"AAHHHHHHHHHHHH!!!!" sigaw ng mga tao habang nagtatakbuhan palabas ng kani-kanilang mga bahay kasunod nito ang malalakas na pagsabog sa lugar na iyon. May mga umiiyak habang tumatakbo palayo, may mga duguan na humihingi ng tulong, at may mga sugatan at nangamatay na tao na napalibutan na ng apoy.
"Parang awa mo na, tulungan mo ako-" sabi ng matandang sugatan. Nakadapa ito at sugatan ang binti. Hinawakan niya ang magarang pants ng isang lalaki at marahang tumingala upang makita ito. Namilog ang mga mata ng kawawang matanda. Ilang sandali pa ay tumalsik ang dugo nito sa lupa. "Tsk!! Nakakairita kang nilalang!" Sinipa pa ng lalaki ang wala nang buhay na matanda. naging seryoso ang mukha nito. Marahan niyang tiningnan ang espada niyang may bahid ng dugo. "Master, nalibot na po namin ang lahat ng lugar dito ngunit... paumanhin po, hindi namin nakita." Muling kumayat ang dugo; itim na dugo sa lupa. Kitang-kita sa mga matatalim nitong mga mata ang duguang lalaki. Naging usok na itim ito at naglaho. "Walang silbi." Nag apoy ang espada. "Whoa! Take it easy, boss.." sabi ng isang lalaking naglalakad sa gitna ng nag aapoy na bahay. Nang makalapit ito, "Fross, gawin mo na." utos nito sabay balik ng espada sa kanluban at tumalikod. "Ok, boss.. " Nakangiti itong nagpaalam sa lalaki at biglang nawala. "Mahahanap din kita, holder of Diabolic Life."
"Hindi mo siya makukuha, Hell Flame." biglang lumabas ang isang misteryosong lalaki sa di-kalayuan. Nasa ibabaw ito ng nagliliyab na bahay. Tumingin siya sa paligid. Makikita sa mga mata nito ang mabilasik na apoy. "Ito pala ang Hell Flame. Tsk."
Naiwan pa ang itim at asul na tila kuryente sa lupa na galing kay Fross. Si Fross Cranford ang holder ng Demonic Ice Devil Stone at right hand ng Prince of Hell Empire na mas kilala sa pangalang "Hell Flame". Si Hell Flame ang nag-iisang tagapagmana ng trono at holder ng Hell Flame Devil Stone.
Yumuko ang isang lalaki sa harap ni Hell Flame habang nakaupo naman ito sa Chair of Strafe(punishment) "Young Master, handa na po ang hapunan. Maari na po kayong magtungo ni Master Zaphyr sa Esszimmer(hapag kainan)." Ang Hell Empire ay nakatayo sa bandang hilaga ng Underworld. Isa itong lumulutang na creepy citadel(castle) na napapalibutan ng apoy. "Sige, makakaalis ka na, Levi." Si Gregory Levi ang mayordomo ng citadel. "Masusunod po, Young Master." sagot nito. "Zaphyr...." si Zaphyr ang pet for royal family. Unknown kung anong uri ng monster ito. Lahat ng nakakita ng tunay na anyo nito ay naglalaho maliban sa mga royal bloods. Kulay pula at makapal ang balahibo nito, nakalabas ang dalawang pangil, may kwintas na itim, matalim na itim at pulang mga mata ngunit maamo parin itong tingnan. "...kumain na tayo." umungol at ngumiti ito sa kanya.
"Hi Master!" eleganteng bati Vlad nang makita si Hell Flame. Lumabas sa apoy si Hell Flame kasama si Zaphyr. Tumalon at naupo ito sa pwesto niya sa long table."Naipahanda ko na ang paborito niyong pagkain ni Master Zaphyr, Young master Hell Flame." Tumingin ito sa malaking pintuan at eleganteng nag one clap. "Essen mitbringen(ilabas ang pagkain)". Bumungad ang masasarap na pagkain. Nagningning ang mga mata ni Zaphyr. Mabilis na inihain ng mga servant ang pagkain sa bawat upuan. "Thank you, Flora." ngumiti si Gyro Shuttleworth. "Hi guys! Sorry i'm late!." bati nito. "Pauminhin po, Young Master Hell Flame." yumuko si Kaesy Mc Thilt, Lady of Thorns at right hand ni Gyro. Sa isang iglap lang halos occupied na ang mga vacant seat. "Present! Uy, uod(Gyro) nahuli ka na naman ba?" sabi ni YL Fausto Hollister. Kasabay niya dumating si Commander Elastine Del Fuego, Mistress of Nightmare. "Hell..." si Heiz Zech, The Illusion Master, naman ang sunod na nagparamdam. "Nauna ako sayo koala!" giit ni Gyro. Naramdaman ni Elastine ang mga mata ni Zaphyr, naupo na ito sa katabing upuan ni Gyro. Habang nagtatalo ang dalawa dumating naman ang iba pa. "para talaga kayong mga bata," singit ni Viel Faugo, Second Prince of Despair. "aking esposo, wala na tayong magagawa pa sa dalawang yan..(itutuon ang siko sa likod ni Viel at iffling ang hair) sagot naman ni Adelaide Schutch, Ruler of Yokai at fiancee ni Viel. Tumingala ito at ngumiti, "Come here, My Queen..Have a seat." Tumayo ito at iginaya ang lady sa kanyang upuan. "Kailan pa naging mabilis ang isang uod na kagaya mo, Gyro?" pang aasar pa ni YL. "Anong sinabi mo?! GGGRRRR...(sandaling yumuko) This time hindi ka na makakatakas sakin." pigil na pigil ni Gyro ang galit."at sinong tumakas?" ang dating cool na si YL ngayon ang nanggigigil na sa galit. Biglang lumutang ang mahabang lamesa. Parang may kidlat na namagitan sa dalawa. Umayon ang matitilos na kubyertos kay YL. May mga hugis sibat na yelo naman ang nakapaligid nakapaligid sa kanya. "I accept this kind of invitation, Gravity Master." Nagkatensyon sa dining area for royalties' ng citadel. Sa gitna ng tensyon may tumikhim na lalaki, "ehemm! Master Gyro, Master YL, ipagpaumanhin po ninyo ang aking kalapastanganan sa inyo ngayon, alam ko po na matagal po ninyong hindi nakita ang isat isa dahil sa special mission nyo ngunit nasa Esszimmer po kayo kaharap ang aming young master. Hindi ko itotolerate ang ganitong klaseng kalapastanganan sa Prince." Magalang ngunit may tensyon sa bawat salita nito. Matalim ang pagkakatitig ni Vlad sa dalawa. Alam ng lahat ang nangyari 10 years ago sa pagitan nina Vlad at ng Mistress of Bloody Heart, Lady Zerah Valentin, kilala ito sa pagkitil gamit ang sariling dugo. Pinatay ni Vlad ang mistress sa harap ng mga royal bloods. Maraming reports na ang naiulat tungkol sa mistress; layunin nitong mapabagsak ang hari. Marami na rin itong ginawang paglabag sa rules ng Underworld dahilan upang wakasan na ang buhay nito. 15 years old pa lang si Vlad ng walang awa niyang pinatay ang Mistress of Bloody Heart. Dahil doon tinwag siyang "The Merciless Vladimir". Kilala ang Familia Frey sa pagiging loyal sa royal families na kinabibilangan ni Vlad.
YOU ARE READING
Forbidden Love Between Two Worlds
Fantasy"Paano ko sasabihin na mahal kita kung ako ang magiging dahilan ng pagkawala mo sa mundong ito?"-Hell Flame