.” Sabi kong ganon. Natatakot pa din ako.

Go on Xia.” Sabi na lang niya. Huminga ako ng malalim at tuluyan nang sabihin kay Dyl lahat. “Dyl, kailangan ko nang umalis. Promise, babalik ako. Makakapag hintay ka ba?” Tumingin ako sa mga mata niya. Bakas sa mata niya ang lungkot at gulat.

Hinawakan ko yung kamay niya. Isa pa ‘to. Mamimiss ko din to. Dyl, sana mahintay mo ko. Sabi ko na lang sa sarili ko. Parang ayokong marinig yung sagot niya.

Lord, pwede bang di muna ko makarinig kahit ngayong mga oras lang? Please? Huminga ulit ako ng malalim. Gusto ko na talagang umiyak pero hindi sa harap ni Dyl. Ayoko. Masasaktan lang ako lalo.

Tumingin ako sa mga mata niya. Alam kong magsasalita na siya kaya tumitig lang ako. “Sige Xia. Pipilitin kong hintayin ka.” Medyo lumuwag yung pakiramdam ko. Ngumiti siya. Ng pilit.

Tumayo ako at niyakap siya. “Hintayin mo ko Dyl ha? Gusto ko ng maraming anak pag balik ko.” Sabay ngiti ko sa kanya. This time, totoong ngiti na to. Mahal na mahal ko tong si Dyl. “Mahal na mahal kita Dyl. Palagi kang magiingat ha?” Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at ngumiti ulit.

Magiingat Karin dun Xia ha? Wag kang malikot dun at baka ipadala ka nila pabalik dito. Hahaha. Mahal na mahal din kita Xia.” Niyakap niya ko at tuluyan na kong nagpaalam sa kanya.

*

After 5 years

“Woooo. Ang sarap ng hangin dito sa pinas.” Nakakamiss. Sabay ngiti ko. Kakauwi ko lang galling Rome. Grabe. Namiss ko talaga dito. Kamusta na kaya si Dyl? Excited na kong Makita siya at mayakap.

Marami akong dalang bagahe. Mga pasalubong k okay Dyl. Dumiretso ako sa kanila, dun padin pala sila nakatira.

Habang papunta ako sakanila. Kinakabahan ako. Feeling ko may ewan na mangyayare. Ay nako Xia. Wag kang magisip ng ganyan. Inhale exhale.

*doorbell

“Sino po sila?” Sabin g katulong don sa bahay nila Dyl. “Xia po. Di niyo na po ako naaalala?” Sabi ko don. Dati naman kilala ako neto.

Ahhh. Si Maam Xia. Tuloy po kayo.” Ngumiti ako at pumasok. Hinihintay si Dyl.

Napatayo ako nung Makita ko na siya. Ganun pa din siya. Gwapo. Matangkad. Ngumiti na lang ako at niyakap siya ng napakahigpit. I still love him.

Dyl, pwede na tayong bumuo ng sarili nating pamilya!” Sabi ko ng nakangiti pero parng may kakaiba sa kanya. Malungkot yung mukha niya? Baket?

Hmm. May problema ba Dyl?” Tanong ko sa kanya. At pinaupo niya ko at may sasabihin daw siya. Kinakabahan ako sa mga gantong bagay. Huhu. Ayoko naaaaaaaa.

Hindi umiimik si Dyl. Mukhang alam ko na ang sasahin niya. At sana, mali ako

Ilang minute na ang nakalipas pero wala paring imikan. Babasagin ko na lang to. “Dyl, ako pa rin naman diba?” Tanong ko sa kanya ng maluluha na talaga. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. A ng sakit. Parang may sinasabi siya na di ko maintindihan.

“Im sorry Xia.” Those words. Nag unahan ng tumulo yung mga luhang kanina pang nasa mata ko. Ang saket. Bat hindi niya manlang sinabe?

Bat ngayon mo lang sinabi Dyl?” Sabi ko ng umiiyak ako. Pero mukhang wala siyang balak sagutin yung tanong ko. “ Dyl, umasa ako! UMASA AKO!” At tuluyan na kong umiyak ng todo. Si Dyl? Ayun, parang nakatingin sa kwalan.

Xia, tao din ako. Five years kang nawala. Wala tayong pinanghahawakan Xia. Malay ko bang may asawa ka nap ala don. Di ko sinabi sayo dahil ayoko nang guluhin ka pa. Xia... napapagod din ako. Naiinip. Nasasaktan. Sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan ngayon Xia? Ako rin. Pinakasal ako ng Tatay ko dun sa anak ng boss niya. May anak kami at natutuhan ko na rin siyang mahalin, Xia. Im Sorry.” Umalis na siya at naiwan akong umiiyak parin. Ang sakit pala. Sobrang sakit.

Tama siya. Umalis ako ng wala kaming pinanghahawakan. Ako. Ako ang may kasalanan ng lahat. Pero bat di niya sinabi agad? Umasa ko tapos eto? Fck. Di ko na kaya. Anytime ata pwde na kong himatayin. Iyak lang ako ng iyak tapos… *black*

Oneshot: Ako pa rin, diba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon