The Unexpected Plan Part II

7 0 0
                                    

Nagbago ang aura ng paligid, "hehehe..ikaw talaga, Vlad" nakangiwing tugon ni Gyro. "Oo nga naman, Vlad, sanay na pati samin si Hell, diba Hell?" nagkamot ng ulo si YL sabay tawa pero hindi natinig si Vlad, matalim parin ang tingin nito sa kanilang dalawa. "Uyy Hell.. (hahaba ang nguso at parang multong lalapit kay Hell). Ilang saglit lang ay nagliyab ang isang utusan sa likod nina Gyro at YL. Bumagsak ito sa sahig at naging pulang abo. "Ohohowww.. sorry tagapag silbi.." nakangiting tiningnan ni Fross ang kawawang utusan. "Nandito na ako, Hell" bati pa nito at naupo na sa kanyang upuan. "Magkita tayo mamaya Gyro,YL. Magsimula na tayo." Umupo na rin sina Kaesy, Elastine, Adelaide, Vlad at Gregory. Lumipas ang 45 mins na pagkain at masayang usapan. Napag usapan nila ang naging matagumpay nilang mission. Si Fross na pinaslang ang Lord of Dark Magician ng Black Widow Empire, si YL na humarap sa hukbo ng alyansa laban sa Hell Empire sa Death Pass, at si Gyro na binihag ang prinsesa ng Bloody Empire, si Lady Rossa Valentin, anak ni Mistress Zerah. Habang nagsasalita si Hell Flame lihim na nagmamaktol si Gyro, "Bakit si Fross ni minsan hindi pa nakapasok sa Delubio? samantalang ako." Tumigil sa pagsasalita si Hell Flame at humarap sa gawi niya. Napaayos siya ng upo at naramdaman niyang nasa kanya ang atensyon ng lahat. "Ididiscuss ko yan sayo mamaya, Gyro." matalim ang mga mata nito. "Nabasa na naman niya ang isipan ko.." sabi niya sa sarili. Tumikhim si Heiz. (tatayo si Gyro) "Sorry Hell, please continue.." Nagsimula na ulit si Hell at naupo na rin si Gyro. Nagpalitan sila ng idea tungkol sa Holder ng Diabolic Life.

    Naging seryoso ang usapan. "Hanggang ngayon hindi pa natin nahahanap ang Holder ng Diabolic Life." sabi pa ni Hell. "Vlad?" nilingon niya ang lalaking matamang nakikinig sa usapan. Tumikhim ito. "Ehemm. Nagbigay po ng hint ang Information Section regarding in this matter, Young Master. Napag alaman po nila na nagtatago sa Artificial World ang holder. Specifically, sa Hexodous community siya naninirahan. Sinasabing lumaki ito bilang isang normal na tao doon--" naputol ang pagsasalaysay ni Vlad. "sandali lang Vlad....Sinabi mong lumaki ang holder ng Diabolic Life bilang isang normal na tao? (hahawakan ang sariling baba at nag isip)" tanong ni Viel. "Opo, Master Viel." magalang na tugon nito. "Hindi ko akalain na isa pala siyang tao." napangisi si Viel. "Ayon po sa IS, target identity's unknown. Unidentified din ang kanyang powers. Sinabi rin na kamakailan ay may isang misteryosong kapangyarihan ang sumira sa Southern part ng Underworld at pinaghihinalaan nilang ang holdler ng DiaLi ang may kagagawan nito. Kamakailan din ay naging active ito sa pag gamit ng kanyang kapangyarihan base sa report ng DiaLi specialists." sagot ni Vlad. "So you're telling us na hindi lang alay ang DiaLi na gaya niya? May powers din siya? " tanong naman ni YL. "Tama po, Master YL." tugon ni Vlad. "Interesting." may bahid na kapahamakan ang mga ngiti ni Fross. Lahat ay naging mas interesado sa paghahanap ng DiaLi. Binasag ni Hell Flame ang katahimikan, "Levi," parang kidlat na lumitaw si Greg. "Yes, Young Master Hell Flame."nakayuko ito. Tumayo si Hell, "Lahat kayo, be prepared. Pupunta tayo sa Artificial World." Biglang nagbago ang aura ng paligid. Lahat ay excited na mahuli ang holder ng DiaLi. "Sure ka ba, Hell? serysong tanong ni Heiz. Natahimik bigla ang lahat. Lumipas ang 2 minuto saka muling nagsalita si Hell Flame, "alam mo kung gaano kaimportante sa atin ang DiaLi, Heiz." 

   Tahimik na naglalakad sa hall way sina Heiz at Fross. Nadaanan nila si Kaesy Mc Thilt na naghihintay sa labas ng Delubio, lugar kung saan nagbibigay ng punishment ang royal blood. "Hindi pa ba tapos, kaesy?" nilingon niya lang ito habang hawak ang transparent blue book. Yumuko ito bilang tugon, "Hindi pa po, Master Fross." Ngumiti lang si Fross at nagpatuloy sa paglalakad. "Bye Miss Kaesy Cranford." panunukso ni Heiz. Nanatili pa rin itong nakayuko hanggang sa mawala ang dalawa. Namula ang pisngi ni Kaesy. Naging fiancee ni Fross si Kaesy two years ago. Walang nakakaalam kung bakit naghiwalay ang dalawa. 




Forbidden Love Between Two WorldsWhere stories live. Discover now