Chapter 17:

3K 73 35
                                    

Yohan's POV:

Pagkaapak na pagkaapak ko sa airport ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng mga magulang ko.

"Namiss kita anak" Ang naiiyak na sambit ni mommy. Eto na nama po siya. Mom's rattle.

"Opo ma, kahapon nyo pa sinasabi yan sakin." Ang nakangiwi kong sagot. Kahapon pa kasi siya paulit-ulit. Alam ko naman ee. Alam ko naman. HAHAHA.

Sino ba namang hindi nakamiss sa isang Yohan Aspe? Ehem. Hahaa.

Syempre siya. Ang nanunuyang sabi ng isang parte ng isip ko.

Hangal ka kasi ee. Hahahaha! At amputa pinagtawanan pako!

"Hindi mo naman maalis sakin yun a--"  Pinutol ko na si mama.

"Na anak mo ko at gusto mo lamang makasigurado na okay lang ako?" Ang nakangiwing ko sabi. "Mommy naman ee, hindi na po ako bata. Malaki na po ako.  Tsaka kaya ko na po yung sarili ko." Ang sabi ko pa. Totoo naman ee. Mas naging matured at matatag ako simula nung..

"Kahit kailan talaga ang arte mo honey! Tara na nga! Kanina pako nagsasabing kumain na tayo hindi mo ko pinapansin!" Ang naiinis na sabi ni papa. Haha. Nainis ee.

Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga tong si mommy, lagi kaming inaalala.

"Ma, one of these days may babalikan akong importanteng tao sa buhay ko ha?" Ang masaya kongvsabi sa kanya.

"I-is it him?" Ang tanong ni mommy.

Pero ang nakakapagtaka, may nababanaag akong takot sa mga mata niya.

"Y-yes ma." Ang inakabahang sabi ko. "Is there a-any problem?" Ang nauutal kong tanong.

Shit. What the hell is exactly happening?

"O-ofcourse wala anak." Bigla syang tumalikod. "Halika na at kumain na tayo, kanina pa nagugutom ang daddy mo." Ang pagiwas ni mommy.

And now i'm really confused.


Axton's POV:

"Doms, pakiabot naman yung scissors please." Ang pakiusap ko kay dominique.

Tumingin sya sakin ng masama. Haha. Ayaw nya kasing maistorbo sa pagbabasa nya ng novel. Mahilig kasi siyang magbasa ng Romance. Ako din naman ganon. Kaso lately hindi na ko nakakapagbasa dahil medyo magulo ang buhay. Emerot! Hahaha.

"Oh ayan. Istorbo ka kahit kailan. Kung bakit ba naman kasi dito mo naisipan na gumawa ng project. Nananahimik ako dito tapos utus utusan mo pa ko." Ang nakaismid nyang sabi habang inaabot yung gunting.

Gumagawa kasi ako ng project para sa Biology. Mabusisi kasi tong skeletal system. Kailangan gumawa ng skeleton sa pamamagitan ng posporo. Jusko, POSPORO. Kundangan naman talagang hangal yung prof ko.

"Sorry na. Eto naman. Hindi lang ako makagawa samin kasi gigisahin ako ng mga kuya. Nakakairita." Nakakabuwisit naman kasi samin. Nalaman lang na kami ni Leux akala mo naman kung makapag gisa ee kala mong papatayin ka na. Hehe. Cant blame them. Yung pinagdaanan ko kasi ang dahilan kung bakit sila nagkakaganun.

"Yeah yeah. Whatever. Ang ganda mo kasi." Nakairap ng nakairap to. Dudukutin ko na mata netong si dominique ee.

"Nga pala, may singing contest na magaganap sa school natin ah? Hindi ka ba sasali?" Ang tanong ni dominique.

"Pag-iisipan k--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglangnasira ang pinto. Oo, as in nasira talaga!

"Hi guys! Hehe" Ang bati ni JP. May dala dala syang meryenda. Ng tumingin ako kay dominique ay nako jusko! Sobrang umuusok. Nasira nga pala yung pinto nya.

Patay ka Jp. Gago ka kase ee! HAHAHA!

"LUMAYAS. KA. NG. KWARTO. KO." Nanggigigil na sabi ni dominique. Napakamot naman ng ulo si JP. Yari na naman kasi siya sa kapatid nya. Ilang beses nang nangyayari to ee. Haha. Hindi pwedeng lumipas ang araw na walang nasisirang gamit ni dominique si JP. Kaya naman pag nangyayari yun abot abot na pananakit ang inaabot netong JP kay Doms.

"Ay. Hehe. Sorry na kapatids" Ang nakangiwing sabi ni JP.

"Lumayas ka sabeeeeeeeee!" Ang nangagalaiting sigaw ni dominique sabay habol niya kay JP.

Nagtabuhan sila sa kanilang mansyon habang ako naman ay naiiling at ipinagpatuloy ko na lang ulit ang naudlot kong project. Mga walang kwentang kasama. Hahahaha.


-----------
END OF CHAPTER 17!

May story pal ko sa wattpad. Nakalimutan ko. Hahaha. Ayan na. Malapit ng magharap harap. Abangan nyo. Salamat sa pagbabasa!

Read. Vote. Comment and be a fan.

--BinatangDyosa

My Bad Gay Girlfriend (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon